10 - "Siomai? Kailan naging almusal ang siomai?"

1.3K 21 0
                                        

Mia

"Shaun?"

"Hm?"

"Ang gwapo mo."

"Ha?"

"Oo, sobra. Ang laki ng pinagbago mo mula nung una tayong nagkita. Nakakaiyak ka. Hindi mo sinabing nagwo-work out ka pala. Noon ang lampa lampa mo kahit na may konting biceps ka, ngayon may pandesal na nga may corned beef pa. Sobrang gwapo mo ng may ganun. Sana lahat ng shirt na meron ka masira. Sana katawan ka nalang pala para may matitigan ako. Ilang buwan palang naman nakaraan ah? Ang dami mo atang pinagdaanan diyan sa katawan mo, naku, kung hindi mo lang nililigawan pinsan ko matagal ko nang kinagat 'yan."

Kung sinabi ko kaya sa kanya ng diretso 'yun, ano mararamdaman niya?

Nakakaiyak naman kasi talaga siya. Magta-tatlong buwan palang ako dito, ganyan na itsura niya. Araw-araw ko siya nakakasalubong, sa CR, sa hallway. Pero siyempre, kaklase ko muna siya ng first period.

Which is... right now.

Wala akong pagnanasa 'dun. Asa! Sadyang gwapo lang talaga ang bwiset. Sana wag siyang mag-cross arms, kasi lalong nae-emphasize ang kagwapuhan niya tapos yung paraan ng pag-titig niya? Nakakatunaw. 

Ganun ba siya tumitig sa lahat? O, ako lang ang tinitignan niya ng ganun?

Ew. Kailan ako nagsimulang maging ganito? Nakakadiri ako. Hindi siya gwapo, 'no. 

Medyo lang.

Okay, medyo sumobra. But it doesn't matter. 

Speaking of which, nakarating na siya sa classroom. Haggard na haggard ang itsura niya, parang kagigising lang. Nagkunyari nalang ako na hindi ko siya nakita at kinausap ko ang katabi ko. Tumabi siya akin at naramdaman ko ang pag-lapit niya sa akin. 

"Good morning."

Ack! >////<

Naramdaman ko hininga niya sa leeg at balikat ko. Ang lalim, ang husky, ang--censored. Grabe! Kung ibang lalaki 'to, kikiligin ako pero hindi eh! Sana boses ka nalang din, Shaun!

Ang harot mo talaga kahit kailan, Mia.

Ang gwapo niya kasi, minsan lang 'to ano ba. Hindi naman masama magka-crush 'di ba? Crush lang 'to! Ang tindi kasi ng appeal niya! Parang artista. Ako lang talaga yung sagabal sa kanila ni Julia.

Humarap ako sa kanya. Naka smirk siya sa 'kin. Okay, mentally breathe in and breathe out. Teka pwede ba 'yun? Bahala na. "Hi."

"Bakit ganyan tingin mo?" nag ngunot noo siya. Lumayo ka sa akin, kinakabahan ako sa 'yo! 

"Hindi ako makahinga," technically totoo. Nahihirapan talaga akong huminga isa dahil sa sakit ko pangalawa dahil sa kanya! Ang lapit niya masyado. Tinulak ko ang armchair at iniatras ang ulo ko para lumayo kasi halos isang palad nalang agwat ng mukha namin.

"Bakit? Okay ka lang ba?" hinawakan niya braso ko. Akala niya siguro malalaglag ako.

Iniwasan ko siya ng tingin. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita.

"Huy. Bakit hindi ka makatingin?" kasi nga baka magkasala ako kung titignan pa kita!

"Wag mo akong hahawakan," binitawan niya nga ako. 

Napasigaw ako kasi napabitaw din ako sa armchair ko at malapit na rin akong malaglag. Hinila ni Shaun ng malakas ang braso ko. 

Dalawang daliri nalang agwat ng mukha namin pagkahila niya sa 'kin. Ang ganda pala ng mata niya, kahit na malaki ang eyebags niya. Ang haba ng pilikmata niya.

Ten Things [KATHNIEL]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon