“A Letter”
Khiert Ghil POV
“What the hell is going on here?” tanong ni ate na siyang bumasag sa katahimikang namuo sa pagitan namin “Can please someone explain?”
“Dad...” hindi ko siya pinansin “What we gonna do?”
Bumuntong hininga si daddy “I don't know, son. I don't know”
“I'll follow her” wika ko tsaka tumalikod
“Wait...” pigil ni daddy, tiningnan ko siya “Let's call Manang first. Ilarian is very sensitive person. You know what I mean”
Tinanguan ko si daddy at pinanood ang pagtawag niya kay Manang Delia.
“Hello, Manang?” wika ni daddy “Nasa bahay ka? Ohh, is that so! Okay, okay. She knew it... Yes, manang... Okay, okay. Bye”
“Anong sabi, dad?” tanong ko.
“She's currently at the supermarket , palipasin daw muna natin ang tensyon at init ng ulo ni Ilarian” wika ni daddy
“Lilipas ang init ng ulo niya...” singit ni ate “But Im sure, once she see you, she'll get annoyed and mad”
“You're right, Hilarian...” wika naman ni daddy
Natahimik kami pareparehas at nakiramdam muli sa paligid. Nang biglang magring ang cellphone ni daddy.
“Manang?” pagsagot ni daddy sa tawag “What?! No! Anong wala, manang?! Hindi pwede yun! I'll be there!”
“Dad?” tawag ko sakanya, nagtatanong kung anong nangyari.
“I need to go there” seryosong wika ni daddy
“Where?!” tanong ni mommy
“Sa bahay” sagot ni daddy “Wala daw si Ilarian”
Nang sabihin yun ni daddy ay tinakbo ko na ang layo mula bahay namin at bahay nina Ilarian. Tagaktak ang pawis nang marating ko ang bahay.
Nagdoorbell ako at sumigaw, tinatawag si Manang. Lumabas si manang na hindi na mapakali at pinagbuksan ako ng gate.
“Khiert Ghil, hijo!” tawag ni manang “Wala si Ilarian dito! Wala! Juskoo!”
“Manang, manang! Calm down, okay? Calm down...” ani ko.
“Hijo...”
“Makikita natin si Ilarian, manang. Baka nandiyan lang siya...”
Pumasok kami sa bahay at sakto ring dumating si daddy. Pumasok kami at nagpunta kung saan saang sulok ng bahay para makita si Ilarian.
Habang nasa kalagitnaan kami ng paghahanap ay tinawag kami ni Manang, nasa kwarto siya na sabi niya'y Master's Bedroom.
Pumasok kami ni daddy at nagulat sa apat na liham na nakapatong sa kama.
Mommy. Daddy. Manang. Khiert.
Ang apat na liham ay para saamin. Dali dali kong kinuha ang sobreng nakapangalan saakin at binuksan.
Dear Khiert Ghil Sandoval,
Kung nababasa mo'to, malamang nakalayo na ako. Pasensya na, Khiert. Hindi ko na kinaya. Kaylangan ko munang hanapin ang sarili ko.
Alam mo, Khiert! Ngayon ko'to sasabihin sayo. Unang beses palang kitang makita, nagustuhan na kita. Ang ngiti mo, kung paano ka mataranta. Lalo na nung nagkasabay tayo ng lunch, kung saan sinabi mo saakin ang buhay mo. At nung dinala mo'ko sa ospital. Kitang kita ko ang pagaalala sa mukha mo. Ayokong magassume, Khiert. Pero yung pagaalalang nakita ko sa mukha mo ang isa sa nagbigay pagasa saakin na baka pwede tayo.
Pero alam kong mali, parehas tayo ng daddy. Therefore, magkapatid tayo. Alam kong mali itong nararamdaman ko kaya lalayo ko, Khiert. Lalayo ako at hahanapin ang sarili ko.
Pangako, sa oras na maliwanagan na ako. Sa oras na wala nakong nararamdaman para sayo. Sa oras na kaya ko na kayong harapin. Babalik ako. Babalik ako para kay mommy. Wag kang magalala saakin, kaya ko ang sarili ko.
Kahit dito, masabi ko manlang sayo. Mahal kita, Khiert.
Love,
Ilarian Davien MontenegroMahal din kita, Ilarian! MAHAL NA MAHAL! Hahanapin kita. Hahanapin kita, Ilarian!