Epilouge

677 7 11
                                    

Nakangiti si Khiert sa ideyang makikita na naman niya si Ilarian. Dala ang isang

bugkos ng bulaklak, prutas at iba pang pagkain ay inakyat niya ang hagdan.

Nang makarating sa kwarto ay agad siyang kumatok. Pinagbuksan naman siya ni Stella na siyang mommy ni Ilarian

"Ma, mano po" wika ni Khiert bago nagmano "Hindi pa po siya gising, Ma?"

"Hindi, pa, anak..." sagot ni Stella "Ilagay mo na diyan ang pagkain at aayusin ko ang bulaklak mong dala"

"Sige po" sagot ni Khiert bago sumunod kay Stella.

Matapos ipatong ang pagkain ay umupo siya sa tabi ng kama ni Ilarian. Hinawakan niya ang kamay nitong may swero at tsaka hinalikan.

"Baby..." tawag ni Khiert kay Ilarian "Baby, I've passed my board exam! Baby, engineer na ako!" masayang kwento ni Khiert sa nobya

"Baby, gumising ka na. Hinihintay kita...

"Alam mo ba, baby, hinihintay ka narin ng mga anak natin na nasa imagination ko ngayon...

"Baby, gumising ka na, please? Miss na miss ko na ang boses mo"

Hindi na napigilan ni Khiert na tumulo ang luha niya. Agad niya itong pinunasan nago kinuha ang cellphone at nagpipindot.

"Alam mo, baby, kakadownload ko lang sa Spotify nung Best Love ng Jamill...

"Tapos, baby, alam mo? May cover rin sina Eric at Safia ng Best Love. Inutos ko yun!

"Dahil sabi ko sakanila, yun ang tugtog sa kasal natin! Yung yung tugtog habang naglalakad ka papunta sa altar kasama si Mama. Diba mama?" baling ni Khiert kay Stella

Nagulat si Stella pero agad ding tumango. Pinagmasdan niya ang binata at walang nagawa kundi ang maawa.

"Tapos, alam mo, baby. Nung sinabi ko yun, nagaway away sila kung sinong Groom's Men at Bride's Maid. Kaya sinabi kong Ninang at Ninong nalang sila...

"Pero alam mo, baby, natatawa ako kina Veniece at John! Kasi umangal sila dahil masyado raw silang bata para maging Ninong at Ninang natin. Masyado rin daw silang gwapo at maganda" tumawa si Khiert

"Akala ko nga dati, si Veniece at John na talaga dahil bagay sila. Parehong maingay....

"Pero, type pala ni John ay iyong tahimik kaya ayun! Si Safia ang naging nobya....

"Alam mo, baby, Engaged narin sina Veniece at Eric! At guess what! Ninong at Ninang rin ang ginawa ni Veniece saatin para daw tie lang. HAHAHAHA...

"Baby, gumising ka na! Manonood tayong Vlog ng Jamill! Hindi mo pa sila nakikita kahit sa Screen lang, eh!

"Ay, alam ko na. Manonood ako, baby, ha? Makinig ka dahil tatawa ka dito kung mapapanood mo!"

Pinlay ni Khiert ang isang video ng Jamill kung saan pinrank nina Camille at Jayzam si Kim--- yung pinsan ni Jayzam. Ang Video ay yung The Nun Prank.

Matapos mapanood ang video ay pinatugtog ni Khiert ang Best Lov

"Baby, half of your existence ay natutulog ka! Gumising ka na naman, oh!

"You're already 19 years old, baby. Wake up! Masama ang tulog mantika!

"Baby... 8 years ka nang tulog, ah? Tapos ako ang tulog ko 5 hours lang! Madaya ka! Gumising ka na diyan! Kausapin mo ako!

"Baby.. Gumising ka na. Pangako, kapag gumising ka na ay ipaghahanda kita ng pagkain, umagahan, tanghalian, hapunan. Manonood tayo ng mga videos ng Jamill ay laging magaabang sa upload nila tuwing 6pm! Bilis na, baby! Gumising ka naaaa!

Chasing MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon