13 - "Ako po si Sadako."

1.2K 16 1
                                    

Mia

"Prom is coming!"

Nagsigawan lahat ng clubmates ko sa quarters namin.

"This year, magkakaroon ng ibang method." Ngumiti ng malaki si Miss Alvares, ang advicer namin sa Musical Ensemble. "Instead of volunteers, manggagaling sa club advicers ang mga pipiliin para sa Prom King and Queen. And yes, that means, per two clubs ang makakasama."

"Two clubs?" May magtanong.

"Yes. Dahil ang clubs ang magbibigay ng pondo para sa gown, suit, posters, etcetera para sa mapipili, mas maganda kung one person per club."

"One person? So, isang club para sa King, yung isa sa Queen? Bakit hindi nalang hiwalay lahat ma'am?"

"Sa chemistry ng dalawa ang magpapapanalo sa kanila." Tinignan ako ni ma'am. Hala, ako ba? Wala namang tao sa likod ko.

"Bakit po per clubs this year? Ano po ba makukuha namin kung mananalo tayo?"
"Kung mananalo tayo, ang school ang magiging sponsor ng booth natin for the intramurals at halos ten thousand ang funds!" Ten thousand?! Para sa booth?! Whoa! Ang dami naming pwedeng gawin! "Also in collaboration with the partner club, of course. At bonus pa, libre lahat ng hotel rooms para sa overnight pagkatapos ng programme, pati na rin ang beach rides ng buong club!"

May naririnig ako na sa resort kami magp-prom this year. Grabe! Ayos 'to! Pagkatapos ng lahat ng paghihirap na mararanasan ng representative, makakapag relax na siya pagkatapos ng Prom!
"Not only that, may priviledge pa ang nanalo na pumili ng dalawang students from a different club to join us!"

Ang dami! Hala. Kailangan namin manalo dito! Sino kaya representative namin?

"Nakapili na po ba kayo para sa representative natin ma'am?" Tanong ko pagtaas ng kamay ko.

"Yes. Ikaw ang representative natin for Prom Queen."

Nanahimik kami lahat.

--

"Ma'am, hindi po 'to tunay kong mukha. Ako po si Sadako."

"Mia, I don't care if you're secretly Sadako or Annabelle. Basta suotin mo 'yang mukha mo pag nandito ka, pwede na."

"Pero may expiration date 'to ma'am."

Tumawa siya, tumigil sa paglalakad at humarap sa akin. "You can do this. Hindi ikaw ang pipiliin namin kung hindi mo kaya."

"Hindi ko po kaya ang pressure."

"Shaun's there to help you."

"Shaun?"

"Yung partner mo."

"PO?"

"Ayan na siya." Tumingin siya sa likod ko at napatalikod na din ako.

"Hi, Mia." Oh...

"Hi." Ngumiti siya. Hala. Ang gwapo.

"Naaalala mo pa ba ako?" Oo naman. Sinong hindi?

Tumango ako. Lumaki ang ngiti niya. Ang puti ng ngipin niya!

Inabot niya nag kamay niya sa 'kin. "Shaun Mendoza. Shaun with a W."

Ay, Shawn pala.

"Mia Alcantara. Mia with a M." Kinuha ko ang kamay niya at nakipag-shake hands.

Tumawa siya. "It's nice to finally meet my queen. And with sense of humor. I like you already."

"Ah," nahiya ako bigla! Nawala na si Miss Alvares sa likod ko. "Thank you."

Ten Things [KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon