XXII | Hesperides

17 3 5
                                    

Ritz's POV

Kung mayroon na akong kapangyarihan, saan naman din ito galing?

Sa pagkakaalala ko ang sabi ng kambal maaaring galing sa regalo, biyaya o basbas ng isang Diyos o Diyosa.

Maaari ding naipamana sa'yo mula sa iyong mga ninuno, lolo't lola, o magulang na Diyos at Diyosa.

Mukhang imposible 'yong pangalawa. Una mga tao ang magulang ko, pangalawa wala akong lolo't lola, at ni hindi ko alam kung mayroon pa akong mga ninuno.

Pero kung biyaya na man ito mula sa mga Diyos, eh sino rin?

Ano ba 'yan? Hindi tuloy ako makatulog dahil sa mga iniisip-isip ko. Bigla ko lang kasi naisip ang tungkol sa kapangyarihan ko maging sa kwintas ko.

Panigurado ako 'yong nagawa kong pag-uutos sa mga halimaw ay galing 'yon sa kapangyarihan ng kwintas ko.

Kumikislap kasi ito o lumiliwanag sa tuwing inuutusan ko 'yong mga halimaw.

Aish. Siguradong hindi na talaga ako makakatulog ngayon ah. Ano ba 'yan.

Tigil na nga sa kakaisip Ritz, matulog na muna tayo. Bukas ka na muli mag-iisip ng kay dami-dami.

Nandito kami ngayon sa isang gubat patungong Garden of Hesperides. Naabutan kasi kami ng gabi kaya nagdecide kaming magpahinga muna.

Buti pa sila nakatulog na, samantalang ako buka pa ang mga mata. Aish.

Ipipikit ko na sana muli ang aking nga mata nang may narinig akong tinig.

'Child? Are you still awake?'

Narinig kong tinig mula sa isang babae.

Kilala ko na sino 'yon. Boses pa lang niya atsaka parati niya itong ginagawa hmp.

'Bakit po?' sagot ko.

'I need a word with you.'

As expected, ito man talaga ang sadiya niya sa tuwing tinatawag niya ako.

Hmp hindi man lang nangangamusta.

'Enough with that Ritz, I'm counting on you. Let's meet at the river.'

Grabe naman 'to siya. Atat na atat, hindi makapaghintay. Ilog na naman?

Anong meron sa ilog ba't doon parati kami magkikita?

'Ritz...'

Bigla na akong natauhan sa sinabi niya. Para kasing may halo na itong galit.

Hihi nagalit ko ata hihi.

Bumangon na ako sa pagkakahiga para pumaroon na sa sinabi niyang lugar.

Kainis naman oh.

Pero mabuti na rin, hindi rin kasi ako makatulog.

Papunta na ako ngayon sa sinabi niyang ilog. Buti alam ko kung saan 'yon banda.

Nadaanan kasi namin kanina nung naglalakad pa kami. Narinig ko ang mga agos nun kaya alam kong ilog 'yong nadaanan namin kanina.

Pagkarating ko sa ilog ay nadatnan ko ang Diyosa na nakatalikod mula sa akin at nakaharap sa ilog.

Ang lalim siguro nang iniisip nito.

"Nandito na po ako." bati ko sa kaniya pagkarating ko.

Pero hindi pa rin siya lumilingon, kaya napagdesisyunan kong ako na ang lumapit sa kaniyang pwesto.

Nasa tabi niya na ako pero nasa malayo pa rin ang tingin nito.

The Untold ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon