Mia
Pagkatapos ng ilang linggo... ngayon lang ako naging speechless.
"A-ano?"
Inuntog niya ang ulo niya sa pader kaya nakatingin na siya sa taas. Sinabunutan niya sarili niya ng mahigpit. "I'm sorry. Alam kong magbabago na lahat. Nasama ka pa sa gulong ginawa ko."
Umupo ako sa sahig. "Bakit mo ginawa yun?"
"Sa lipstick mo siguro."
"Huh?"
Tinignan niya ako. "Araw-araw kang naka red lipstick. Sinong lalaking hindi mapapatingin diyan?"
Tumayo ako at lumabas ng janitor's closet. Narinig ko ang mga footsteps niya na sinusundan niya ako. "Mia."
"Stay away from me."
SHAUN
"Mia, may sinabi ba akong masama?" sinundan ko pa rin siya. Nagbibiro lang naman ako kanina. Hindi ko sinasadyang ma-offend siya.
"Wala. Ako may kasalanan." napatigil ako sa paglalakad.
Of course sisisihin niya sarili niya, idiot.
"Mia, sorry. Ako may kasalanan. I kissed you. You were asleep." tumigil din siya. Humarap siya sa 'kin.
"It's okay. Kasalanan ko. Tinatapon ko sarili ko sa mga lalaki." Tumawa siya ng mapait. "Malandi nga pala ako."
"No, hindi ka malandi. 'Wag mong sasabihin yan sa sarili mo." nakaramdam ako ng sakit. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling 'tong sakit na 'to, pero daig ko pa nadaganan ng malaking bato. Mas lalo na n'ong nakita kong pinipigilan niya ang luha niya.
"Ang babaw ko 'no? Umiiyak nalang bigla. 'Wag ka mag-alala sa akin. Rerespetuhin ko na sarili ko. Iiwasan ko nang maging malandi."
May gustong sabihin ang buong sistema ko, pero hindi ko alam kung ano.
Alam mo. Ayaw mo lang tanggapin.
"Mia, wag mong sisisihin sarili mo."
"Okay lang," pero mapait pa rin ang ngiti mo. "Naiintindihan kita." Hindi. Hindi mo ako naiintindihan.
Tumalikod siya at umalis na. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng hallway, nakatingin sa kanya habang umaalis siya.
Wag mong sisisihin sarili mo, Mia.
Masakit.
Nakaramdam ako ng pag-vibrate sa bulsa ko. May nagtext.
shaun? can we talk? quad in 5 mins.
Si Julia.
Agad akong pumunta sa quadragle ng university namin at tulad ng sinabi ni Julia, nagkita kami pagkatapos ng limang minuto.
Nakangiti siya sa akin, pero parang pagod siya. Bakit kaya?
"Hi, Shaun," lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Hi," bati ko pabalik at hinigpitan niya ang hawak niya sa kamay ko. "Okay ka lang ba? Gusto mong umupo?"
Umiling siya at tumingala sa akin. "Alam ko na kung anong kailangan natin."
BINABASA MO ANG
Ten Things [KATHNIEL]
FanficLoving yourself means knowing all your flaws and accepting them.