Chapter 10

445 12 0
                                        

“Curiosity”

Ilarian Davien POV

“Sigurado kabang wala kang kaylangan?” tanong ni manang na nagaayos ng gamit sa sidetable. Ngumiti ako at umiling “Sige, lalabas muna ako, ha?”

“Sige po, Manang” ngumiti ako.

Nang makalabas si Manang ay tsaka ako nagbuga ng malakas na buntong hininga.

I know there's something strange about them....

Nagulat ako sa biglaang paguusap ni Daddy at Khiert. Tapos bigla siyang aalis. Nung una, iniisip kong alam niyang kaylangan namin ng space para makapagusap privately. Pero, wala naman kaming pinagusapang kakaiba.

It's not just about Khiert, it's about Mom and Dad...

Kumunot ang noo ko. Kung nagkakilala sina Daddy at Khiert sa isang Business Meeting, how come na ganun na lang sila kaclose? Without greeting each other properly, I can see that there's a problem.

Ano bang tinatago niyo?

Nang makaisip ng ideya at tiningnan ko ang pinto at kinuha ang cellphone. Dinial ko ang isang numerong alam kong makakatulong saakin.

“Hello? I need your help”

Manang Delia POV

“Hindi kaya't nagtataka na si Ilarian sa mga nangyayari, Jericho?” tanong ko kay Jericho na nasa kabilang linya ng telepono.

“Kilala ko ang anak ko, manang...” bumuntong hininga siya. Tama, anak mo. “Kung magtataka yun, I know she will ask, hindi man saakin at kay Stella, malamang ay sayo siya magtanong, manang”

Bumuntong hininga ako. “Kung sakaling magusisa siya, anong ikakatwiran ko sa mga tanong niya?”

Narinig ko ang kaluskos sa kabilang linya na parang gumalaw si Jericho. Malamang ay umupo ito at sinapo ang noo “Hindi ko alam, Manang... Hindi ko alam”

“Binalaan ko na kayo dati, Sir” tinawag ko na siyang Sir na malimit kong gawin “Hindi na tayo dapat nahihirapan ng ganito, kung sinabi niyo ng maaga sa anak niyo” pinagkadiinan ko pa ang huling salita.

“Manang...”

“Siya, babalikan ko na si Ilarian, baka hinahanap na ako nun” binabaan ko na siya ng telepono.

Patawad, alaga ko. Kung pati ako, naglilihim sayo ng ganito.

Umiling na lang ako at bumuntong hininga.

Nang makabalik ako sa kwarto ay nakita ko ang pagkaaligaga ni Ilarian. Nilapag rin niya ang telepono niya sa lamesa.

Sinong kinausap mo?

Hindi ko maisatinig ang mga katagang yun..

Ilarian Davien POV

Nang makapasok si Manang sa kwarto ko. Dali dali kong binaba ang telepono at nilapag iyon sa side table.

Sana hindi makahalata si Manang...

Hindi kami nagkibuan ni Manang sa di malamang dahilan. Gusto kong magtanong, pero alam kong hindi siya magsasalita. Gusto kong malaman ang lahat, pero alam kong wala akong mapapala.

Bahala na. Nakagawa na ako ng paraan para malaman ko ang lahat. Lahat-lahat.

Kung ano man ang sikreto niyo, malalaman ko.

Chasing MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon