Ilarian Davien POVNasaan ako? Madilim, makipot, mabaho-- amoy dugo, amoy gamit sa hospital.
Lumingon lingon ako kahit na wala akong makita. Ang tapang na pinapakita ko kay Khiert ay tila ba nawala at naglaho. Nasaan ako? Paano ako makakaalis dito?
Khiert, nasaan ka na? Kaylangan kita.
Sa gitna ng dilim at makipot na espasyo ay may pumalakpak mula sa likod ko. Napalingon ako dito. Tila unti unting lumawak ang masikip na kwarto.
Nangkaroon ng liwanag sa tapat ng taong pumapalakpak. Si Kim.
“What, Ilarian? Are you scared? Nasaan na ang tapang mo?” tila nangaasar na wika ni Kim
“Kim! Ilabas mo'ko dito! Ilabas mo ako dito, Kim!” sigaw ko.
Sinubukan kong humakbang palapit sakanya pero tila nakapako ang mga paa ko.
Napatingin ako dito bago kumunot ang noo at tingnan muli si Kim
“Poor Ilarian. Can't do anything?” nangiinsulto niyang wika “Look at your back”
Napatingin ako dito. Nanlaki ang mgs mata ko at napasinghap. Lumingon muli ako kay Kim pero wala na siya. Doon ko na naigalaw ang paa ko para humarap sa lalaking nakasalampak sa upuan. Nakagapos at duguan.
“Khiert...” tawag ko dito
“Bakit mo'ko pinabayaan?” nagulat ako sa tanong niya. Nananatili siyang nakatungo at tila ba umiiyak
“Khiert.. Anong sinasabi mo?” nanunuyo ang lalamunan ko sa sobrang kaba.
“Bakit mo'ko iniwan, Ilarian?” tanong niya ulit
“No... That's not true! Hindi kita iniwan at hinding hindi kita iiwan, Khiert! Baby” sagot ko
Sinubukan kong lapitan si Khiert pero parang paglapait ay lumalayo rin si Khiert
“Hindi totoo yan” wika niya “Iniwan mo'ko, Ilarian. Iniwan mo ako”
Unti unti siyang tumunghay at natuptop ko ang bibig ko. Kalahati ng mukha niya ay bugbog at ang kalahati ay duguan. Puti ang natitira sa mata niya at lumuluha siya ng dugo!
“Iniwan mo'ko, Ilarian! Iniwan mo akoo!”
“Noooooo!” napaiktad ako mula sa pagkakaupo nang magising mula sa pagkakatulog.
Isang panaginip. Sobrang samang panaginip.
Napatingin ako sa paligid ko. Tumba lahat ng bantay marahil dala ng kalasingan. Maraming bote ng alak ang nagkalat sa sahig at ang iba ay basag.
Iniikot kong muli ang mata ko. Hinahanap si Kim. Nang wala akong nakitang pigura ng isang bitchy bitch ay agad akong humanap ng matulis na bagay.
May mga bote ng alak sa paligid ko. May malaking flywood din sa likod ko. Kinalibutan ako nang maisip na inasinta ako ng mga lasing na kidnappers dahilan para mabasag ang mga bote.
Sa tapat ng paa ko ay may piraso ng bubog na parang tumalsik. Hinuban ko ang sneakers ko bago ko kinuha ang bubog. Nahirapan akong dahlin ito sa mga kamay ko dahil parehas nakatali ang kamay at paa ko at sa huli'y hindi ako nagtagumpay.
Muli oong iginala ang paningin ko at nakita ko ang isang bubog na tumusok sa flywood malapit saakin. Iginalaw ko ang bangkong inuupuan ko na gumawa ng ingay.
Napatigil ako nang gumalaw ang isang tulog na kidnapper. Pinakiramdaman ko ito at pinagmasdan. Umayos lang pala ng upo.
Lumapit pa ako sa bubog hanggang sa katapat ko na ito.
Dahil sa may kalakihan ang bubog at matibay ang pagkakabaon bito sa flywood at nabigtal ang tali sa kamay ko.
Pinigilan ko ang tuwa bago alisin ang tali sa paa ko. Muli kong sinuot ang sneakers bago lumapit sa mga kidnapper at kumuha ng baril na nakapatong sa lamesa.
Tumakbo ako papalabas ng factory at nakita ko si Kim na pababa galing sa kung saan. Agad akong lumabas at tumakbo bago pa malaman ni Kim na wala na ako.
Hindi kalayuan ay nakarinig ako ng mga putok ng baril, sensyales na naghihisterikal na ang babae.
Mas binilisan ko pa ang takbo ko. Shit! Hindi ko alam ang daan papuntang high way!
