20 - "Mister Menstruation."

703 13 0
                                    

SHAUN

May mga pagkakataon na masaklap ang timing mo.

Sa love, minsan tama ang tao, mali sa oras.

Sa school, pag nag absent ka may mangyayaring maganda.

Sa bahay, pag may lakad sila, busy ka pa sa ibang bagay.

Pero wala nang mas lalala pa sa wrong timing ng tatay ni Kathryn Mia Alcantara habang nakapatong siya sa akin sa kwarto sa likod ng bahay nila.

"T-tito!" Umupo ako at nalaglag si Mia galing sa tiyan ko. Thud!

"Mia!" Aalalayan ko na sana siya--sinamaan ako ng tingin ni Tito Francis.

"Tito, I can explain!"

"I-explain mo ang pinag-gagawa mo sa anak ko!" Tumingin siya sa mesa kung nasaan ang mga bote at kinuha ang mga ito saka inamoy.

Tinignan niya ako. "Bakit mo siya pinainom?! May balak ka bang i-rape si Mia?!"

"Wala po!" Tatayo na ako kaso biglang pumunta sa tabi ko si Mia na parang malambing na pusa at niyakap ang braso ko. Humarap ako ulit kay Tito.

"Tito--"

"It's sir." Demanda niya.

"Sir, wala po kaming ginagawang masama--"

"Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan pagkatapos ko kayong mahuli!" Nanggigitgit na ngipin niya. Humigpit ang hawak niya sa baseball bat... Gulp. "Gagawa kayo ng anak sa likod ng pamamahay ko?!"

"Hindi po sa ganun, sir--" hindi niya ako pinakinggan.

"Mia!" Sigaw niya. "Halika rito!"

"Eeeeh..." Tinignan niya ako at kinagat ang labi niya. "Baby, ang ingaaaaaaay."

BABY?! Ayoko na. Ilunod niyo na ako sa lupa. Gusto ko nang lumipad para makaalis na rito. Gagawin ko ang lahat makatakas lang sa nakakahiyang pagkakataon na 'to!

"Kathryn!" Nagdabog papunta sa amin si Sir at hinablot ang braso ni Mia na hindi pinapansin ang sinabi niyang 'aray naman' bago bumalik sa pinto.

"You are not allowed to hang out or talk to my daughter again!" Sigaw niya sa akin. "Not tonight, not at school, especially not at PROM NIGHT!"

Binagsak niya ang pinto.

Happy Birthday, Shaun.

"Get out of my TERRITORY!"

MIA
The next morning...

SHEEEEEET.

ANG SAKIT NG ULO KO.

Anong nangyari? Bakit ako nasa kwarto ko? Wait... Yung surprise ko kay Shaun! Kailangan ko nang pumunta--teka. Umaga palang? Huh? Ano nangyari--HALA. MARCH NA! Ano 'to? Bakit may CD dito...

SIOMAI MAKEOUT SESSION

Siomai... Kami ni Shaun yun ah. Anong make... out...

Nag play ang video at biglang pumasok sa alaala ko ang lahat.

Hala. (.__.")

SHAUN

Seryoso kaya siya sa sinasabi niya?

Imposible. Hindi pwedeng hindi kami mag-usap ni Mia. Magkapareho kami ng first at third period. Ako ang prom date niya. Ako pa naghahatid sa kanya pauwi. Think positive, Shaun. Kaya niyo 'to. Na cut off ka lang na sabihin ang nararamdaman mo, hindi ibig sabihin nun hindi mo na masasabi ng harap harapan.

Ten Things [KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon