Bonus Chapter - "Merry Christmas!"

1K 17 2
                                        

Hey Cupcakes!

Bonus chapter lang 'to, but this contributes to the future chapters of the story. I hope you like it. Merry Christmas!

*

SHAUN

Tinawagan ko si James. Binaba niya ang tawagat nag text siya maya-maya.

not again, bro. If ur going christmas shopping, ask FQ.

Flat Queen.

To: Batang Kuto
liza, patulong, bibili akong regalo para sa mga kapatid ko.

may kapatid ka? Si Mia kasama ba?

kailangan ba kasama siya?

duh, i'm not going with you kung tayong dalawa lang. my mom would get suspicious.

eh di iexplain mong hindi naman tayo.

already did that with the pervert.

si James?

hindi, si Julia. *rolls eyes* why not get julia with u?

busy daw siya.

i'm not going if mia's not going.

magsama ka nalang ng iba.

Hinintay ko siyang magreply ulit. Okay, sabi ko nga.

Tumingin ako sa paligid ko. Saan ba ako pwedeng bumili para sa kanila? Ang hirap naman--ow.

"Sorry," paghihingi ng tawad nung lalaking nakabangga sa akin at hinila ang kasama niyang babae na naka yellow na dress. Pumunta sila doon sa walang tao at inakbayan ng lalaki ang babae.

"Bawal ang PDA!" Napatawa ako sa alaala ko kay Mia.

"Kailangan natin ng scoop para sa susunod na show." Sabi ng nasa malapit. "Kung wala tayong mapapakita, wala tayong--ayun!" Tinuro ng babae ang magka-akbay na nakabangga ko kanina. "Perfect!"

Anong ginagawa nila? Pinanood ko sila sa pagpupunta nila sa gilid. Yung isang babae may camera na DSLR, yung isa naman may mic na maliit. Sinimulan nilang picturan ang dalawa. Nasaan ba ako? Nasa Yakimix pala, ito yung japanese restaurant na sikat dito. Maghahanap nalang ako sa baba ng mabibilhan.

"Shaun?" Pagkasakay ko sa escalator, doon ko narinig ang boses na yun. Sino yun? Bumababa na ako noong tumakbo siya sa dulo ng escalator, pero hindi sa mismong hagdan. Hindi ko nakita ang mukha niya. Huh. Baka nag guni-guni lang ako.

Pumunta ako sa department store ng mall. Dito nalang ako maghahanap. Bahala na.

"Shaun." Narinig ko ulit. Sino ba yun? Lumingon ako sa paligid ko. Ako ba tinatawag niya? Teka, kilala ko 'to, ah.

"Mia?" Siya nga. Nilapitan niya ako.

"Nakita mo ba si Liza?"

"Nandito siya?" Kahit kailan talaga.

"Ah," umiling siya at nagtaas ng dalawang kamay. "Bwisit talaga."

"Bakit hindi mo tawagan?"

"Lowbatt," pinakita niya sa akin ang phone niya. Ang galing, aalis ng bahay hindi nagch-charge ng cellphone. "Bahala na nga!"

Ten Things [KATHNIEL]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon