Ritz's POV
OMG di ako makapaniwala!? Nandito si crush! As in si Janvel wahhh. Pero baka guniguni ko lang
Kinukusot kusot ko ang mga mata at sa pagdilat ko, hindi pa rin siya nawawala ibig sabihin totoo nga siya!
"Shh ingay mo!" Saway niya sa akin habang nakapikit pa ang kanyang mga mata.
What the?! Ba't andito siya? Anong ginagawa niya rito? Siguro sinusundan niya ako eh hihi. May pagtingin din pala itong si crush sa akin awiiieee hehe.
Hindi muna ako umalis dahil gusto kong pagmasdan ang mukha niya. Haayyy ang gwapo niya talaga at yung kilay niya are so damn attractive hhaaayy. Gumaan ata kaagad ang pakiramdam ko nong nakita ko na siya ulit.
Pero? Anong ginagawa niya dito? Hindi normal itong mundo na ito? Ba't nandito din siya? Aish, pero okay na din. Atleast may inspirasyon naman akong mamuhay dito araw-araw. Hihi
"Baka matunaw ako sa kakatitig mo." Ani niya at binuksan ang kanyang kanang mata.
"Hindi ah!" agad akong umiwas ng tingin. Pulang pula na ata ako sa kilig dito huhu. Nakakahiya naman oh.
"Nagkita na ba tayo dati?" Tanong niya at sumandal siya sa puno. Hindi niya ako natatandaan? Huhuhu ang sakit hindi niya ako naaalala. Sasabihin ko kaya na oo nagkita na tayo sa canteen, o hindi nalang muna hayaan natin siya mismo ang makakaaalala.
"Hmmm......tagal mong sumagot." Ani niya at di ko inaasahan na tinitigan niya ako sa aking mukha. Wahhh shit nakakahiya. Nakatitig pa rin siya sa akin, para kaming nag s-staring contest. Utang na loob crush wag kang tumigil hehe chos.
"Hindi talaga eh, sige una na ako may pupuntahan pa ako. See you around . . . . . big boobs." Paalam niya and she smile like a pervert. Anong tinawag niya sa akin?! Big boobs?! Kaagad akong napatingin sa aking dibdib....at....at.... OO NGA ANG LAKI NG BUNDOK KO!! SHIT NGAYON KO LANG NAPANSIN NA LUMAKI DEDE KO. Nakakaturn off ka crush!! Sa dinami dami mong dapat mapansin sa akin, dede ko pa talaga! Nakakahiya!
Huhu kala ko pa naman mabait iyon, may pagkamanyakis din pala! Sa likod nga nang mala-anghel na mukha ay nakatago ang napakedemonyong ugali. Argh! AYOKO NA SA IYO!
Bumalik ako ng dorm na galit na galit dahil sa.... The f!? Kaya siguro tinitingnan ako ng mga tao dahil dito. Huhuhu.
• • •
"Hi guys" Ani ni Grace pagpasok niya ng dorm. "Get ready kasi naresched ang klase natin, so instead in monday bukas na daw Sunday." Dugtong pa niya. Sunday? Grabe naman? Eh restday ito ng mga tao at church day. Dapat magsisimba tayo, nandito pa naman nakatira ang mga Diyos at Diyosa nila dito. Pero bakit kaya?
"Bakit raw?" Ani ni Greciela.
"Hindi ko alam, nakita ko lang sa Announcement Station." Pataray na sagot ni Grace. Pansin ko rin minsan may pader sa pagitan ng kambal. Bakit kaya? Magkagalit kaya sila? Hindi naman sila ganito nung una ko silang nakilala ah. Naalala ko tuloy si beshie ko. Kumusta na kaya siya? Sana di siya galit na wala ako ngayon sa tabi niya.
Hhaays naalala ko naman si crush, instead na mabubuhayan ako kasi nandito na siya pero dahil sa kanyang tinawag sa akin . . . . arch ewan. Matulog nalang ako kasi maaga pa kami bukas.
Krezyle's POV
Ilang araw nang hindi pumapasok si Ritz. Pumunta na ako sa apartment kung saan siya tumutuloy, sabi ng mga nakatira doon wala na daw umuuwing babae doon. Pati iyong may-ari hinahanap siya kasi hindi pa nababayaran ang dalawang buwan niyang upa. Aish.
BINABASA MO ANG
The Untold Prophecy
FantasyEveryone could commit sins and do evil. Even the gods could do this kind of things. No one is exempted. Zeus commit sin, not just an ordinary sin. Rhea has a prophecy in order to punish Zeus. Zeus refused it, he couldn't accept it. But once it's a p...