Chapter 7

507 12 2
                                    

“Jericho Denver Ferrier”

Khiert Ghil POV

Nawala na sa isip ko ang magpalit ng damit matapos ang narinig ko.

Posible namang ibang Ilarian yun, diba? Kaso masyado naman yatang coincidence yung parehas na may sakit ang Ilarian na kilala namin ni Daddy? At, anong tinutukoy nila? Anong ibig sabihin nila? Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. May tinatago sila, dun sigurado ako.

Lutang ang isip na tinahak ko ang daan paputang Ospital, good thing na hindi ako naaksidente o nakaaksidente. Masyadong occupied ang isip ko sa usapan sa bahay.

Una, ang plano nilang ipakasal ako kay Kim. Tapos, ang isipin na kung ano ang tinatago ng mga magulang ko.

Lutang parin ang isip ko nang marating ko ang floor ng kwarto ni Ilarian.

Ilarian... Dad, sana mali ang naiisip ko.

Kumatok ako sa pinto habang hawak ang seradula n'on. Ako narin ang nagbukas ng pintuan.

“Manang...” bati ko kay Manang na kasalukuyang nagaayos ng mga gamit ni Ilarian.

“Oh, hijo. Bakit nandito ka pa?” tanong nito. Kumunot naman ang noo ko. “Ano nga ulit ang pangalan mo, hijo?”

“Khiert Ghil po...” sagot ko naman.

Napatingin ako kay Ilarian na mahimbing na natutulog sa hospital bed. Maamo ang mukha at namumutla. Parang ibang iba sa palangiting Ilarian na kilala ko.

“Marapat na umalis ka na muna, Kert Jil, hijo” biglang wika ni Manang. Siya naman ang tiningnan ko. “Malamang sa malamang na magwawala si Ilarian kapag nakakita siya ng ibang tao... Ayaw na ayaw niyang may nakakakitang nahihirapan siya.”

Napabuntong hininga ako. “Naiintindihan ko po, Manang, pero maaari po bang magpalipas muna ako dito ng ilang minuto?”

“Sige, hijo...” sagot naman ni Manang.

Umupo ako sa couch at inihilig ang batok sa sandalan.

Napapitlag ako nang marinig ang ungol ni Ilarian. Agad kong nakita si Manang na nagaalalang lumapit kay Ilarian. Hindi agad ako nakakilos.

Nagpatuloy sa pagungol si Ilarian kaya lumabas ako at tumawag ng doktor.

Agad na nagpunta si Dr. Abeguildo, doktor ni Ilarian, sa kwarto kasama ang dalawang nurse. May kung ano ano silang sinabing medical terms na hindi ko naman maintindihan.

Nang matigil si Ilarian sa pagungol ay kasabay nito ang paggising niya.

Sandali siyang kinausap ni Dr. Abeguildo, bago bumaling ang doktor kay Manang.

Agad akong lumapit kay Ilarian, “Kamusta na ang pakiramdam mo?” kumpara sa nakita kong putla sa mukha ni Ilarian kanina, iba na ang putla niya, tila ba nabawasan.

“A-anong ginagawa mo dito?” tanong niya. Umupo ako sa tabi ng kama niya, at hinawakan ang nanghihina niyang mga kamay. “B-bakit ka nandito?”

“Hindi din naman ako mapapalagay sa bahay sa isiping nandito ka sa ospital...” sagot ko. Nangiwas naman ng tingin si Ilarian. “Kamusta ang pakiramdam mo?” paguulit ko sa nauna kong tanong. “Maayos na ba kaysa kanina?”

Tumango lang siya bilang sagot. Nang tingnan ko ang swerong nakakabit kay Ilarian ay nanumbalik ang mga salitang binitawan ni Dad kanina.

“Ilarian is sick, Monique! Please, understand!”

Nanginginig ang mga labing nagtanong muli ako kay Ilarian, “Ilarian, is it okay if I ask kung...” tiningnan niya ako. Nagdadalawang isip naman ako kung itutuloy ko ba o ano. Bumuntong hininga ako “Kung may kilala kang 'Jericho Denver Ferrier'

Tinutukoy ko si Daddy. Sandoval ang surname ni Mommy, at yun ang ginagamit ko. Ayoko kasing magpapalit ng apelyido, masyadong maangas ang Sandoval para palitan. Well, I also find Ferrier cool.

“Oo” kunot noong sagot ni Ilarian. Pinagtaka ko ang pagtataka niya. “Why did y-you know my dad?”

“Why did y-you know my dad?”

“Why did y-you know my dad?”

“Why did y-you know my dad?”

Nagulit ulit sa pandinig ko ang mga salita ni Ilarian. Naguguluhan ako. Ang kaninang nakahawak kong kamay sa mga kamay niya ay parang nakuha ang panghihina nun at nabitawan ko ang kamay niya. Lumaylay ang mga balikat ko at gulat na napatulala.

Bakit parang may mali? Hindi ko alam kung paano, may mali, eh.

Posible kayang....

Napatingin ako kay Ilarian.

Posible kayang.... Kapatid kita, Ilarian?

Chasing MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon