4 - "Eh di swerte ka."

1.4K 28 2
                                    

Napalaki ang ngiti ko ng nakita ko si Mia sa simbahan sa susunod na Sabado. Kailangan ko na malaman at mapatunayan ang dalawa sa Ten Things.

Nakangiti siya sa mga kausap niyang babae. Natuwa ata sa kanya dahil bago, pero hindi na nila iisipin na mabait siya pagdating ng panahon.

Umubo ako at humarap sila lahat sa akin. Halos lahat nagulat noong nakita ako, pero priceless ang mukha ni Mia! Muntik na akong tumawa ng malakas noong nakita ko ang mukha niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi niya ng walang boses. Halos may lumabas na usok sa ilong at tenga niya sa inis. Nag smirk lang ako at nag kibit-balikat.

Tinignan ulit si Mia ng lahat. Napayuko siya sa kahihiyan. Dapat lang.

"Magkakilala kayo?" Tanong ng isa sa mga kasama ni Kath.

"No!" Agad na sinabi ni Mia pero sinabayan ko ng "Oo naman."

"Kayo ba?" Ngumunot ang noo ko. Kadiri!

"Asa siya!" Sabay naming nasabi. Pinuntahan-actually sinugod-ako ni Kath at itutulak na sana ulit ako kaso tinuro ko ang cruxifix sa pinakaharap.

"Hep, hep. Nasa harap ka ng Diyos. Dapat mabait ka." Kinindatan ko siya. Umatras lang siya at tinignan niya ako ng masama.

"Mabait? Parang kahapon lang may nakikipag-landian dito." Tumalikod siya at bumalik sa mga kasama niya bago niya pa makita ang expression ko. Tss.

"Oh, pogi! Andito ka pala," nandito pala yung nakausap ko last week. Yung babaeng mataba. Nginitian niya ako ng malaki at tinignan ang mga kasama niya na kasing-tanda na niya. Nagtinginan sila at tumawa ng malakas. Pinuntahan ng babae ang mga kasama niya at hinampas sa braso.

Pinuntahan ko si Mia. "So, what brings you here?" Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Tinignan niya ako ng naiirita at nilayo niya ang mukha niya. Nag-giggle mga kasama niya.

"Si Lord." Tinuro niya ang cruxifix. "Nandito ako para i-worship siya. Hindi ako tulad ng ibang pumunta dito para magpaimpress o may SINUSUNDAN."

Tinignan ko siya.

Oo nga naman.

Nilapit niya ulit ang mukha niya sa akin at nag inosenteng ngiti. I narrowed my eyes on her.

"Bago magkapalit ng mukha ang dalawa dito," sabi ni... Drea? Drea ba 'yun? "Magsimula na tayo. Mia, alam mo tono ng boses mo?"

Tumingin sa mata ko si Mia at lumaki ang ngiti. Humarap siya kay Drea at umiling. "Ate, mag-gigitara lang ako. Yun ang sinabi ko last week di ba?"

"Oo nga pala. Ayun na yung gitara, hija." Tinuro ni Drea ang gitara na nasa gilid. Kinuha 'yun ni Mia at tinignan ako ulit ni Drea. Ako naman daw ang kakanta. Tinanong niya kung meron daw ba akong kantang hinanda. Umiling ako kasi wala naman talaga. Mag isip nalang daw ako ng gusto ko, kaya pumili ako.

And there I was, singing the only religious song I remember. Tumingin ako kay Mia. Nakanganga siya sa gulat. Hindi niya siguro inakala na ganito ang boses ko. Madalas akong kumakanta sa bahay, sa kapatid kong babaeng maliit. Camille ang pangalan niya. I sing her to sleep at times.

Ten Things [KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon