Pagpasok ko sa university at pagkakita ko kay James, binalibag ko sa tabi niya ang bag ko. "Baliw na siya! Baliw na talaga siya!"
"Sino?" tinawanan niya lang ako.
"'Yang Kathryn Mia Alcantara na 'yan! Pumunta daw ba sa harap ng kotse ko habang nag-d-drive ako?!"
"So kasalanan niya na nasagasaan mo siya?"
"Oo! Nasa gilid ang kotse ko, nasa sidewalk siya na tinitignan ako, inandar ko ang kotse ko at tumalon siya sa harap! How stupid can she be?!"
"Seriously? She is one unique girl."
"Ibang klaseng unique 'yan! She's crazy!"
Pumasok si Kath sa gate ng school at tinignan ako. Tinawanan niya din ako habang papunta sa classroom.
"Dahil diyan sa babaeng 'yan nawalan ako ng kotse for a whole week!"
"It's just one week, man, bear with it."
"Hindi ako marunong mag commute!" tumawa na naman si James. Sinabihan niya ako na magpaturo sa kasambahay namin, si Manang Elizabeth, at sumabay na sa aking pumunta sa classroom.
Di bale, meron na akong strategy para maka-kuha ng isa sa Ten Things.
Pagpasok ko sa classroom, tinaas ko ang kamay ko. "Truth or consequence?"
Nagwala ang buong classroom. Tinignan ko si Mia. Tinignan niya ako ng masama. Alam niya balak ko; pero hindi ako susuko.
Pumunta mga kaklase ko sa gitna at gumawa ng bilog. Umupo ako agad. "Walang KJ!"
Tinignan nila si Mia na nakaupo pa rin sa upuan niya. Umiling siya. "Wala daw KJ Mia, o!"
Hinila siya at napilitan siyang sumali. Nginitian ko siya ng malaki. Umupo siya sa harap ko. Perfect.
Inikot ko ang bote. Tumapat sa kaklase ko. Tumingin sa akin si Mia at nag smirk. Nag-kibit balikat ako. Pagkatapos ng truth nila, inikot ng kasama ko.
Tumapat kay Kath.
Ha! "Ako magtatanong."
Tinignan ulit ako ng masama ni Mia. Nag smirk ako sa kanya. "May dalawa ka bang kapatid?"
Nagbulungan ang mga kaklase ko. Parang nagtaka sila sa tinanong ko. "You're asking the wrong questions. Consequence nalang."
"Kainin mo laman nito." kumuha ako ng pack ng ketchup sa bulsa ko. Tinignan niya ang hawak ko at bigla siyang namutla.
Thing Number 2. Ayoko sa ketchup.
Kinuha niya ang ketchup at kinagat sa taas ang pack. Tinitigan niya muna ang pack bago kainin.
Tinitigan ko siya. Teka... naiiyak ba siya?
Parang nawala ang mga tao sa paligid niya. Tinignan ko siya ng mabuti. May luha sa gilid ng mata niya. Bakit siya naiiyak? Ketchup lang naman. Pero kung naiiyak siya, bakit niya ipagpapalit ang truth niya sa pagkain niyan kung alam niyang maiiyak lang siya? Anong meron sa dalawang kapatid?
Dumuwal siya at agad akong kumilos. Kinuha ko ang trashcan sa klase at inabot sa kanya. Kinuha naman niya iyon at sinukahan niya ng ketchup.
Bigla siyang tumayo at napatingala ako sa kanya. Umiiyak siya. Tumayo din ako at tinignan siya. "Mia, sorry."
Tinignan niya lang ako. Halos tumulo na ang make up niya sa luha niya. Bakit siya nagkakaganun? Bakit napaka-laking bagay sa kanya?
Inasahan ko na ang pagtakbo niya paalis. Susundan ko ba siya? Baka mamaya sampalin pa ako. Baka bigla siyang magalit sa akin tapos hindi na ako paliligawan kay Julia. O palapitin man lang. O baka lumipat sila sa ibang lugar kung saan hindi ko sila makikita.
Well...
I followed her anyway.
Sinundan ko siya hanggang sa clinic. Pagpasok niya, dumiretso siya sa lababo nila at nagsuka. Napakagat ako sa labi ko habang tinitignan ko siya.
Kasalanan ko 'to.
Ang tahimik niya. Akala ko magwawala siya o magrereklamo ng sobra, pero wala. Wala siyang sinabi. Iniiwasan niya ako ng tingin.
"Mia, sorry." sinubukan kong sabihin ulit. Hindi niya pa rin ako pinansin. "Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako pinapatawad."
Hindi man lang siya sumagot. Inayos niya lang ang isa sa kama sa clinic at humiga.
Umupo ako sa kama sa tabi niya. Wala pa rin siyang kibo. Tumalikod siya sa akin. Tahimik pa rin sa clinic dahil hindi din naman nagsasalita ang nurse. Naririnig ko ang hikbi niyang mahina. Bakit siya umiiyak?
"Mia." hinintay ko ang sagot niya. Wala pa rin. Kumuha ako ng tubig at binigay sa kanya. Hindi niya kinuha. Nag-buntong hininga lang ako at inilagay ko sa mesa ang baso ng tubig. Umupo ako ulit sa inupuan ko kanina at hinintay siyang magsalita.
Ilang minuto na ang nakaraan, pero wala pa rin. Tumigil na ang pag-hikbi niya. Siguro pwede ko na siyang kausapin. Pumunta ako sa kabilang side ng kama at umupo sa sahig. Nasa harap ko na ang mukha niya. Nakatulog na pala siya.
Akala mo inosente kung tulog.
Hinawi ko ang buhok niya at nilagay sa likod ng tenga niya. Pulang-pula ang mukha niya, mas lalo na ang pisngi niya. Wala pala siyang make up sa mata. Natural ang hugis ng mata niya? Akala ko hindi.
Marami nga ba akong inakala sa kanya na hindi totoo?
Sa bibig na siya humihinga. Dahil siguro sa pagka-barado ng ilong niya. Nakita ko kung paano siya huminga... nahihirapan siya.
Napatingin ako sa labi niya.
Hindi ko alam kung mas may ipupula pa ang labi niya. Araw-araw siyang nagli-lipstick na kulay pula, at kwento sa akin ni James, mas magaling daw humalik ang ganoong babae.
Naramdaman ko bigla ang init ng pisngi ko. Nakakahiyang isipin. Nilayo ko ang mukha ko kay Mia at hinintay nalang siyang magising.
Napadilat ako sa pagtunog ng ring ng bell. Nakasubsob pala ako sa kama ni Mia. Hindi pa ako nakakaalis sa pwesto ko kanina. Teka, nawala siya! Saan siya napunta?!
Tumayo ako. Hindi ko pinansin ang sakit ko sa likod ng lumingon ako sa paligid ko. Tinanong ko ang nurse kung nasaan siya at sinabi niyang kararating niya lang kaya hindi niya alam kung saan napunta si Mia.
Tinignan ko ang mesa. Ubos na yung tubig na binigay ko. Ininom niya. Pero saan siya pumunta?
Binuksan ko ang pinto ng clinic at hinanap si Mia. Wala siya sa hallway. Nagpasalamat ako sa nurse at sumugod sa cafeteria. Wala pa rin siya!
"Shaun?" tumalikod ako. Si Mia!
Si Julia pala.
"Shaun." lumapit siya sa akin. "Is everything okay? Bakit ang gulo ng buhok mo?"
Inayos ko ang buhok ko at umiling sa kanya. "W-wala 'to. Kumain na tayo?"
Tumango siya at umupo na kami sa pwesto namin. "Nagpaalam sa akin si Mia. Sabi niya uuwi na siya. Bakit kaya?"
Umuwi?
Bakit siya umuwi?
BINABASA MO ANG
Ten Things [KATHNIEL]
FanfictionLoving yourself means knowing all your flaws and accepting them.
![Ten Things [KATHNIEL]](https://img.wattpad.com/cover/22969937-64-k280301.jpg)