7 - "Lagi kong inaabangan ang ngiti niya."

1.3K 23 0
                                        

Dumaan ang ilang linggo, umayos na rin kami ni Mia. Nag-aaway pa rin, siyempre, dahil sa pagka-over protective niya kay Julia. Pero maayos na.

Pumasok ako sa school mag isa dahil pinagbawalan ako ng pamilya niya na sunduin si Julia (I know they're starting to love me, ayaw lang nila aminin) at nakita ko si Mia. Nagkatinginan kami saglit. May kasama siyang babae, si Liza Rivera ata. Kaklase ko siya ng second period. Pagkakita niya sa akin, nag belat siya. Medyo nabigla ako sa ginawa niya, pero bigla nalang akong natawa. Napatawa rin siya.

"Three weeks palang." sabi ni James sa tabi ko. "Nagkakaganyan na kayo. Tsk, tsk."

Tinignan ko siya at nag scoff. "Bahala ka nga diyan."

Tinawanan niya lang ako. Binatukan ko lang siya at sabay na kaming pumunta sa classroom.

"Konting tiis nalang, Shaun, ha?" nginitian ako ni Julia. Sabay ulit kami nag-lunch ngayon; araw-araw naman.

Nginitian ko rin siya. "You're worth the wait."

At doon dumating si Mia. Kinulit na naman niya si Julia, but this time, nakisama ako.

Tatlong linggo na nga ang nakaraan pero hindi ko pa alam kung kumakanta ba talaga si Mia o tumutugtog lang ng piano. Pinipilit niyang mag-gitara at sa tuwing tinatanong ko ang iba naming kasama sa choir tinatawanan lang nila ako. Sinabihan siguro niya.

Pagpasok ko ng balcony ng church kung saan kami kakanta, nakita ko si Mia na nakangiti sa mga kasama namin. Nasa harap siya ng piano. Hindi ko alam kung tumutugtog siya o ano, dumating kasi ako ng walang naririnig na tunog ng music. Pagkakita ko sa kanya, nakita ko ang saya sa mata niya hindi tulad n'ong nag-usap kami sa ice cream shop three weeks ago. Lagi kong inaabangan ang ngiti niyang ganun tuwing pumupunta kami dito dahil alam ko na sa mga oras na 'to, doon palang siya nagkakaroon ng tiwala sa sarili niya. Sa mga pagkakataon na 'to, alam niyang magaling siya sa ginagawa niya, at para sa isang taong mababa ang self esteem, nakakatuwa.

"Baka matunaw si Mia." napatalon ako sa boses ni Diego, isa sa mga kasama namin. Sa lakas ng boses niya, napatingin sa amin lahat ng kasama namin sa choir. Bumungisngis (fact of the day: translation: giggle) ang mga babae at nagbulungan.

"Pinsan ko ang nililigawan niyan," sabi ni Mia sa likod nila. Tumingin sila sa kanya. "Hindi kami talo."

Bumalik sa akin ang tingin nila at lumaki ang mata nila na parang hindi sila mapaniwala. Nag kibit-balikat nalang ako at pumunta sa pwesto ko. Doon dumating and conductor namin at nagsimula na kami sa practice.

Pagkatapos ng misa, pinuntahan ako ni Diego.

"Sigurado kang hindi mo nililigawan si Mia?" tanong niya sa akin. Tumango ako.

"Oo. Bakit?" ngumiti siya ng malaki at tinignan si Mia.

"Wala lang." pinuntahan niya si Mia. Nabasa ko sa labi niya ang "hello" pero hindi ko na narinig ang susunod nilang pinag-usapan. Bigla nalang silang lumabas ng sabay.

"Wag kang galit," sabi ni Aria, isa sa choirmates ko. "Hindi siya ang nililigawan mo."

Tumawa sila ng mga kasama niya. Sabay-sabay silang umalis.

Mukha ba akong galit?

Hindi ko na nakita si Mia hanggang sa susunod na Monday. Hindi na kami nag-aaway, pero hindi na rin kami masyadong nag-uusap. Nagtaka nga ako dahil pagdating ng lunch break, hindi na niya kami pinuntahan ni Julia. Sinabi ni Julia sa akin na baka daw may tiwala na siya sa amin kaya hindi na siya sumasama at siguro tama nga siya dahil mula noon nakikita ko siya tuwing lunch na kasama niya si Liza at ang iba pa niyang kaklase.

Ten Things [KATHNIEL]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon