Chapter 32

290 7 0
                                        


Ilarian Davien POV

Patuloy lang ako sa pagtakbo sa masukal na daan sa gubat. Nakasuksok sa jeans ang dalawang baril na kinuha ko sa mga lalaki. Buwan ang nagsisilbing liwanag ko sa gitna ng dilim.

Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa makakita ako ng liwanag.

Hindi ako sumigaw bagkus ay dahan dahan akong lumapit para makompirma na hindi ito ang mga lalaking kumuha saakin.

Muntik na akong mapasigaw nang biglang may dumaklot ng braso ko at takpan ang mga bibig ko.

Isa siyang lalaking nakamask na itim,leather jacket at ripped jeans. Nakacap din ito na black.

Nang alisin niya ang pagkakatakip sa bibig ko ay dun lang ako nakapagtanong

“Sino ka?” pilit kong hindi ipinakita ang kaba

“Mamaya mo na tanungin...” sagot niya

Hinila niya ako at hindi na ako nagmatigas pa. Dahan dahan kaming lumakad upang masiguradong hindi kami maririnig ng kung sino. Nang makalayo layo kami ay tsaka kami tumakbo.

Hindi maalis ang kaba sa dibdib ko lalo na't hindi ko kilala ang lalaking humihila saakin ngayon.

Gusto kong magtanong pero mamaya na raw sabi ng estranghero.

Nagulat ako nang may matanaw akong two storey building dito sa gubat. Naging normal ang lakad namin pero hindi niya binibitawan ang kamay ko. Tumaas ang kanang kilay ko pero hindi niya iyon nakita.

Nagulat ako nang may makita akong post ng police sa lugar

“Ms. Montenegro?” tawag saakin ng pulis nang masilayan ako nito

Paano ako nakilala nito?

Humarap saakin ang mga pulis habang ang lalaki ay pumunta sa likod ng mga ito.

“Ako po si SPO4 Darwin Piniero” nakipagkamay ito saakin “Ito naman si Surgent Kent Llyod Gerero” turo ni SPO4 Piniero sa lalaki

Police pala siya.

Nakipagtanguan lang saakin ang lalaki

“Nireport po ni Mr. Sandoval ang tungkol sa nangyari saainyo. Halika po at pumasok tayo at nang makuhanan po namin kayo sa statement” wika ng police

Namangha ako na sa Two Storey Building na ito ay sobrang lawak. May iba't ibang ahensya ng pamahalaan ang nasa loob. Tulad kanina, may police station dito pero walang detainee. May ahensya ng DENR siguro dahil gubat ito. Mayroon ring hindi man kalakihang ospital tulad ng iba ay kumpleto naman yata sa gamit at malinis. May convenience store, may canteen, may parmasya, may post ng BFP, at iba pang maaasahan kapag may sakuna.

Dumiretso kami sa hospital at tiningnan ako ng doctor. Inobserbahan ako at nagulat sila nang may stomach cancer ako.

“Pwede na po ba naming makuha ang statement niyo?” tanong ng pulis habang nakaupo ako sa hospital bed at may swero. Tumango ako bago nagsimulang magsalaysay

Chasing MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon