Hi guys.
So, mula ngayon mapapa-suki na ako sa author's note. Kung ayaw niyo basahin, it's fine, pero I would like to maintain my relationship with you guys not only as an author, but as someone who seeks your opinions.---
SHAUN
I looked at them in disgust.
Ramdam niyo ba? Ramdam niyo ba kung paano ko kayo binabaon ng buhay sa tingin ko?
"GO MSquared! Matthew and Mia for the win!"
Kanina pa ako nakaupo sa bench sa harap ng stall ng Glee at Music Ensemble Club, sa mga naghihingi ng votes para sa Prom King at Queen.
Mula noong na-disqualify kami, mas tumindi ang labanan nila. Tulad nila, nagkaroon din ng stalls ang ibang group para makaboto pati ang juniors sa kanila.
Tumayo ako at lumapit sa may tarpaulin nila na nakalagay silang dalawa na malapit na malapit sa isa't isa. Nakadikit ang parte sa taas sa dulo ng mesa. Ang picture nilang dalawa doon, buhat ni Matthew si Mia ng parang katatapos lang ng kasal nila--mind you, naka puti na dress si Mia at naka tux pa si Matthew--at pareho silang tumatawa. May mga maliliit na fliers na nakapatong sa mesa, ibang picture naman. Nakayakap si Matthew sa bewang ni Mia at tinitignan niya na parang siya lang ang tao doon, at si Mia naman nakangiti sa camera. "MSquared for Prom King and Queen!"
"Itatago niyo ba yung tarpauline?" tanong ko sa kanila. Tumingala sila sa akin at gulat sila na nandoon ako. Dapat lang.
"Para remembrance, oo."
"Wag niyong ila--" labas 'yan dahil susunugin ko kung nakita ko yan dito pagkatapos ng prom, ang dapat ko ituloy kaso may biglang pumunta sa tabi ko at naglagay ng chichirya sa bibig ko. Tumingin ako sa kanya at tinignan siya ng masama.
"Ang sarap di ba? Kain lang. Hehe." hinila niya ang braso ko paupo ulit sa bench. "Wag ka nga. Alam ko na gagawin mo."
Tinignan ko siya ng masama habang inuubos ko ang laman ng bibig ko. Tinignan niya lang ako habang ngumunguya ako. Kumuha din siya sa kanya at kumain.
"Ano ba 'to?" tanong ko ng naubos ko na.
"Shrimp chips." hinablot ko sa kanya ang kinakain niya. "Hoy!"
"Hindi ka pwede nito." bawal sa seafood ang tulad niyang may sakit sa puso (kahit na hindi ako sigurado kung totoo). Inirapan niya lang ako. Pareho silang mahilig umirap ni Liza!
"Lakampake." Sinubukan niyang kunin ang hawak ko pero tinaas ko ang kamay ko para hindi niya maabot. Tumayo siya at inabot ulit pero tumayo din ako at inilagay sa likod ko ang chips. Bago niya pa makuha, hinulog ko sa basurahan sa likod ko. Tinignan lang niya ako ng masama.
"Gusto mong sinasaktan ang sarili mo, ano?" wait. Shoot. Mali. May nasabi ako. Sisisihin niya na naman ang sarili niya. Oo nga pala. Hindi ko talaga maawat ang bunganga ko--
"Hindi, ah! Malakas lang talaga ako." nag-'macho' pose siya pero tumawa din. God, that laugh.
"You're changing."
"I am." binaba niya ang kamay niya at nginitian ako. "For the better."
"Good." nginitian ko lang siya. Hindi na siya tulad ng ibang araw na lagi nalang siyang walang tulog. Pag sa umaga hindi na nakataas ang isang kilay niya habang tumitingin sa paligid pagpasok niya sa school. Nagkaroon ng ibang glow ang mukha niya na hindi ko maintindihan; sa make up, sa ginagamit niyang panghilamos? Hindi ko alam, pero wala akong paki. Mas makakapag-usap na siya sa mga tao, mas tumatawa na siya ngayon. Halatang mas masaya na siya. Kung sino man ang gumawa sa kanya niyan, ang galing niya at nagpapasalamat ako sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/22969937-288-k280301.jpg)
BINABASA MO ANG
Ten Things [KATHNIEL]
Fiksi PenggemarLoving yourself means knowing all your flaws and accepting them.