6 - "Mukha akong prostitute!"

1.3K 19 0
                                    

Si Mia ang una kong nakita pagpasok ko ng simbahan.

Buong linggo niya ako hindi pinansin at tahimik siya sa klase.

Nakakapanibago.

Pero ayoko nang magalit siya. Baka mamaya... ma bad shot pa ako sa pamilya niya.

Yun lang ba?

Sinumbong niya ba ako? Buong linggo namang walang sumusugod sa bahay ko kaya hindi naman siguro. Ano kaya pumasok sa isip niya no'ng umuwi siya sa bahay niya? Ayos lang ba siya?

Napa-hinga ako ng malalim.

Bahala na.

"O, Shaun!" tawag ng mga kasama kong lalaki. "Andito ka na pala. Tara!"

Inakbayan ako ng isa at kinausap. Nagpapatawa sila't lahat pero hindi ako makatawa ng malakas kasi napapasulyap ako kay Mia at nakikita ko ang expression niya.

Lahat ng 'to para lang sa ketchup?

Dumating na ang conductor maya-maya at nagsimula na kami. Kinuha ni Mia ang gitara at tumugtog.

Sinubukan kong tanggalin ang isip ko sa pag-aalala kay Mia at tinignan ang gitara na hawak niya. Kung subukan ko kayang mag volunteer sa pag-gitara? Pero si Mia na yung tumutugtog... teka nga! Akala ko tinatanggal mo?! Tss.

"Nagtatampo girlfriend mo?" tanong sa akin ng katabi ko.

"Hindi ko nga girlfriend." bulong ko pabalik.

"Weh? Eh bakit ganyan ka makatitig?" bulong naman ng sa kabila ko.

"Tss. 'Wag nga kayong malisyoso."

"Uyy, tinitignan niya pa rin!" napaiwas ako ng tingin kay Mia dahil sinabi nila ng malakas. Mga pahamak pala mga 'to! Nag-ayiee naman iba naming kasama at napatingin ako kay Mia. Tumingin din siya sa akin. Saglit lang ang tinginan namin ng tumingin siya palayo. Sinubukan ko nalang mag-concentrate sa pag-kanta.

Pagkatapos ng misa, agad kong hinanap si Mia at dahil katatapos lang ng misa nakita ko siya agad. Kinuha ko ang pulso niya at napatalikod siya. Lumaki ang mata niya ng tinignan niya ako.

"Mia. Sorry na." tumingin siya sa paligid. May nakatingin pala sa amin.

"Bitawan mo nga ako." kahit na masaklap ang sinabi niya, naganahan ako. Makakausap na niya ako.

"Sorry na kasi." hindi ko pa rin siya binibitawan. Hinayaan kong tignan kami ng mga kalalabas lang ng simbahan. Alam kong ayaw niya ang PDA kaya mapipilitan siyang hilain ako papunta sa mas private na lugar.

At ginawa nga niya! Ayos. "Anong kailangan mo?" niluwangan ko ang hawak ko sa kanya kaya nahila na niya paalis ang kamay niya at inekis niya ang braso niya.

"Hindi ako titigil hanggang di mo ako pinapatawad."

"Bakit ba pinipilit mo 'to?" nagpamewang siya. "Ayaw mo 'yun? Tinigilan na kita kaya makakapag-bonding na kayo ng nililigawan mo?"

"Paano ko malalaman yun ng nilalamon ako ng konsensya ko?"

"Lecheng konsensya 'yan, nahuli na!"

"Nasa huli ang pagsisisi." nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ko at nag-kibit balikat. Tinignan niya lang ako. "Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako."

"Lahat?"

"Lahat."

Tinitigan niya ako. "Lahat?"

Ten Things [KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon