XX | Her Self

16 3 1
                                        

Jupiter's POV

Kasalukuyan akong hinahabol ng Cyclops este nung shapeshifter.

Ang plano kasi namin ay dadalhin ang hinayupak na ito doon sa mga kakahuyan. At hindi ko na alam ang susunod nilang gagawin

Pambihira ako pa ang ginawang bitag tsk.

Hindi na ako tumutol kaya pumayag na ako. Patungo na ako ngayon sa sinabing kakahuyan ni Rhaizarl.

"HaHa You coward!" sigaw nito.

Kaasar naman ng sigaw niya nakakabingi.

Sa wakas nakarating na ako sa mga kakahuyan. Nakita ko sina Rhaizarl nakatago sa isang puno.

Sinenyasan ko ito na narito na ako. Kaya hindi na siya nag-atubiling lumingon sa taas ng puno kung saan nakapwesto si Grace.

Teka ano ba ang plano nila?

Tila nasagot naman aking katanungan nang biglang tumalon si Grace sa balikat ng Cyclops.

Hinawakan naman kaagad ni Grace ang ulo ng Cyclops dahilan na naagaw nito ang atensyon.

Pumwesto na ako sa isang puno para hindi na ako makita.

Pilit tinatanggal ng Cyclops ang taong nakakabit sa kaniyang ulo.

Pero patuloy pa rin si Grace sa kaniyang ginagawa hanggang sa bumitiw na ito at tumalon sa baba.

Ibang klase ang babaeng ito, akalain mo 'yon nagawa niya pang makalapag ng maayos sa baba.

Bumalik naman sa maayos ang Cyclops. Nagpalinga-linga ito na tila may hinahanap siyang pwede niyang makakalaban.

Bulag ang mukong tsk, nandito kami sa baba huy hahaha.

Laking gulat ko dahil bigla niyang pinaghahampas ang mga puno sa aming harapan.

Teka anong ginagawa niya?

Patuloy pa rin ito sa paghampas kaya napagdesisyunan kong umalis na sa pinagtataguan ko bago pa ako mapahamak.

Pumunta ako sa gawi ng mga kasama ko at kaagad nagtanong kong anong ginawa nila na hindi ko man lang nalalaman.

"Huy anong ginawa niyo?"

"Grace used her ability to deceive the Cyclops."

"I just used my deceitful ability to deceive the Cyclops that those trees . . . . " turo nito sa mga kahoy at pinagmasdan ko naman ito.

"Are his enemies, the Gigantes." dugtong nito.

Kaya naman pala. Ngayon mukang timang ang Cyclops na pinaghahampas-hampas ang mga puno.

"Pero teka, tatagal ba iyan? Paano kung bumalik na siya sa dati?" kaagad kong tanong.

Hindi kasi nila nabanggit kung tatagal ba ang paglilinlang nila rito.

"Don't worry, it will lasts 24 hours. At pag napansin ito ng mga nakatira rito,  monsters perhaps. Hindi sila magdadalawang isip na patayin si----- Duck!" pagpapaliwanag nito pero kaagad naman siyang napahinto.

Dahil sa kaniyang pagsigaw ay hindi ko na rin maiwasang napayuko.

Mukhang nabigo ata ang mga kasamahan ko sa plano nila. Tsk nako naman.

"You can't me fool Heros Ha ha." sigaw nito.

"It can't be." saad naman ni Grace sa aking tabi.

"Ano nang gagawin natin?" tanong naman ng kambal niya.

Bago pa may magtangkang magsalita sa amin ay nag-iba na naman ng anyo ang shapeshifter.

The Untold ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon