21 - "Masaya pa siya, habang ako nahihirapan."

670 18 0
                                    

MIA

One word.

"Cotillion."

Pumasok ako sa gym para sa practice. Bawal kaming mag-usap ng prom date ko. Sinigurado ni Matthew na ipa-alala sa akin yon. Paano kami niyan...

"Shawn Mendoza and Shaun Natividad, exchange partners." Pati dito, paghihiwalay din kami? Teka, ano nga bang in-expect ko? Pinagbawalan na kami ni Daddy. Ang mas malupit, si Matthew pa ang magiging so-called "bodyguard" ko hanggang graduation. Bakit siya? Hindi naman siya kilala ni Dad, ah.

Nginitian ako ni Matthew pagdating niya sa tabi ko.

Parang may mali.

Hindi magkakaganito si Dad kung walang malalim na dahilan, hindi lang dahil sa nangyari nung birthday ni Shaun. Ako ang pinaparusahan niya sa mga ginawa ko; I mean, ako rin naman ang may kasalanan at nakita niya din 'yon. Pero bakit si Shaun ang dinamay niya? Naghanap lang ba siya ng paraan para sisihin si Shaun?

Pero bakit? Tyaka, teka, hindi naman pumupunta sa backyard si Daddy ah. Yun ang dahilan kung bakit dun ko nilagay ang surprise ko. Hindi rin naman madaling makita yung butas sa doorknob mula sa loob...

Planado lang ba ang lahat?

Imposible. Kung anu-ano nang iniisip ko! Kung planado, eh di kasabwat ni Dad ang mga kapatid ko! Hindi pwede yun, boto sila kay Shaun. Kaya imposibleng planado ang nangyari. Ang kailangan ko lang malaman, kung bakit siya pumunta sa likod--

"Mia?" Ha? Nabalik ako sa katotohanan ng tawagin ako ni Matthew. Lumingon ako sa kanya.

"Hm?"

"Tapos na daw ang practice." Tumingin ako sa paligid ko. Wala na sila. Hay! Natulala ako masyado!

"Ay hala, sige tara." Tumakbo ako papunta sa bleachers. Ang bilis natapos! Napalingon ako kay Shaun. Katabi niya yung naging partner ni Matthew; si Sofia Bansil. Kasali siya sa volleyball club. Sa kanya yung schedule na ginagamit ko ngayon, at mukhang wala pa man, close na sila ni Shaun.

The butterflies went beserk. He's laughing. Masaya pa siya, habang ako nahihirapan.

SHAUN

"Tumawa ka." Sabi sa kin ni Sofia.

"Ano? Bakit?"

"She's looking at us. Tumawa ka na parang nagsabi ako ng nakakatawang joke." Nag panic ako. Gagawin ko ba? Si Mia tinutukoy niya? Hindi na ako nakapag-isip, nagsimula siyang magbilang. "One, two, three!"

Tumawa kami pareho.

Doon ko palang siya napansin. Nasa ilalim siya ng bleachers, kasama si Matthew. At magkahawak sila ng kamay. Lumingon ako sa kanila at nakita kong hinigpitan ni Matthew ang hawak niya. Tumingin si Mia sa kanya.

She smiled. Masaya pa siya, habang ako nahihirapan.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin malaman kung ano nga ba ang naramdaman ni Mia noong pinaghiwalay kami. Papunta palang ako sa kanya ng biglang nag-announce ang instructor na magpalit kami ng partners. Tumingin siya kay Matthew, pero hindi ko makita kung ano ang naramdaman niya. Lihim niya bang nagustuhan? Lihim niya bang kinahiya na ako ang partner niya?

Hindi... sinabi niya mahal niya ako. She told me. Hindi ko lang nasabi pabalik kasi binuksan ni Tito--Sir Francis ang pinto. I should have told her. Kahit na dumating pa siya.

"Hey." Napatingin ako kay Sofia. Kasama ko pa pala siya. "Okay ka lang ba? Kung kausapin mo kaya siya?"

Umiling ako. "Hindi pwede, pinagbawalan kami ng daddy niya."

"Bakit naman?"

"She kissed me." Yun nalang ang sinabi ko.

"Pero ikaw ang pinalayo? Grabe naman." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Magulang naman kasi ni Mia ang nagsabi... parang walang respeto kung hindi ko susundan.

Pero bakit kailangang layuan ko siya ng ganito? At bakit si Matthew pa ang pinagpalit niya? Andiyan naman si Liza. Bakit hindi sila nag-uusap? Hindi ko pa sila nakikitang magkasama.

Subukan mo lang agawin sa akin Mia, malalaman mo ang ibig sabihin ng pagdurusa.

Naghiwalay ang dalawa at pumunta si Matthew sa locker room kaya nagpaalam ako kay Sofia para pumunta doon. Hinintay ko muna siyang makarating doon bago ako naglakad.

"Anong balak mo sa kanya?" Tanong ko pagpasok ko ng banyo. Sinara ko ang pinto.

Tinawanan niya lang ako ng nakaloloko. "Daniel. I should have known."

"Anong balak mo?" Ulit ko.

"I'm helping her with what her father wants her to do."

Paano niya nalaman 'yon?

"I'm simply taking her away from you."

MIA

Nakita kong sumunod si Shaun pagpasok ni Matthew sa banyo. Kinakabahan ako. Paano kung mapahamak sila? Paano kung may mangyari doon sa loob na hindi ko magugustuhan?

"Mia!" Narinig kong tawag sa akin ni Liza. Kasama niya si James pero pumunta din siya sa banyo. Malaking gulo talaga 'to.

"Oh?" Umupo siya sa tabi ko. Pumasok na si James sa locker room ng lalaki. Anong gagawin niya doon? Teka, si Sofia yun ah. Sumilip siya sa loob dahil bumukas na ang pinto ng banyo.

Sumigaw si Shaun.

Hindi ko napansin na bumababa na pala ako. Bahala na. Tumakbo ako papunta sa kanila. Naririnig kong tinatawag ako ni Liza sa likod ko pero hindi ko siya pinapansin.

Pagkarating ko doon, hinihila ni James si Shaun palabas ng locker room habang sinusubukan niyang lapitan si Matthew. "Bitawan mo ako!"

SHAUN

"WALANG HIYANG GAGO! TIGILAN MO SIYA! Isang beses ka pang magsalita ng ganyan, put--"

"Matthew!"

May pumunta sa tabi ng papatayin ko.

Mia.

"Matthew, okay ka lang ba?" Tanong niya sa kanya at tinayo siya. Tinignan niya ako ng masama. "Ano bang ginawa niya sa 'yo, ha?!"

"At kinakampihan mo pa 'yang tarantadong yan!" Sigaw ko. Tumingin ako kay Matthew. "Subukan mo lang gawin yon, hahanapin kita. PAPATAYIN KITA!"

Hindi ko mapigilan ang naramdaman ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Uminit ang buong mukha ko. Tinignan ako ni Mia na parang hindi na niya ako kilala. Anong nangyayari sa akin?

"Bitawan mo ako." Mahina kong sabi kay James. Lumuwag ang hawak niya sa braso ko.

Naglakad ako palabas ng gym.

Nawala ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang sinabi ko. Hindi ako ganoon. Hindi ako ganoong klaseng tao. Kahit banta lang 'yon.

Sinong hindi iinit ang ulo sa sinabi niya?

Pasasamantalahin niya si Mia?

Hindi ako papayag.

Hindi pwedeng siya ang ipapalit sa akin ni Mia.

Akin lang siya.

Ten Things [KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon