Ilarian Davien POVMatapos nun ay nagayos na kami ni Khiert para sa kasal namin. Hindi syempre mawawala ang mga suggestions nina Veniece, Safia at lalo na ni Mommy.
Sobrang daming bisita base naren sa gusto ni mommy. Once in a life time lang daw ang kasal. Sulitin daw kahit pa maraming pera ang magastos.
Nahirapan rin kami ni Khiert kung sinong pipiliing maging Men's Groom at Bride's Maid. Pinagawayan nina Safia Ta Veniece ang Bride's Maid at pinagawayan rin nina John at Eric ang pagiging Groom's Men
Kaya sa huli, ang Bride's Maid ay si Hilarian at ang Groom's Men ay si Jonathan na nobyo ni Hilarian.
Nagtampo ang mga bestfriend namin pero pinaliwanagan namin na mahirap mamili sakanila kaya ginawa nalang namin silang Ninong at Ninang
Nagulat pa sila at ang sabi pa ni John at Veniece ay masyado pa silang bata para maging Ninong at Ninang namin at masyado raw silang gwapo at maganda. Hindi na ako magtataka kung magkakatuluyan sila. HAHAHA.
Nang handa na ang lahat at nakaset narin ang date ay hindi ko maiwasan kabahan sa excitment.
Hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay namin
JULY 30, 2024
“Kinakabahan ako, Mommy” wika ko kay mimmy habang sinusuotan ako ng belo
“It's normal, darling...” wika ni mommy
Matapos ayusan ay sumakay na kami sa bridal car na maghahatid saamin sa simbahan. Kinakabahan talaga ako!
Nang makarating ay nagsimula nang maglakad ang sandamakmak na bisita. Nangalay pa ako sa tagl at naupo at nagcellphone sa kotse para iwas kaba at inip.
Nang malapit na ay agad akong tinawag ni mommy tsaka inakay sa harap ng pintuan ng simbahan.
This is it! Shit!
Bago bumukas ang pinto ng simbahan para sa pagpasok ko ay pumasok na si mommy para hinatayin at akayin ako papunta sa bisig ng lalaking mahal ko.
At nang pumasok ako ay dobleng kaba ang naramdaman ko. Dobleng excitement at saya.
Totoo nga ang mga napapanood ko. Na sa oras humakbang ka na papalapit sa altar habang naghihintay ang lalaking mahal mo sa dulo ay maiiyak ka.
Babalik ang mga alaala niyong dalawa, mga sayang pinagsamahan.
Napili namin ni Khiert ang Best Love by Jamill na patugtugin habang naglalakad ako. Pero mas pinalumanay namin yung kanta. Si Piercely mismo ang kumanta pati narin si Eric. Imbitado rin kasi sina Piercely at Tyler kahit si Madam Hailey ay inimbita ko.
Habang naglalakad ay kinakabahan ako. Iba sa kabang nararamdaman ko nang kidnappin ako ni Kim.
Btw, si Kim nga pala ay nakasuhan ng kasong kidnapping maging ang mga kasama nila. Hula ko ay nagiinarte na iyon sa selda niya.
Lumuluha akong inakay ni Mommy papalapit sa altar. Pakiramdam ko, bawat hakbang ko ay nagpapadagdag ng kaba ko. Tila rin lalong lumalayo ang altar kahit anong pilit na lakad ko. Pero kinalma ko ang sarili ko.
Nang makarating kami sa altar ay nagmano si Khiert kay Mommy bago kunin ang bisig ko. Humarap kami kay father na nakangiti ngayon..
“Simulan na natin...” ani father “Tayo ay tinipon sa araw na ito, upang saksihan ang pagiisang dibdib ni Binibining Ilarian Davien Montenegro at Ginoong Khiert Ghil Sandoval. Kung sino mang tumututol sa kasalang ito ay magsalita. Kung wala ay tayo na't magsimula. Sa ngalan ng ama, ng anak, ng espiritu santo. Amen”
May kung ano pang sinabi si Father na hindi ko masyadong naintidihan at nagmisa pa siya tungkol sa pagaasawa bago tuluyang nagsimula.
“Ikaw ba, Ilarian Davien Montenegro ay tinatanggap si Khiert Ghil Sandoval upang maging iyong kabiyak? Sa hirap at ginahawa? Sa kasaganahan man o kagutuman? Sa kasiyahan o kalungkutan? Habang buhay?”
“I do...” buong pusong sagot ko
“Ikaw ba, Khiert Ghil Sandoval ay tinatanggap si Ilarian Davien Montenegro upang maging iyong kabiyak? Sa hirap at ginhawa? Sa kasaganahan o kagutuman? Sa kasiyahan o kalungkutan? Habang buhay?”
“I do, father” sagot ni Khiert
“Maaari niyo nang sabihin ang pangako sa isa't isa” utos ni father
Humarap kami sa isa't isa at lumapit si Rovery, ang ring berrer namin na kapatid ni Safia.
Kinuha ni Khiert ang singsing pati ang kamay ko
“Ako, Si Khiert Ghil ay pinapangakong mamahalin ka habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa kasaganahan o kagutuman, sa kasiyahan o kalungkutan. At tanging kamatayan ang magkapagpapahiwalay saatin. Ako'y nangangakong mamahalin ko ng buong puso ikaw na aking asawa, ang ating mga magiging anak, at ang kanila pang magiging anak. Hindi ako magsasawang mahalin ka, magpakaylanman. I love you, baby” wika ni Khiert bago tuluyang isuot saakin ang singsing.
Kinuha ko naman ang singsing bago humalik kay Rovery at kunij ang kamay ni Khiert.
“Ako, si Ilarian Davien ay pinapangakong mamahalin ka habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa kasaganahan o kagutuman, sa kasiyahan o kalungkutan. At tanging kamatayan ang magkapagpapahiwalay saatin. Ako'y nangangakong mamahalin ko ng buong puso ikaw na aking asawa, ang ating mga magiging anak, at ang kanila pang magiging anak. Hindi ako magsasawang mahalin ka, magpakaylanman. Mahal na mahal kita, baby. I love you. Saksi ang Panginoon at ang libong tao sa ating pagiibigan”
“Sa kapangyarihang pinagkaloob saakin. Ngayon ay pinahahayag ko na kayo ay ganap nang magasawa” nakangiting wika ni Father “Maari mo na siyang halikan”
Tinaas ni Khiert ang belo ko bago unti unting lumapit saakin.
Ito na ang katuparan ng aking mga pangarap. Ito ang simula ng bagong pahina ng aming buhay. Ito na ang magandang biyayang naibigay saakin ng panginoon.
Having you is such a Blessing, Khiert. And I'll never get tired thanking God for giving you to me.
“Humayo kayo at magpakarami!”