Ritz's POV
Naalimpungatan ako sa sinag ng isang liwanag. Kaya't iminulat ko ang aking mata at nadatnan ko ang aking sarili sa puting silid. Nasaan ako? Don't tell me!? OA Ritz.
"Gising ka na pala." ani ng kasama ko sa gilid. Si Greciela pala.
"Ba't ako nandito?" ani ko at umayos ng upo para makausap ko siya ng maayos.
"Nagcollapsse ka siz sa training mo. Pero buti nalang niligtas ka ng Knight in Shining Armor mo." ani niya at may halo pang aksiyon na parang namamangha. May nagligtas sa akin? Sino? Si crush? Sus iyon, malamang gf niya ako kaya niya ako ililigtas. Chos, wala pa akong jowa hihi.
"May nagligtas sa akin? Sino?" oh diba tatanong dapat tayo, para malaman natin ang totoo.
"Si Janvel ayiiiee hihi. Iniligtas ka niya mula sa atake ni Elisha. Iyong bruhang iyon!" kilig niyang sambit sa akin. Buti pa siya naunahan pa akong kiligin. Expected naman siya magliligtas sa akin.
"Ehe ene be." pabiro kong kilig. Sabayan nalang natin ang kilig niya para di siya mag-isa. Pero ayiiiieee niligtas talaga ako ni crush hihi. Waaah!! Pasalamat nalang din ako kay Elisha dahil kung hindi sa kanya di ako iligtas ni crush hihi. "Vega." bulong ko. Pero humanda pa rin iyong babaeng yon sa ginawa niya sa akin. Hmmp.
"Pero alam mo ano ang mas nakakagulat?" ani niya na tila hanggang ngayon ay manghang mangha siya. Ano na naman daw iyon?
"Ano?" tanong ko naman dahil sa kuriosidad.
"Si Janvel at Ed pinasabog ang Gym." pinasabog lang pala. akala ko kung anO?!!
"Pinasabog?!" gulat kong tanong. Sino mag-aakala na pasasabugin iyon nila! Grabe.
"I mean there's a big explosion after their limited power met. Kaya di nila sinadya na pati ang Gym nasira." so hindi sinadya. Okay lang pala, akala ko nagtanim na sila ng bomba. OA naman kasi pagsabi ni Greciela. Napaluwag naman kaagad ang aking paghinga. Pero explosion dahil sa kanilang kapangyarihan? Lumabas na ang kapangyarihan ni Janvel?
"Because of their powers? How come? Napalabas na ni bebe ko este ni Janvel ang kapangyarihan niya?" oopss nasilde ako hehe. Pero paano nga? Iyon lang? Nagmeet lang powers nila tapos boom ayon na?
"Oo, isa siyang Fire Wielder." ani niya. Napawhoa naman ako sa sinabi niya. Buti pa siya napalabas niya na ang kapangyarihan niya, at hindi pa iyon isa pa siyang Fire Wielder.
"Sa subrang lakas nilang dalawa at siguro sa kanilang di pagkakaunawaan, ginamit nila ang lahat ng lakas ng kanilang kapangyarihan, tinapat nila sa isa't-isa. Tapos iyon nangyari ang big bang ester explosion." dagdag at paliwanag pa niya. Grabe ang lakas naman nila.
Expected na kay Ed na talagang malakas siya dahil isa siyang S Ranker. Pero si Janvel? Bago niya palang napalabas kapangyarihan tapos ganoon na siya kalakas? Pambihira naman oh, sana lahat sana all. Hmmp.
Kailan ko naman kaya mapapalabas ang akin? Para maturuan ko na ng leksyon itong si Elisha. Argh.
"Okay ka na ba?" pambihira ito, ngayon niya lang tinanong. Inuna pa ang chika.
"Talagang ngayon mo lang talaga iyan tinanong ha? Inuna pa ang kilig." ani ko sa kanya.
"Parang hindi naman kinilig. Yay Ritz, huwag ako." ani niya naman. Guilty naman ako sa sinabi niya. Ene be. Kinilig ako kaunti pero agad ko namang binawi.
"Che! Oo okay na ako. Tara na sa dorm." ani ko sa kanya. Gusto ko ng bumalik sa dorm. Gutom na din ako.
"Sa bagay, nagcollapse ka man lang. Bibisita pa man sana si Janvel mamaya. Sayang, tara na sa dorm." ani niya. Kaya napatigil ako sa sambit niya. Si Janvel?! Bibisita sa akin? Hihi can't wait, ayoko munang bumalik sa dorm hihi.
![](https://img.wattpad.com/cover/179957186-288-k446643.jpg)
BINABASA MO ANG
The Untold Prophecy
FantasyEveryone could commit sins and do evil. Even the gods could do this kind of things. No one is exempted. Zeus commit sin, not just an ordinary sin. Rhea has a prophecy in order to punish Zeus. Zeus refused it, he couldn't accept it. But once it's a p...