1 - "She is so mine."

2.9K 41 3
                                    

"Good morning, baby!"

"Good morning, Shaun."

Kasisimula ko lang manligaw kay Julia bago yung araw na 'yon. Umamin ako sa kanya na gusto ko siya at hinatid ko siya pauwi kaya ngayong umaga sinusundo ko siya. Pero mukhang pagod na pagod siya kaya tinanong ko siya kung ano ang nangyari.

"Shaun," sabi niya at nginitian ko siya. Gustong-gusto ko ang tunog ng pangalan ko sa labi niya. "Kahit anong mangyari wag kang mababaliw, ha?"

Biglang nawala ang ngiti ko. Ano daw?

Nag buntong-hininga siya at humarap sa daan. "Darating ang pinsan ko ngayon."

"Sa atin ba siya mag-aaral? Gusto mo sunduin ko rin siya?"

"No," agad niyang sagot. "No. Umm, papakilala kita sa kanya mamaya."

Binuksan ko ang engine ng kotse. "Anong ikababaliw ko 'dun?"

"Medyo... protective siya."

"Ayos lang. Para sa 'yo, gagawin ko lahat para bumoto siya sa 'kin." Tinignan niya ako ng parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi kaya ngumiti nalang siya kaya nag drive nalang ako.

Pagdating sa school, pinuntahan na kami ng sarili naming kaibigan. Nagpaalam ako kay Julia bago kami umalis ni James papunta sa sarili naming classroom.

"Dude, have you heard?" Sabi niya. "May bagong student. At ang balita ko, she's damn hot."

"Wala na ako interest diyan." Sagot ko.

"Oo nga pala, loverboy ka na." Tumawa siya ng parang ikinahiya niya ako bigla. "Anyway, cousin daw siya ni Julia, so I got dibs."

"She's all yours, man." Siya ba yung sinasabi ni Julia na protective niyang pinsan? Well.

"Sinabi niya ba sa 'yo?"

"Oo. Kanina lang. Parang iniiwasan nga niya eh," at bumukas na ang pinto ng classroom namin.

Napa ngunit ang noo ko ng makita kong nakatipon sa gitna lahat ng lalaki na parang may tinitignan sila. Yung iba nakatayo na nakayuko kaya hindi ko makita kung ano ang pinapaligiran nila. Naiwan sa isang sulok ang mga babae, nakasimangot.

"Porn?" Bulong ni James sa akin.

Biglang umatras lahat ng lalaki at napaupo.

Tao ang tinitignan nila.

Isang babae.

Baka magkasala ako sa Diyos kung sasabihin ko ang itsura niya sa mata ko.

"She is so mine," tukoy ni James.

At sa sandaling pagkakataon, muntik na akong umangal.

Tumayo ang babae at tinignan ako. Ako ba? O si James? Hindi ko alam. Nawalan nalang ako bigla ng hininga. Whoa.

Tama nga ang sinasabi nila.

Naglakad siya papunta sa akin-sa amin-sa akin-di ko alam. Pakiramdam ko parang na-hypnotize niya ako.

Whoa.

"Baka tumulo laway mo..." Sabi niya sa akin. Ngumiti siya at kinagat niya ang lower lip niya. Parang pinipigilan niyang ngumiti. "Daniel Shaun Natividad."

Ten Things [KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon