A short but significant chapter today. I hope you like it!
Dedicated to my dear friend.
--
SHAUN
Heart... cancer?
Yung pagiging masakitin niya, yung mga pagmasahe niya sa dibdib niya pag nag-uusap kami, yung pagkahimatay niya noong nagkasakit siya at noong nakita niya ang tarpaulin at banners...
"Alam mo ba kung gaano ako hindi makahinga dahil sa ginawa mo?!"
Thing Number 10. I have heart cancer.
True?
"Hoy!" nakalabas na siya ng banyo! Nakapag-ayos na siya ng damit. Pagkatingin ko sa kanya nakalagay ang kamay niya sa bewang niya. "Wag mong titignan 'yan! Private 'yan!"
May sakit ka sa puso? Bakit hindi mo sinabi? Bakit mo nilihim sa akin 'to? Bakit mo sinasaktan ang sarili mo? Alam ba 'to ng mga magulang mo? Mia, bakit ngayon ko lang nalaman 'to?
"Oh? Tititig ka pa? Nakapag-hilamos ako ah! Wala na akong muta. Tara!" Pinuntahan niya ako at hinila pababa.
Totoo ba? O mas malala... mawawala ka na ba?
"Mia?" Tumingin siya sa akin.
"Hm?" That smile. I hate that smile. It makes me want to keep her from everything that can hurt her.
"Take care of yourself, will you?"
Nag buntong hininga siya. "You saw it, didn't you?"
Alam niya.
"Wag mong sabihin kahit kanino." Tahimik niyang sinabi sa akin at ngumiti ng malungkot. "They don't have to know."
Alam kong kahit anong pigil ko sa kanya, gagawin pa rin niya kaya hinayaan ko nalang siya. Mamaya ko nalang sasabihin.
"Dito tayo sa baba para walang mag-taka." Kinurot niya ang pisngi ko at pumunta kami sa sala. "Asan yung books mo?"
"Nasa sofa."
"Kunin mo na." Sinundan ko siya. Sa sahig nalang kami umupo.
"Magsimula na tayo?" Um-oo ako at binuksan na niya ang libro.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nakakayanan niyang itago yung nakita ko. Hindi ko rin maiwasang isipin na baka isang araw, bigla nalang siyang aatakihin at mawawala. Totoo ba, Mia? Meron ka bang cancer? Anong stage? May pagasa pa ba?
"...to the base 6--"
"Malala ba?"
Halata na nagulat siya. "Ang?"
Hindi ako sumagot.
Tumango siya.
"Nagch-check up ako every month," bulong niya. "They don't have to know. Mawawala din'to."
I felt like someone punched me in the chest.
It was true.
"They have to know."
"Mawawala din 'to." Ulit niya at yumuko. "Let's not talk about this now."
Huminga siya ng malalim. Hindi siya makahinga. "Gusto mo ba ng tubig?"
"No, thank you."
"Is that what you tell yourself, then?" Hindi ko mapigilang itanong. "'Mawawala din 'to. They don't have to know'?"
BINABASA MO ANG
Ten Things [KATHNIEL]
FanfictionLoving yourself means knowing all your flaws and accepting them.
![Ten Things [KATHNIEL]](https://img.wattpad.com/cover/22969937-64-k280301.jpg)