12.1 - "More than just a pretty face?"

870 15 1
                                    

This chapter contains languages not suitable for people under 15 years old. Please skip if you still want to be innocent. I will try to explain the details on the next (half) chapter. Thank you.

--------

Julia

"Julia, I can explain."

"No, Shaun. Tama na. Masyado nang masakit."

"Hindi ko siya gusto."

Napatalikod ako sa kanya. Pagod na akong tumakbo. "Hindi mo siya gusto? Shaun, naririnig mo ba ang sarili mo?"

Hindi siya nagsalita. Halata sa kanya na naguguluhan siya. Anong ginagawa niya sa sarili niya?

"Ayoko na, Shaun. Huwag mong sabihin 'yan."

"Ang alin? What do you want me to say?"

"Tell me what you really feel."

Tinitigan niya na naman ako. Nilapitan ko siya. "Tell me."

Tumingin siya sa mata ko at huminga ng malalim. "I want to be with her."

What?

No. Hindi pwede. Not again!

"I warned you. Akala ko ba mahal mo ako?" Bulong ko sa kanya. I don't want to make a scene. "Pagkatapos ng lahat?"

"Lahat ng ano?" Humarap na siya sa akin. Galit ba siya? "Lahat ng ano, Julia? Ano nga ba ang pinagdaanan natin? Wala. Nagkasama lang tayo, nag-usap minsan, tapos nasabi kong mahal kita. Hindi mo pa ba naiintindihan?"

Ano? Anong sinasabi niya? Ang tagal naming nagsama. Hindi maaari. Hindi pwedeng maulit 'to!

"Hindi natin mahal ang isa't isa."

"How dare you say that!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko at itinama sa pisngi niya ng malakas.

Hinawakan niya ang pisngi niya saglit. Anong ginawa ko? Oh, my god.

"I'm so sorry."

Nanahimik siya. Lagi nalang siyang ganyan.

Tinignan niya ako at ngumiti ng malungkot. "Naiintindihan kita. Dapat lang sa akin ang ginawa mo."

Dapat lang kay Mia. Hindi sa 'yo.

Nagsalita siya ulit. "May nagsabi sa akin na hindi mahalaga ang oras na magkasama kayo kung hindi naman mahalaga ang ginagawa. Magkasama nga tayo, pero parang ang layo natin sa isa't isa."

"So sa kanya mo naramdaman ang ganun? After four months, you've felt something more than what you felt about me for a year?"

"Hindi ko mahal si Mia."

"That's nonsense!" Tinulak ko siya. Lumalakas na pala ang boses ko. "I can see the way you look at her. You always wanted to be with her! Stop denying it! I'm not STUPID!"

"Hindi ko siya mahal! Hindi pwede, Julia. Ikaw ang gusto ko!"

"You couldn't even say you love me. What did she do to you?! Did she seduce you to make you love her like this?! O buntis na siya kaya ka nagkakaganyan--"

"DON'T YOU EVEN THINK ABOUT SAYING THAT AGAIN!"

My heart jumped.

Did he just shout at me?

Sa tagal naming nagsama, ngayon lang siya nagalit ng ganito. Anong ginawa kong masama sa kanya? Wala naman, ah. Bakit kailangan niya akong parusahan ng ganito?

"Isang beses pang marinig ko ang ganyang salita sa bibig mo, ikaw ang mananagot."

He flashed his most intense glare at me and walked away.

**

Mia

"Mia!" Sigaw ni Liza sa kabilang linya. "I told you, wag ka munang pumasok! May kaguluhan na nagaganap sa school!"

"Okay lang 'yan, ano ba! May quiz ako sa third period!"

"Hapon ka nalang pumasok. I swear you'll regret coming."

"Too late, Liza, nasa school na ako." Bumaba ako sa kotse ni Ate Miles. Binaba ko ang call pagkatapos mag-bye.

"Yung sapatos ko ingatan mo ah!" Bilin niya sa akin galing sa driver's seat.

"Tulad ng pagi-ingat mo sa dress ko kahapon? Sige, iingatan ko!" Tinignan niya ako ng masama.

"Aksidente lang 'yun! Ang nipis ng tela ng dress mo eh!"

"Mamaya, don't worry magkaka aksidente din yung sapatos mo." Sinara ko ang pinto bago siya makasagot at pumasok ng campus.

Bakit may malaking tarpauline na picture ko?

NEW GIRL OR NEW SLUT?

Tumingin ako sa paligid ko. Maraming tumitingin sa akin ng masama, ang ibang babae natatakot pa. Parang anytime bigla nalang silang tatalon sa mukha ko para kalmutin ako.

Napasinghap ako ng may biglang pumalo sa likod ko. Pagdaan nila, mga lalaki pala. Yung isa tumalikod sa akin at kumindat.

Anong nangyari?

May dumaan na bakla sa harap ko at biglang sinalpak ang isang papel sa mukha ko.

MIA ALCANTARA, the new girl, comes in knowing his name, tries to seduce him, and locks him in the janitor's closet then he comes out with his hair tousled and her lipstick smudged. Not only that, they were also caught having a date at the mall (and her coming inside his dressing room while he was changing his clothes in a shop!) and entering her home while it was cold and raining. Is she really who we thought she was, or is she more than just a pretty face?

Ten Things [KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon