12.2 - "Two days."

1K 16 2
                                    

Kinalkal ko ang bag ko para hanapin ang peanuts ko.

Kailangan ko ng distraction. Ayokong umiyak.

Ang sikip ng dibdib ko. Ulit. Lagi nalang. I looked around. Yung mga tingin nila, mas lumala; daig pa nilang nakakita ng multo o palaka.

Parang nawalan ng oxygen sa paligid ko. Hindi man lang ako makahinga ng malalim. May humaharang sa paghinga ko. Nang-itim na ang paningin ko. My head feels like it's being crushed.

Halos hindi ko maramdaman ang paa ko. Nanghihina na ko.

I dropped.

"Whoa, there."

Nasalo ako galing sa likod ko, pero hindi ko nakita kung sino dahil paunti-unting nawawala ang diwa ko.

"Mia?"

Huh?

"Mia, ako 'to."

What? What happened?

"It's Liza. Please wake up."

Hindi ko mabuksan ang mata ko. Nahihilo pa rin ako. Ano ba nangyari sa 'kin?

I cleared my throat.

Biglang nagkaroon ng ibang boses. Ate? James? Sharlene? Dad?

Nasaan siya?

"Gising ka na!" boses ni ate.

"Malamang, ate. Automatic ba 'yan?" binatukan niya siguro, binabawalan siya ni mommy eh.

Ginawa ko ang makakaya ko para mabuksan ang mata ko. Nandito sila lahat, pati daddy at mommy ni Julia.

"Si Julia?" parang nagasgas ng sandpaper ang lalamunan ko. Nagtinginan si ate at Liza.

"Wala siya, ate. May kailangan daw asikasuhin." Tukoy ni Sharlene.

Tumingin ako sa paligid ko. Pumunta ba siya?

"Not here." Sabi ni James. Tumango ako.

"What time is it..." tumingala ako. Teka, nasaan ako? Tumingin ako sa tabi ko. Oxygen tank? Yung kamay ko... may dextrose. What? Bakit?

"Anong ginagawa ko dito?"

"Umiral na naman ang sakit mo n'ong nasa school ka," sabi sa akin ni mommy. "Huwag kang mag-alala, pina-imbistiga na namin ang salbaheng nasa likod ng nangyari."

"Ma, okay lang ako. Matatapos din--"

"Hindi ako papayag na gaganunin na lang ang anak ko." Niyakap ako ni mommy at hindi ko maiwasang mapatingin kay Liza. Umiling siya.

What? Anong nangyayari? Alam niya ba kung sino?

"Thank you, ma."

Umupo siya sa tabi ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya. Nginitian ko siya.

"Ilang oras akong tulog?"

"Two days," James... wait.

"Two hours?"

"Two days."

Tinignan ko si Ate para sa confirmation.

Tumango siya.

Napasandal ako sa pillow ko.

Okay then.

Inexplain nila na nahimatay ako sa school dahil daw sa sakit ko at sa fatigue. Kulang na daw ako ng tulog (paano nalalaman ng doctor yun?) at kailangan ko na daw tigilan ang masyadong physical activity ng walang supervision.

Ten Things [KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon