III | Heading to Otherworld

112 69 1
                                    

Jupiters' POV

"So paano mo nasabing pareho tayo ng ipinunta dito?" Tanong ko sa kasama ko na kanina pa libot ng libot sa batong pader na ito.

"Iilan lang ang nakakapunta dito sa gitna ng gubat, at bigla nalang nawawala, hindi na bumabalik. At isa lang ang dahilan kung bakit tayo na rito ngayon." Ows?

"Ibig sabihin pupunta ka rin sa ibang dimension?" Hindi ko alam ang other term eh. Sabi kasi ni tita lagusan itong bato na ito. Hindi ko alam kung saan papunta.

"Lost World." Ani niya.

"Huh? Lost World?" Tanong ko. Weird name huh.

"Papunta itong lagusan na ito sa Lost World." Wow? So doon pala papunta itong lagusan na ito. Pero ba't parang ang bata pakinggan HAHAHA.

"Ahh. Ang sabi ng tita ko ang tanging paraan upang makapunta sa sinasabi mong mundo ay gamitan mo ng kapangyarihan itong pader na ito. So anong kapangyarihan ang mayroon ka?" Tanong ko.

"Di ko pa alam. Pero may ibang paraan pa upang makapunta tayo sa Lost World." Ani niya. May iba pang paraan? Akala ko yun lang ang paraan?

"Ano?" Tanong ko.

At may inilabas siyang isang lumang libro. Napakaluma na pero halatang galing sa sinaunang panahon ang libro. Siguro binigay ito sa kanya.

Maya-maya ay may binabasa siya sa libro at nagsasalita ng mag-isa habang nakapikit ang mga mata. Weird niya. Mang kepweng? Haha.

Ilang minuto ng katahimikan ang namayani sa aming dalawa, at saw wakas nagsalita na siya ng matino. Hindi katulad kanina na nakasalin sa ibang wika.

"Gusto mo dibang makapunta sa Lost World?" Tanong niya kaagad sa akin.

"O---." Di niya na ako pinatapos sa sasabihin ko dahil agad niyang kinuha ang aking kanang kamay at saka humakbang palapit sa malaking bato. Ang buong lugar ay lumiwanag. Nakakasilaw. Ang sakit sa pakiramdam, parang hinihigop ka ng walang katapusan.

"AAAhhh!!" Wala kaming ibang nagawa kundi ang mapasigaw.

Ritz's POV

"Shhh. 'Wag mo ngang guluhin. Alam mong natutulog ang tao."

"Bakit ba? Ang ganda niya kasi. Nakakainggit, ano kayang mga beauty product ang gamit niya bakit ganyan siya kaganda?"

"Maya mo na nga kasi tatanongin pag gising na siya."

"Taray nito, ayos ayusin mo yang ugali mo. Pagkamalan kang maldita kung sakaling magising na siya."

"Aish oo na."

Sari-saring mga boses ang naririnig ko. Kaya dahil sa kuriosidad pinili ko ng magising. At isa pa hindi ko alam kung anong nangyari sa akin.

"Tingnan mo. Ang ingay mo kasi, gising na ata siya." Sabi nung isa. Mga babae ata sila. Hmmm

Gumalaw muna ako ng kaunti, humikab at iminulat ang aking mga mata.

"Nasaan ako?! Sino kayo?! Anong ginawa niyo sa akin?! Ba't ang gaganda ninyo?!" parang di ata kasali yung isang tanong. Aba kahit na!

"Ahmmm hi-i?" Hiyang bati ng isa sa kanila. Ang gaganda nila. Para silang mga dyosa. Or dyosa talaga sila. Yung isa kulay pula ang buhok at yung isa naman ay kulay blonde. Kamukha din sila. Kambal ata toh silang dalawa?

Pero biglang sumagi sa isip ko ang nangyari sa akin bago ako nawalan ng malay.

"Oh shit!" mura ko at napabalikwas kaagad paalid sa hinigaan kong kama.

The Untold ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon