“Her”
Ilarian Davien POV:
“Pero, ma...” angal ko matapos marinig na aalis na sila “Hindi manlang tayo nakakapagbonding. Wala pa din kayong one month dito”
“Pasensya na, anak” singit ni papa “This is urgent. Biglaan rin kaya kaylangan kami ng mama mo”
“Dont worry, hija. Babawi kami ni papa sa susunod” nakangiting wika ni mama
“Ma! Pa!” tawag ko nang makalabas na sila ng bahay “I love you. Take care”
“We love you too, anak. Take care” si mama ang sumagot
Tch! Business Meeting! Unfair business meeting!
“Malaki ka na, Ilarian hija. Alam kong naiintindihan mo kung bakit umaalis ang mga magulang mo...” biglang sumulpot si manang sa likuran ko, parehas naming tinatanaw ang nakakalayo nang sasakyan nina mama
“Naiintindihan ko po” walang ganang sagot ko tsaka pumasok sa bahay
Humilata ako sa sofa at nanonood nalang
Are you ready kids?
Aye, aye, Captain!
I can't hear you!
Aye, aye, Captain!
Ohhhhhhhh, who lives in pineapple under the sea?
Spongebob Squarepants!
“Ilarian, hija. Kanina pa tumutunog ang telepono mo” napaiktad ako sa boses ni manang
Agad kong sinagot ang tawag “Hello?”
“Ilarian, are you free? Lets go somewhere!” boses ni Safia
“Nah. Im not in the mood” walang ganang sagot ko.
“Oww? What happened, dear?” tanong niya “But, please. Sige na, samahan mo ako”
“Please, Safia. Not now, I am really not in the mood”
“Okay. Okay” pagsuko niya “I'll call Viniece nalang. Bye”
Agad kong binaba ang telepono.
“Hija, heto, o, gatas” wika ni manang at iniabot saakin ang gatas
“Thanks, manang”
Hinaplos niya ang ulo ko “Ang laki na nga ng alaga ko, ang ganda pa”
“Manang naman, eh”
Tumawa siya ng mahina tsaka sumandal sa couch “Kamukhang kamukha mo si Stella nung kabataan niya” pagtukoy ni manang kay mommy
“Talaga po?” tanong ko
Tumango siya, tumingin saakin at ngumiti “Asul rin ang mata niya, kung napapansin mo. Basta, kamukhang kamukha ka niya”
“I bet, ang ganda ni mama nung dalaga pa siya” biro ko
“Sobra” namula ang sa sagot ni manang
“Alam mo ba ang sikreto ng mama mo kung bakit naging ganoon ang kulay ng mata niya?” tanong ni manang.
Iba ang pagkabluish ng kulay ng mata ni mama. Kung tama ang sinasabi ni manang na blue ang mata ni mama. Bakit parang nagiging brown ito?
“Dahil sa isang aksidente” napatingin ako kay manang
Aksidente? Anong Aksidente?