Chapter 2

15 1 4
                                    

Zyria's

"Pero naaaaaaay! ayoko pong iwan 'tong bahay na 'to! kahit luma na 'to, kahit masapot na 'to! kahit makalawang na 'to! kahit malapat na 'to! AYOKO PO!" Walang prenong sabi ko kay nanay.

"Hindi natin 'to bahay Zyria! Lilipat tayo sa bahay ng kaibigan kong si Jenna, mas maganda doon." Wika ni nanay habang nag-aayos na ng mga dadal'hin naming gamit.

"Wala naman pong pinagkaiba eh, hindi rin naman atin 'yon." Malungkot kong sabi at binatukan ako ni nanay.

Huminga ng malalim si nanay. "Hay nako Zyria! Mas malapit yung bahay na 'yon sa school mo, ayusin mo na 'yang mga gamit mo at bukas na agad tayo aalis."

I sighed deeply. "Ano pa nga bang magagawa ko?" At pumunta na ako sa kwarto ko at humilata.

Dalawang linggo na ang lumipas ng komprontahin ako ng grupo ni Safira, ang F4. Famous4 it means, pero para sa akin it means Fa-famous4, Faepal4, Fabebe4.

At alam niyo ba? sinesante nga ni Kevin si nanay, si Kevin ang kaibigan ni Gavin.

Imbes tumunganga nag-ayos na din ako ng gamit ko. Sana mabait yung bagong amo ni nanay. May anak kaya yung bagong amo ni nanay?

Gavin's

"Do you know Zyria Montefalco?" I asked Kevin.

Nagtatakhang tumango si Kevin. "Yes? Why?" Bigla siyang napa-ngisi, "Interested dude?"

Inip akong napa-irap sakaniya. "Gago! Fire her mom, si Ria Montefalco."

Nagulat si Kevin sa sinabi ko. "Bakit? ang bait ni tita Ria! she's so loyal, my family can't lose her!" Asik sa akin ni Kevin.

"Do what was I told you, I'll hire her and I will pay her well ten thousand per month, is that okay with you?" I looked at him while drinking my coffee.

"If it's not okay with you, I don't care! just tell Ria Montefalco about it." Binato ko siya ng three thousand and I left him speechless.

I chuckled while reminiscing the conversation I had with Kevin. "See you soon Zyria, welcome to hell." and I smirked.

"Wassup dude? cutting classes?" Briden asked me.

Nandito pala 'tong mga ulupong na 'to sa private suite.

"Kailan pala lilipat sina tita Ria sa mansion niyo?" Tanong sa akin ni Kevin.

"Today." Tipid kong sagot sakanila.

I laid down in the couch to take a nap. "Gisingin niyo ako kung kinakailangan, I don't want anyone to disturb my nap time or else I'll gonna rip off his or her neck!"

Zyria's

Sasapatusin ko talaga ang gabi na 'yon! Inis akong naglalakad sa hallway, walang pakialam kung ilang tao ang nababangga ko.

"Hep! Hep! Saan ka pupunta?" Naka-taas ang kilay ni Keith habang nakaharang sa daanan ko.

"Sasapatusin ko si gabi! bwisit yun! sinuhulan niya si Kevin kaya siguro non sinesante si nanay! kaya ayan tuloy maiiwan ko na si Patpot!" Galit kong sagot kay Keith.

"At sino na naman itong Patpot?" Usisa niya, napairap na lang ako sa inis ko.

"It means lapat at sapot! pangalan yun ng bahay namin!" Tumawa lang ang baklang bruhang 'yon kaya tinakasan ko na lang siya.

"ANDREEEW!" Tawag ko sa isa pang kaibigan ni Gavin ng makita ko ito sa hallway.

Dahil dating naninilbihan si nanay sa pamilya ni Kevin, naging magkaibigan din kaming dalawa at pinakilala niya ako nina Paul, Andrew at kay Briden.

"Oh? any problem Zyr?"

"Si gabi nasaan? nakita mo ba siya?"

"Bakit? ano na namang ginawa sayo ng damuhong 'yon?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Just tell me, please? tanungin mo nalang si Kevin." Naiinip kong sagot sakaniya.

Napakamot siya sa makapal niyang kilay. "Di ko kasi kasama yung apat na 'yon eh, pero nasa private suite yata sila, located 'yon sa 8th floor."

Nagpasama na rin ako kay Andrew papunta sa private suite chuchu ni Gavin. Nag-aalangan man, pumayag pa rin siyang samahan ako.

Sumakay kami sa elevator para no hassle. Nang marating namin ang tapat ng private suite ni gabi nag doorbell ako ng sunod-sunod.

Binuksan ito ni Briden na nakakagat-labi, tipid ko siyang nginitian at diretso ako pasok sa loob.

"GAVIIIN! NASAAN KAAA?!" Sigaw ko, pinipilit naman akong palabasin nila Paul.

"Zyria delikado yang ginagawa mo, umalis ka na please?" Kabadong sabi sa akin ni Paul.

"Wala akong pakialam basta iharap niyo sa akin 'yang demonyo niyong leader!" Sigaw ko sa apat na kaibigan ni Gavin.

"Ay umalis pala si Gavin! Oo, umalis siya Zyria!" Pagsisinunghaling naman ni Briden.

"Tigilan niyo ako! Alam kong nandito siya! naaamoy ko ang kademonyohan niya!" Sigaw ko ulit ng..

"WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE?!" Sigaw ng lalaking nasa hagdanan. Second floor kasi tong private suite chuchu ni Gavin.

"Damuhong gabi ka! bumaba ka dito at uupakan talaga kita! pinasesante mo talaga si nanay 'no?! demonyo ka talaga!" Galit na sigaw ko kay Gavin.

"You should thank me for doing that, why you're mad?" At ngumisi siya.

"Kasi iiwan na namin yung kinalakihan kong bahay!" Ayoko sanang umiyak kaso lang hindi ko na napigilan eh.

"Kahit pangit 'yon espesyal 'yon sa akin! doon ako nagsimulang mangarap! doon ko nakilala 'yong mundong ginagalawan ko! doon ako nagsimulang mangarap! marami kaming memories doon nila tatay at kuya! pero may pinaka rason kung bakit espesyal 'yong bahay na 'yon sa akin! alam mo kung bakit? kasi kapag nandoon ako sa bahay na 'yon nararamdaman ko 'yong LOVE! I feel secured by the presence of my father and my brother who already passed away!"

Saglit akong huminga. "Ngayong alam mo na ang rason ko kung bakit galit ako, siguro naman may karapatan na akong magalit diba? Mas magandang tumira sa maliit at simple na bahay kasi doon marami kang memories na mabubuo kasama ang pamilya mo kaysa naman sa mala-palasyong mga bahay pero pakiramdam mo naman mag-isa ka lang!" At tumakbo ako palabas sa private suite ni Gavin habang umiiyak.

Takbo lang ako ng takbo ng may mabangga ako,  iminulat ko ang mata ko at lalo lang akong naiyak ng yakapin niya ako. "Shh, tama na Zyria."

"Keith.." I cried and cried.

"Stop crying, I am here." Lalaking-lalaki ang  boses niya, bigla akong kinabahan.

---

Sunshine_Sassy

Having You Beside Me (FT series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon