15 - "I already am."

940 15 6
                                    

LIZA

May mali sa mga nakikita ko. Hindi ko lang mahanap.

Alam namin lahat kung gaano kami maghihirap sa ginagawa nila sa isa't isa. Hindi lang kay Julia, hindi lang kay Mia o kay Shaun. Pero... sa amin lahat. Pati kay James, sa pamilya ni Kath at Julia, sa pamilya ni Shaun.

Mistakes, I guess, are like bombs. They affect everything that surrounds them.

"May mali ba akong ginawa?" Tanong ni Mia sa kabilang linya. "Liza, hindi ko alam ang gagawin ko."

"Loving yourself means knowing all the flaws you have and accepting them."

Hindi ko alam kung bakit ko sinabi 'yun, but it felt like I needed to say it. Nahihirapan din naman siyang mahalin ang sarili niya, so why not give it a shot?

"Yun ba ang mali ko? Na hindi ko mahal ang sarili ko?"

"Sweetie, how can people love you if you don't love yourself?"

"Pero ayoko ang sarili ko. Lagi nalang akong nakakasakit."

"Ako din. Pati yung mommy ko laging nakakasakit. Pati mommy mo, si Shaun, si Julia. Lahat tayo nakakasakit."

"Anong gagawin ko?"

"Cry." Right then, she did. I could almost hear her tears falling. "Umiyak ka ngayon. Sumigaw ka, magalit ka but don't stay that way. Kung anong mali mo, baguhin mo. Doing something wrong doesn't mean you're a bad person, Mia. Doing it on purpose does. But doing it accidentally doesn't mean it's right, either. You just have to learn from what you did and go on with your life."

"I'll do my best." Tumawa siya. "Thank you."

"No problem. I'll see you."

"You, too."

The next day, I realized she's been happier. She smiled more, made more jokes, and her laughs are more genuine than before. Sinusubukan nga niyang mag-effort para sa sarili niya. I know how much she cares. May mga taong hindi susunod sa advice mo, kahit na alam nilang para sa sarili nila 'yun. Tatango sila, mago-oo, pero wala din magbabago. Yun yung mga taong walang pakialam. Pero Mia is trying to change for the better.

Speaking of change, nakakapanibago na hindi na nagpapansinan si Shaun at Mia. Siyempre hindi maiiwasan 'yun dahil sports fest at sa prom dates, pero hindi pwedeng hindi sila magsulyapan. Ngayon wala talaga. Si Mia lang ata nage-effort na pumansin sa kanya. Pagkatapos ng nangyari sa kanila kahapon, masasaktan talaga siya.

Kinalbit ko si Shaun habang naghahanda siya sa susunod nilang game. Humarap siya sa akin at yumuko. Bastos talaga, ang liit ko pala! "Anong nangyari sa inyo?"

"Alagaan mo 'yang kaibigan mo." Sabi niya ng seryoso. "Parang ligaw na ligaw dito."

"Sinagot mo tanong ko?" Inirapan ko siya. Nag scoff lang siya sa akin.

"Nahihirapan na kong pumilit na mahalin niya ang sarili niya. Ang--" tumigil siya sa pagsasalita na parang kotseng nagpreno bigla dahil may nakita siyang harang sa harapan niya. "Ang hirap niyang kausap."

"Sinusubukan na niya." Tinignan ko si Mia na nasa pintuan ng gym. May kausap siyang taga ibang school at malaki ang ngiti. "Look at her."

"I already am." Napatingin ako kay Shaun. Tinititigan niya si Mia na parang may malalim na iniisip.

"Anyway, may tournament sila ng volleyball ngayon." Tinignan ako ni Shaun na gulat.

Ten Things [KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon