Chapter 18

333 11 6
                                        

“New”

Ilarian Davien POV

Bago makarating sa US ay naghanap na ako ng bahay na matutuluyan at saktong nakahanap ako sa may malapit sa Ospital, sakto rin na doon nagdduty si Doctor Kyrie Kyle Madffried, yung mahusay na doctor na sinabi ko kina Viniece noon.

“Goodevening, Miss...” bati ng isang babaeng nasa mid 40, siguro siya ang namamahala ng tuluyang ito

“Ilarian Davien Montenegro” pagbigkas ko sa pangalan ko

“'Oh! Such a pretty name” nginitian ko siya “I'm Mrs. Hailey Gail Fredrieckson. I am the owner of this house. I' ll take you to your room”

“Thankyou” wika ko naman.

Hinatid niya ako at may lumabas pang dalawang babae mula sa kwarto

“Is she's the one who came from Philippines!?” excited na tanong ng babaeng blonde ang buhok at may balingkinitang katawan. Matangkad at maputi.

“Yes, she's Ilarian Davien Montenegro” Mrs. Fredrieckson said

Nabigla ako nang hawakan nito ang kamay ko “Nice to meet you, Ilarian Davien! I am Tyler Deniece Jackson. My nunny before was a Filipina! I know some Filipino Language. Megendang Gabi”

“Magandang Gabi din” wika ko nang nakangiti

“I am Janiecelyn Piercely Rexien” wika ng babaeng mukhang mahinhin at mas tahimik kesa kay Tyler. Matangkad din, black ang buhok at sakto ang pangangatawan “Kinagagalak kong makilala ka, Ilarian”

“Marunong kang magtagalog?” gulat kong wika. Hindi kasi halata sakanya. Amerikanang amerikana ang dating niya!

“Well, yes” sagot niya “Sa Pilipinas ako pinanganak. My mother was a Filipina at my father was a American. I'm just here to study”

“Ohhh” reaksyon ko

“So.. Here's your key, Ms. Montenegro” singit ni Mrs. Fredrieckson at iniabot saakin ang susi

“Thankyou” wika ko

Nang maayos ang gamit ay umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko dahil nagring ito.

Viniece Calling...

“Hey” pagsagot ko sa tawag niya

“Sis, your father went here. Hinahanap ka” wika niya

“Dont mind him” I let out a deep sigh “Just make sure you wont tell anyone that Im here”

“Ofcourse! Copy!” masiglang wika ni Viniece “So, gotta go, sis! May pupuntahan ako, eh. Bye!”

*toot toot*

“So, you escaped?” biglang wika ni Tyler. Tiningnan ko naman siya nang nakakunot ang noo “Sorry, I didn't mean to listen”

“Its okay” nakangiti kong wika

Natulog ako matapos nun dahil narin sa sobrang pagod sa byahe.

Kinabukasan, habang nagbbreakfast kami nina Tyler at Piercely ay may nagpop sa cellphone ko

Sender: Khiert Ghil
09*********
Philippines

         Umaasa akong makikita kita'ng muli, Ilarian. Hindi ako titigil hangga't hindi ka nahahanap. Sana maayos ang lagay mo. Sana may nagaalaga sayo. Sana may nagaasikaso sayo. Sana nakakainom ka ng gamot sa tamang oras. Sana iwasan mo ang mga bawal. Sana may maaasahan ka diyan kung nasaan ka man. Sana may kakilala kang doctor sakali man. Miss na kita, Ilarian. Mahal na mahal din kita. Bakit kasi mo'ko iniwan? Bakit? Sana sinama mo nalang ako, baby. Sana, hindi ako mawala sa buhay mo. Iloveyou </3

8:45 am

Chasing MontenegroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon