LIZA
She looked at me and smiled.
"I deserved it."
Hindi ako nagsalita. Pareho naming alam na matagal na naming issue 'yon, hindi lang namin masabi. Ang pananakit niya siyempre mali, pero yung mga sinasabi niya... hindi ko aakalain na sa kanya pa matututo si Mia.
"I'm so sorry, Liza," tinakpan niya ang mukha niya. She gasped at tinignan ang kamay niya. Dumugo ang pisngi niya sa sampal ni Julia. Nabaon ata kuko niya sa pisngi niya.
Siya ba ang tinutukoy ni Shaun?
"It's okay." Nilapitan ko siya at niyakap. Hindi niya alam na darating lahat ng 'to. "Kailangan natin sabihin 'to sa principal."
"Okay lang." Niyakap niya din ako. Basa na ang balikat ko. "I'm okay. May nakuha naman ako."
"Pero sinaktan ka niya."
"Kung hindi niya ginawa 'yun, I would still be an idiot."
Napa-buntong hininga nalang ako.
"I'm sorry, Liza. Dahil dito sa doubt ko sa sarili ko, nakakalimutan kong pahalagahan kayo." hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. "Nakakalimutan kong may nagmamahal nga talaga sa a-a-akin."
Nagsimula na siyang mag stutter. Hinaplos ko ang likod niya at nag buntong hininga ulit. "I'm always here for you."
"Salamat na hindi m-mo ako i-iniwan." parang nakaramdam ako ng bigat sa heart ko. She doesn't know how much we care. "Mahal n-niyo ako. Alam ko n-na ngayon. Salamat. Thank you. I'm s-sorry."
"Lahat kami magmamahal sa 'yo, Mia. Mahalin mo ang sarili mo at matututo ka ding makita kung gaano ka namin kamahal."
"Paano si Julia?"
"May--"
"Mia?" boses ni Shaun ang narinig ko sa speakers. "Mia Alcantara. Where the damn are you? Pumunta ka dito. Nasa DJ's booth ako."
Bumitaw ako. Tumingin si Mia sa paligid.
"Again. Paging Kathryn Mia Siy Alcantara. Pumunta ka dito sa loob ng dalawang minuto o hindi ako maglalaro ng susunod na game."
Tinignan ko si Mia. Pinunasan niya ang mata niya.
"Bastos talaga 'yang hinayupak na 'yan" lang ang sinabi niya bago siya tumakbo palayo.
SHAUN
Nasaan na ba yung babaeng 'yun? Kanina pa siya. Natapos na yung unang game namin, wala pa rin siya. Hindi ako mapakali kanina pa. Ayos lang ba siya?
"Shaun!" Naramdaman kong tumigil ang pagtibok ng literal kong puso sa pagtawag sa akin ni Mia. Nasaan siya? Nasaan?
Naramdaman ko nalang na kinuha ang dalawang pisngi ko at hinalikan ako sa labi.
The warmth... the delicate way she crashed her lips with mine.
Mia.
Lahat ng pagod ko, nawala. All I could feel was her lips and her back as I caressed it. I hugged her waist, pulling her closer. She gasped. I smiled. Bumitaw siya at tinignan ako sa mata.
Umiyak siya?
"Don't," ang bulong niya at hinalikan ako ulit. Doon ko naramdaman ang malakas ulan.

BINABASA MO ANG
Ten Things [KATHNIEL]
FanfictionLoving yourself means knowing all your flaws and accepting them.