“THAT GIRL”
Khiert Ghil POV:
“Hey, 'dre. Where are you?” tanong ni John
“Im on my way downstairs. Why?” sagot ko
“You mean, sa bahay niyo?” tanong pa nito “'Dre, magbabasketball tayo, diba? Anong oras na, oh!”
Napatampal ako sa noo ko nang maalala ang napagusapan namin ng mga kaibigan ko.
Why so forgetful, Khiert?
“Okay, sorry. Maliligo na ako, wait me okay?” wika ko tsaka binaba ang linya.
Dali dali akong tumaas ulit at naligo. Matapos maligo at magbihis ay bumaba na ako at nakita ko si mommy at daddy sa dining area.
“Morning, dad. Morning, mom” bati ko
“May lakad ka, son?” tanong ni dad
“Hmm” tumango tango ako “Magbabasketball po kami nina John at Eric”
“Okay, then. Basta hindi mo napapabayaan ang pagaaral mo, magbasketball ka lang, okay?” pangaral ni daddy na tinanguan ko naman.
“Goodmorning, everyone!” bati ni Ate Hilarian
“Ang aga, Hilarian. Ang aga” inis kong wika
“Ano?! What did you just call me, Khiert Ghil?!” pinaningkitan niya ako ng mata.
Agad akong nagpeace sign sakanya “Hehe, joke lang ate” dali dali na akong kumain para makaalis na “Una na po ako, mom, dad”
“Take care, son” paalala ni Daddy
“Take care, baby” paalala ni Mommy
“Pasalubong, bunso” nginiwian ko si ate dahil sa sinabi niya.
Lumabas ako ng bahay at nagjogging papunta sa cover court na napagusapan namin nina John.
“Ano, 'tol? Kamusta naman?” sarkastikong bati ni John.
“Buti at nakarating ka pa, dre?” nakangising wika ni Eric.
“Tsk. Tara na nga, nangaasar pa, eh” wika ko
Nagbasketball kami at maya maya ay nagpahinga rin.
“Pero, dre, seriously asking...” napatingin kami ni Eric kay John “Wala ka bang balak ligawan si Kimzeiah?”
Si Kimzeiah na naman.
“Seriously? Okay, tatapatin ko na kayo. I find her beautiful and kind...” panimula ko “But I didn't find her interesting. Hindi ko liligawan ang taong hindi ko gusto at malabong magustuhan ko”
“Wo, right choose of words, eh noh?” nangaasar na wika ni John “Dre, tapatin mo nga kami. Are you gay?!”
Nabigla ako sa tanong niya kaya binatukan ko siya “What the?! Im not! What makes you think that I am?!”
“You know, dre” sabat ni Eric “Kim is Kim. Everyone should find her beautiful”
“Like what I've said earlier, I find her beautiful! What the hell?!” reaksyon ko
“You know, dre? Ang labo mo, eh!” reklamo ni John, nagtataka ko naman siyang tiningnan “You find her Beautiful yet you dont like her?! Your insane!”
“Alam niyo, kayong dalawa ang malabo, eh!” tinuro ko pa silang dalawa “Eh, sa ayaw kong ligawan yung tao. Kung gusto niyo, kayo manligaw! Tch. Bahala kayo!”
Umalis na ako sa inuupuan namin nang tawagin nila ako, napalingon ako pero sa hindi inaasahang magkakataon ay nabangga ko ang isang babae, agad kong kinawit ang braso ko sa baywang niya para hindi siya hayaang matumba habang nakaalalay ang isa ko pang kamay sa braso niya.
Nagkatitigan kami. I can see her blue eyes. Para akong hinihigop nun. She's so beautiful.
Agad akong nagbalik sa wisyo nang tawagin nina John ang pangalan ko. Agad kaming napaayos nang tayo ng babae.
“Miss, sorry. Sorry talaga” paghingi ko ng tawad
“No, its okay. Parehas naman tayong hindi nakatingin” she said then flashed a sweet smile
Oh, my. That smile
“By the way, Im Khiert. Khiert Ghil Sandoval” wala sa sariling wika ko. Maski ako ay nagulat sa sinabi ko at sa biglang paglahad ng kamay ko sa harap niya
“Ilarian...” wika nito tsaka kinuha ang kamay ko “Ilarian Davien Montenegro”
Siya ang unang nagbitaw ng kamay at nagpaalam na umalis.
“Woaah. Ganda nun, pre, ah?!” wika ni John “Hindi mo kinuha ang number?”
“Hindi” sagot ko
“Gunggong!” binatukan ako ni Eric “Dapat kinuha mo!”
Hindi ko na sila pinansin. I smiled.
Ilarian? Ilarian Davien Montenegro. Ang ganda ng pangalan.
Oh, my. That Girl