XIII | Strange

63 42 0
                                    

Ritz's POV

Ahmm, di ako makahinga. Kanina pa ata kami nagtititigan dito.

"Umm . . " parinig ko.

"Oh, sorry." sambit niya naman, at dahan-dahan akong itinayo ng maayos.

Medyo nakakailang kasi, diba ngayon I mean kanina ko pa lang siya nakilala.

Pero ang ganda ng mga mata niya nung nagtititigan kami. Para siyang naka-contact lens. Kita ko rin sa kaniyang mga mata ang lungkot na dinadama niya. May problema ata siya.

"Are you okay?" he asked.

"Hmm . . okay lang . . salamat pala." sambit ko.

Namayani sa aming pagitan ang katahimikan. Akmang aalis na sana siya pero agad ko naman siyang pinigilan.

"Hmm . . teka. Ano bang pangalan mo?"

"Kier Louie. But you can call me Louie nalang." aniya. Name fits to him. Ang gwapo, kahit nakasalamin siya gwapo pa rin siya. Tigil Ritz hihi.

"Babalik ka na ba sa school? Gusto mo sabay na tayo?" aya ko sa kanya. Sana pumayag siya. Wala pa naman akong kasama pag-uwi.

"Sige tara." ngiti niyang sambit. Buti nalang pumayag siya hihi.

Bago pa kami maka-alis ay may narinig naman akong isang kaluskos na naman sa bandang likod namin. Kaagad naman akong napatingin pero wala namang tao.

Di bale na lang. Maghahapon na di pa rin akin nakakaka-uwi.

Lalakad na sana kami ni Louie pero nahagilap ko ang isang anino ng lalaki. Sino na naman kaya iyon?

Hindi ko nalang pinansin ito at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Janvel's POV

Ahh kaasar, naunahan ako ng isang iyon. Ako sana sasalo sa kanya.

Pero ba't ba ako nagkakaganito? Ba't ba iniisip ko siya? Eh hindi ko naman siya kaano-ano.

Isa pa galit sa akin iyon. Hindi pa nga ako pinapansin nun eh simula nung inasar ko siya sa infirmary.

Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nasabi ko na sa kanya ang nais kong sabihin kahit di man direkta. Ang ganda ng mga mata niya.

Napangiti na lamang ako na wala sa oras.

Ritz's POV

Habang naglalakad kami pabalik sa academy, hindi ko talaga maiwasang mamangha sa kanya. The way he talks, so attractive. Nakaka-inlove

No Ritz, tigilan mo iyan.

"May problema ba?" napansin niya ata na nag-iba ang mukha ko.

"Ah wala." palusot ko na nakangiti.

"Sige dito na ako Ritz. Bukas ulit." paalam niya at tumungo na siya sa kabilang daan patungo siguro sa Boys Dorm.

"Sige bye Louie." sambit ko sa kanya, kumaway naman siya bilang senyas. Nakangiti din siya.

Gwapo niya talaga hihi. Buti pa siya ganoon, di tulad nung isa na parating tulog at walang ka-expression expression ang mukha pag kami ang magkaharap. Hmp.

• • •

"Ba't ngayon ka lang aber?" aniya ni Greciela pagkarating ko sa dorm.

"Naligaw ako eh. Atsaka iniwan niyo ako hmp." pa-tampo kong sambit.

"Anong iniwan ka namin? Eh, ikaw kaya nang-iwan." aniya.

The Untold ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon