11 - "Hindi ko alam kung bakit nagkaganito ako."

1.5K 24 0
                                    

Pumunta siya dito ng nasasaktan pa rin dahil sa Keith na sinasabi niya?

Nakilala ko siya ng sinusubukan niyang mag move on sa kanya?

Noong sinabi kong nagkagusto ako sa kanya, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin, alin doon ang panahon na sinusubukan pa rin niyang mag move on sa kanya? Hanggang ngayon ba, gusto pa rin niya si Keith?

Naging rebound lang ba ako? Panakip-butas?

Bumalik ako sa katotohanan sa biglang pag-iba ng expression ni Mia. "Ang insensitive ko. Sorry, Shaun. Dapat hindi ko na sinabi."

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Okay lang ako."

Halata sa tingin niya na hindi siya kumbinsido.

"Kailangan ko lang umalis saglit, ayos lang ba sa 'yo?"

Nginitian niya ako ng malungkot. Parang may hinahanap siya sa mukha ko.

"Yeah, sure. Okay. Magkikita naman kami ni Liza ngayon eh."

"Sige, ingat ka." tinapik ko ang ulo niya. Nagpaalam ako sa iba naming kasama at umalis na.

--

"Why don't you ask her, then?" tanong ni James sa susunod na araw bago magsimula ang first period.

"Paano kung sinabi niya, 'Oo, Shaun! Rebound ka lang. Lumayo ka sa 'kin at 'wag ka nang mapapakita pa dahil wala kang kwenta.'"

"You're exaggerating, dude."

"Medyo lang. Pero paano kung ganun nga? Paano kung all this time, fake lang pinagdaanan namin?"

"Hindi naman siguro. Hindi naman porke mabilis ang panahong dumaan, hindi ka na niya kayang mahalin."

"Siyempre kailangan ng oras para magmahal ng isang tao."

"Everything's not about quantity or time, it's about how you spend that time with them."

Tumango ako at naglakad na kami papuntang classroom.

Paano ko nga ba nagustuhan si Julia?

Unang araw niya noong pinuntahan niya ako para magtanong ang direksyon sa klase. Hindi ko pa siya nagustuhan noon. Love at first sight? Kadiri naman ata. Hindi ako naniniwala doon. Dumaan nalang siguro ang panahon na nagkakasalubong kami lagi at dahil doon naisip ko, bakit hindi ko siya kilalanin?

Tatlong buwan siguro kaming magkakilala noong nalaman ko sa sarili ko na gusto ko siya. Hindi mahal, gusto. Hanggang sa araw-araw kaming nagkasalubong at niligawan ko nalang siya.

Paano ko nga ba pinapalipas ang oras ko kasama si Julia?

Pinupuri siya? Nagjjoke? Nang-aasar?

Ano nga ba ang alam ko sa kanya?

"Saan ka pupunta?"

"Sa classroom."

"Iikot ka? Ito na oh," tinuro ni James ang pinto ng classroom namin. Oo nga naman.

"Sorry naman." Sumunod ako sa kanya. Pag pasok ko ng classroom, umupo na ako agad sa pwesto ko.

Napatingin ako kay Mia dahil umikot siya bigla at tinignan ako. Parang puyat ang itsura niya.

"Bago umalis si Julia, sinabi na sa akin ni Keith na hindi na siya nanliligaw. Hindi ko alam kung bakit. Nagalit nalang sa akin bigla si Julia at inunahan akong pumunta dito."

Ten Things [KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon