2 - "Asan yung utak ko dun?"

2.5K 32 5
                                    

She knows my name.

"Well, ngayon alam ko na kung gaano ka kabilis mag give in sa temptation."

At as if on cue, dumating ang teacher namin.

Pagkakataon nga naman, pinagtabi pa kami.

Pinakilala ang babae sa harap. "Everyone, this is Kathryn Mia Alcantara. She transferred here from Northwest University."

Tumingin siya sa akin at nag smirk. Muntik ko nang makagat ang sarili kong labi. "Pinsan ako ni Julia Siy."

Lumingon lahat ng kaklase ko sa akin. Pinigilan ni James ang tawa niya at napalubog ako sa upuan ko.

Mababaliw na nga ata ako.

Buong klase, natamdaman ko ang titig ng mga kaklase ko pati na rin kay Ma'am. Gusto ko na malunod sa lupa. Ang laking kahihiyan ng nangyari kanina.

Ano masasabi ni Julia sa akin kung nalaman niya?

Pag-ring ng bell, kaagad kong kinuha ang gamit ko at lumabas na ng classroom. Hindi pa ako nakakalayo, may humablot na sa braso ko at tinalikod ako.

Siya.

"Nililigawan mo daw pinsan ko?"

Hindi ako makapag-salita. Ngayon ko lang na-realize na mula noong nagsimula ang klase, wala akong kibo. Tumango lang ako.

"Ayoko sa 'yo," straightforward niyang sabi.

"Ano?" Napalitan ng inis ang hiya na naramdaman ko. Hindi pa nga ako nakikilala, hindi na agad boto?

"Umaasa ka pa bang boboto ako sa 'yo pagkatapos ng nangyari kanina?"

"Anong kanina? Yung binaboy mo ang sarili mo o yung nakipag landian ka sa manliligaw ng pinsan mo?" nainis na ako sa ugali niya. Minamaliit niya ako hindi pa naman niya ako kilala!

Ngumunot ang noo niya sa galit. "Yung dapat may mahal ka, bumibigay ka naman sa iba."

"Umaasa ka bang kakailanganin kita sa panliligaw ko kay Julia?"

"Hindi ako umaasa dahil alam kong kailangan mo ako, Shaun."

"Let's see about that."

"Oh, we will." Nag-smirk siya ulit at naglakad paalis.

Narinig kong tumawa si James sa likod ko. Humarap ako sa kanya.

"Hindi mo naramdaman, dude?"

"Ang alin?"

Pinakita niya ang kamay niyang nakasara at biglang tinaas ang pointing finger. Hindi ko naintindihan ang ginawa niya hanggang tinaas-baba niya ang kilay niya.

"Mandiri ka nga sa sarili mo." Umiling ako at naglakad papuntang classroom ko. Narinig ko na naman siyang tumawa.

"So..." Umubo ng konti si Julia at tinignan ako. "How is she?"

Nag-scoff ako. "Horrible."

"Sorry sa kanya, Shaun. Ganun talaga siya."

Natural siyang bipolar? "At napagtyatyagaan mo pa yun?"

"Ganyan buong pamilya ko."

Seriously? "Hindi daw siya boto sa akin."

"Kahapon ka palang naman nagsimula eh, makukuha mo rin boto 'nun. Medyo mahihirapan ka lang dahil sa kanila."

Ten Things [KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon