Chapter 17

343 13 2
                                    

“I Love You”

Khiert Ghil POV

Ilang araw na mula nang mawala at umalis si Ilarian. Napagalaman rin na wala ang kotse ni Ilarian sa bahay nila. Nakita ito sa condong tinutuluyan ni Ilarian at ng mga kaibigan nito.

Tinanong namin sila kung nasaan si Ilarian pero tikom sila. Kahit si Tita Stella at daddy ang nagtanong, hindi sila umimik. Sobrang loyal nila kay Ilarian, they can't turn back on her.

Kasalukuyan kong hawak ang sulat na iniwan ni Ilarian. Hindi ako mapanatag, may kung anong nagsasabi saaking pwersahing paaminin ang mga kaibigan ni Ilarian pero may parte rin saaking nagsasabing hayaan at bigyan ko ng space at time si Ilarian.

Kung may makakakita saamin at malaman ang mga pinagdadaanan ng pamilya Montenegro at Sandoval na pinagigitnaan ng Ferreria. Alam kong huhusgahan nila kami. Lalo na, sa kung ano man itong nararamdaman ko kay Ilarian at kung anong nararamdaman ni Ilarian saakin.

Matagal nang may mga taong makitid ang utak. Hindi ko ba alam, bakit dumami sila ngayon? Unti unti na tayong nalalamon ng katangahan, ng kainutilan, kakitidan ng utak o kawalan ng kaalaman sa reyalidad.

Mahal ko si Mommy, pero hindi ko alam kung bakit nagagalit ako sakanya. Alam kong may pagkakamali siya, lalo na si daddy. Hindi ko rin mapigilang magalit kay tita Stella. Kung bakit ba sila naglihim kay Ilarian at saamin---- ng ganoong katagal na panahon.

Pero sa tuwing naaalala ko ang eksena kung saan hirap na hirap si Ilarian dahil sa sakit niya, nawawala ang galit ko. Tila ba naiintindihan ko sila bigla. Na para bang ginawa nila yun dahil sa sakit ni Ilarian.

Yung mga oras na wala sina daddy at Tita Stella sa tabi ni Ilarian nung dalhin ko siya sa ospital, namuo ang galit ko sa magulang ni Ilarian--- na tatay ko rin pala.

Mali itong nararamdaman ko. Lahat. Lahat lahat ng nararamdaman ko ay mali. Ang galit na nararamdaman ko kina mommy, daddy at tita Stella. Maging kay Manang, alam kong may alam siya na pinili niya ring itago sa alaga niya. Alam ko rin na sumusunod lang siya kina daddy. Pero hindi ko maiwasang magalit.

Pero mas hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko. Kung sinabi ko ba kay Ilarian ang nalaman ko mula pa nung umpisa, magkakaganito ba ang mga nagyayari!? Siguro hindi. Everything happens in a reason, ika nila.

Pero bukod sa galit, mali ang nararamdaman ko kay Ilarian. Maling mali. Hindi ko alam pero, may iba.

Ano kayang ginagawa ni Ilarian ngayon? Nakakakain ba siya? May nagaalaga ba sakanya? May malalapitan ba siya? Sana oo, sana may tumulong sakanya kung nasaan man siya.

Tiningnan ko ang sulat ni Ilarian, ngumiti ng malungkot. “Mahal rin kita, Ilarian. Mahal na mahal. Alam kong mali, pero... Mahal kita, bumalik ka na, please. Mahal na mahal kita”

Hindi ko na napigilan pang tumulo ang mga luha ko. Tsaka ko naisip si Investigator Yu, ang private investigator na Tito ni Eric

“Hello, Investigator Yu?” wika ko nang sagutin ni Investigator Yu ang tawag ko “I need your help”

Chasing MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon