II | In Mortal Realm 2

134 70 2
                                    

Jupiters' POV

"JUPITER ANG SINAING SUNOG NA!!" kaagad akong napatayo sa aking kama dahil sa sigaw ng aking ina.

Hayss ano ba ito, ang dami dami ko pang ginagawang project sa school, di ko pa nagagawa yung iba plus sunog na naman ang kanin. Aish.

"Ma ano uulamin?" Kailangan ko munang kumain bago gawin ang iba ko pang hindi nagagawang project.

"Utang ka muna doon sa Lola mo." Na naman?! Hirap talaga ng buhay pag wala kayong pera, minsan talaga natatanong ko sa sarili ko na 'ito na ba talaga ang buhay para sa akin? kaya din siguro di ko malaman kung anong uunahin kong gawin na project dahil wala akong pera. Saan ako hahanap ng pera? Uutang kaya ako? Tutal nagawa ko naman iyon dati. Pero paano ko mababayaran? Aish buhay pwede na magpakamatay? Hahaha.

"Tao po. Lola pautang ng sardinas." Ani ko kay Lola at kumuha siya ng isa.

"Mukha kang binagsakan ng langit at lupa ngayon apo? Bakit?" concern na tanong ni lola.

"Stress lang po sa school lola." ngiti kung tugon.

"Huwag ka masyadong pastress apo, masisira iyang kagwapohan." ani ni lola na halatang pinapagaan ang loob ko.

"Oo naman lola, ayaw kong tumanda na pangit at walang girlfriend. Hahaha." sagot ko kasabay ng poise ng pogi points.

"Hahaha o sya sya, baka hinahanap ka na ng mama mo." ani ni lola.

"Sige po lola." sagot ko.

Habang pabalik ako ng bahay di ko maiwasang maisip na kailan pa kaya gaganda buhay ko? Nakakahonor nga ako sa school, nagsisimba ako parati, pero ba't ayaw kumapit ng swerte sa akin? Aish, life must go on, never give up.

Pagbalik ko sa bahay,

"O sige papupuntahin ko bukas si janjan dyan." Ani ni mama. Sino kaya kausap niya?

"Sino yon ma?" tanong ko.

"Si tita mo may ibibigay bukas, pupunta ka sa kanila bukas, maghanda ka na din para kakain na tayo." sagot niya. Ano kaya ibibigay ni tita? Cellphone? Sana hehe expect the unexpected hahaha.

• • •

"Tao po." ani ko at kumatok sa gate nila tita.

Mayamaya ay lumabas ang pinsan kong si Jherhone para pagbuksan ako.

"Uyy insan! Long time no see." bati ko sa kanya.

"Uyy naa lagi ka diri? (Ba't ka nandito?)" tanong niya.

"Pinapapunta ako ni tita dito, may ibibigay daw siya." sagot ko. "Ikaw ba't ka nandito? Bakasyon niyo?" tanong ko naman sa kaniya.

"Hindi ah, pinapapunta din ako ni tita dito." sagot niya.

"Oows? Hahaha ano kaya iyon insan? Hmmm". Sabay kaming napapaisip kunwari at nagkatinginan na pawang tugma ang iniisip namin.

"Hahahahahha" napatawa nalang kami dahil di pa rin kami nagbabago sa pinanggagawa namin. Siya ang pinakaclose kong pinsan sa lahat ng pinsan ko. Bata palang kami magkadikit na kami, iyon nga lang lumipat sila kaya di na masyado kaming nagkikita.

"Saan si tita?" tanong ko pagkapasok ng bahay nila. Napakalaki ng bahay nila, no doubt na marami silang nabibigay sa amin na mga pamangkin niya atsaka sa mga kapatid niya na sina mama at papa ng insan ko na si Jherhone. Sana ganito din pamumuhay namin.

"Nasa kusina ata, sige insan maligo muna ako." paalam niya.

"Kaya pala may naamoy ako kanina na parang may mabahong daga." at dahan dahan akong lumingon sa kanya at

The Untold ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon