Chapter 8

503 11 0
                                        

Daddy

Ilarian Davien POV

Ipinagtaka ko nang magbaba ng tingin si Khiert at bitawan ang kamay ko matapos marinig ang sinabi ko.

“A-anong problema?” nagtataka kong tanong. Tiningnan ko si Manang para magtanong pero nagkibit balikat lang siya at dumiretso na sa CR.

Muli kong tiningnan si Khiert pero walang nagbago sa itsura niya. Kahit masyado pang nanghihina ay sinikap kong abutin ang mga kamay niya para hawakan. “K-khiert, anong problema?” paguulit ko sa tanong. “Paano mo nakilala ang daddy ko?”

Doon ko naagaw ang atensyion ni Khiert. Nakita ko kung paano siya nagitla maging kung paano kumislot ang mga labi niya na para bang naghahagilap ng sagot. What's wrong with him?

“Ahhhhh....” unang nausal niya “Kasi.. diba? Kilala siyang n-negosyante. Business partner siya ng magulang ko at minsan ka nang nabanggit sa meeting kung saan kasama ako”

Tumango tango ako. Maya maya pa'y pare parehas kaming nagulat sa biglaang katok at bukas ng pintuan. Iniluwal noon si mommy at daddy.

Nakita ko kung paanong nagulat si mommy at daddy nang makita si Khiert na siyang nasa tabi ko. Si Khiert naman ay bahagya ring nagulat.

Agad itong tumayo at aligagang yumuko. “G-good evening, Mr. and Mrs. Montenegro”

Hindi ko alam kung ako lang o sandyang pinakadiinan niya ag salitang Mister.

Masyado na silang weirdo. Psh.

Agad lumapit saakin si Mommy at tsaka ako kinausap habang nakita ko sa sulok ng mga mata ko ang paglabas nina Khiert at Daddy.

Napabuntong hininga ako at napansin yun ni mommy. Nginitian ko lang siya.

Khiert Ghil POV

“Anong ginagawa mo dito?” diretsang tanong ni dad matapos naming lumabas.

“Im the one should be asking, dad...” pinagkrus ko ang mga braso ko “What  the hell are you doing here?”

“Khiert...” nagbabanta ang tono niya. Pero hindi nun maalis ang galit ko.

“Dad, kaylan pa ito?” tanong ko. Napapikit ako nang wala akong nakuhang sagot. “May ibang pamilya ka and then acting like our family is in freaking good situation. Ha! Wow.”

“Wala kang naiintindihan, Khiert” napabuntong hininga ako sa sagot niya.

“Then make me understand!” pagdidiin ko. “Im asking because I want to understand, Dad”

“Umuwi ka na, Khiert Ghil...” utos nito. Puno ng awtoridad at maging ang awra nito ay nagbago. “Sa bahay na natin ito pagusapan” wika nito tsaka ako tinalikuran upang pumasok sa loob ng kwarto.

Napabuntong hininga ako sa ikinilos niya. Ibig sabihin n'on wala na akong magagawa. Psh!

Pumasok ako sa kwarto at nakita ko ang saya sa mukha ni Ilarian at ng mommy nito. Nang makita ako ay agad na naglaho ang saya sa mukha ng kanyang ina.

“Mauna na ho ako” wika ko

“Gabi na, Kert Jil, hijo” wika ni Manang “Baka mapahamak ka”

“Wala pong mangyayaring masama saakin, Manang” pilit na ngiti ang ibinigay ko kay manang “Nasaktan at patuloy na po akong nasasaktan. Masyado naman po yatang madamot ang langit kung dadagdagan pa po, diba?” hindi ko na napigilan ang sarkasmo.

“Sige, magiingat ka, hijo...” paalala ni manang. Tinanguan ko siya at nginitian.

“Mauna na po ako...” baling ko sa mga magulang ni Ilarian “Mauna na ako, Ilarian..”

“Hmm....” tumango ito saakin nang nakangiti. Sobrang tamis nun, hindi ko napigilan ang mahawa. “Salamat sa pagdadala saakin dito..”

“Wala anuman iyon...” nakangiti kong wika. Tsaka muling bumaling sa mga magulang niya at yumuko.

Lumabas ako at nagmaneho pauwi ng bahay.

Ano mang dahilan mo, dad, ay pakikinggan ko. Pero wag mong asahang maiintindihan ko. Hindi ganun kagaan ang kasalanang ginagawa niyong tatlo. Hindi lang ako ang niloko niyo, maging si Ilarian ay niloloko niyo at kahit pa mga sarili niyo.

Hindi ko na napigilan pa ang inis.

Chasing MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon