Chapter 9

450 11 0
                                    

“Khiert”

Khiert Ghil POV

Nagmaneho ako papauwi ng bahay nang wala na naman ang isip sa daan. Tila ba may sariling isip ang mga mata, kamay, at paa ko sa pagmamaneho.

Naging maluwag ang daloy ng trapiko kaya hindi na ako natagalan pa sa paguwi.

Nang nasa bahay na ay sinalubong ako ni Mommy.

“Khiert...” tawag niya saakin pero walang emosyon ko lang siyang tiningnan “Khiert?”

“Where's dad?” patay malisya kong tanong.

“Ahh...” hindi niya malaman ang isasagot “Nasa opisina, biglaan eh”

Tumango tango ako. Nagkunwaring kumbimsido.

“Kumain ka na muna, anak” wika ni Mommy na hindi ko pinansin

Lambot na pumasok ako sa kwarto at ibinagsak ang sariling katawan sa kama. Nakatulala sa kisame at pilit na pinoproseso ang mga nangyayari.

Napapagod ang katawan ko pero nananatiling gising ang diwa ko. Gusto kong matulog pero ayaw tumigil ng isip ko.

Tsk! Masyadong maraming impormasyon ang pumasok saakin ngayon. Paano ko naman ito mapoproseso?

Sa pagiisip, hindi ko na namalayan ang sariling nakatulog.

Kinabukasan, nagmulat ako ng mga mata ng may bigat na nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit pero nang maalala ko ang nangyari kahapon, doon muling namuo ang mga tanong sa isip ko. Ang mga tanong na hanggang ngayon ay hindi ko masagutan. Wala akong mahagilap na sagot.

Bumangon ako at nagayos ng sarili para sa eskwela. Nang bumaba ako ay naabutan ko si mommy na may kausap sa telepono. Nakatalikod saakin at tila hindi nararamdaman ang presensya ko.

“Anong ibig mong sabihin?!” tila galit na galit na wika ng mommy ko. “Hindi pwedeng ganun ganun nalang yun! Alam mo? Ginagawa lang niyang palusot yang si Ilarian na yan para magkabalikan kayo! Kung ayaw mong ikaw ang magsabi--- pwes ako ang magsasabi!”

Bumuntong hininga ako at umiling. Dumiretso sa kusina na para bang walang narinig.

Naririnig ko parin ang boses ni mommy pero pinili kong balewalain. Hindi ko gustong marinig ang sasabihin niya. Hindi pa din ako handang tumanggap ng bagong nakakasuklam na impormasyon.

Dumiretso ako sa eskwela matapos kumain. Tila hindi talaga pansin ng ina ko ang presensya ko dahil sa patuloy niyang pakikipagbangayan sa telepono.

Sinalubong ako ng mga kaibigan ko pero wala ako sa mood para makipagbiruan sa kanila.

Buong araw ay mas pinili kong manahimik at isipin kung anong gagawin sakaling magkagipitan na.

Tila nawala narin sa isip ko si Ilarian---- si Ilarian na hanggang ngayon ay nasa ospital. Si Ilarian na hanggang ngayon ay bulag sa katotohanan. Si Ilarian.

Nakakaawa siya. Sa totoo lang.

Chasing MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon