Zyria's
"Don't promise me.." Walang emosyong saad niya.
Malakas pa rin ang ulan at basang-basa na kami.
I smiled at him. "Trust me tutupad ako sa mga pangako ko, you have my words already."
Matagal niya akong tinignan. "Alam mo ba nang namatay si Gabby I build thick and strong walls around me I stopped communicating with other people instead of building bridges I choose wall, you know why?"
I asked him why then he answered me. "Simple lang, I am protecting myself from other people. I don't fall in love with girls. I chose walls instead of bridges so that no one can see how devastated I am." He heaved a sigh. "The moment my parents left me here all alone, I stopped believing in promises and wishes." He added.
Tinapik ko ng marahan ang pisngi niya. "Then I will make you believe then."
Umiwas siya ng tingin. "Lumalakas na ang ulan, get inside."
I shook my head abruptly. "Sasamahan kita hanggang sa huli, sasamahan kita sa bawat simpleng patak ng ulan hanggang sa huling patak ng ulan, para saan pa at magkaibigan tayo kung iiwan lang din naman pala kita."
"You're scaring the hell out of me, Witch! Paano kung masanay ako na lagi kang nand'yan? Iba ako ma-addict sa isang bagay, Zyria."
"Edi ma-addict ka! Gusto mo ipa-rehab pa kita eh!" Sabay kaming natawa sa sinabi ko.
"You know what Zyria, I wonder why you're still being nice with me despite of all the shits that I've done to you and all the shits that I will still do to you." He looked up and closed his eyes. "You don't need to take care of me, you don't need to say such promises, you don't have to stand by my side." Then now, he looked at me intently. "Because from the very first place I am all alone and I don't need anyone in my life."
"Sinabi ko na sayo 'di ba? Iba 'yong sinasabi ng bibig mo pero 'yong mga mata nilalaglag ka Gavin! Sinasabi ng bibig mo na hindi mo kailangan ng kahit na sino sa buhay mo pero 'yong mga mata mo ang sabi sa akin please stay, stop fooling around with me Gavin! Can you just please let your guard down?"
He rolled his eyes. "I lost, you won."
Tumawa na lang ako at tinuro ang magagandang gusali na binabalot ng magagandang liwanag. "Ang ganda ng city night lights 'no?" Tumango lamang siya.
Binalot kami ng katahimikan, malakas pa rin ang ulan.
"Palagi mo bang ginagawa 'to sa sarili mo tuwing November fourteen?"
He nod. "Kumbaga panata ko na 'to."
"Hindi ka ba nagkakasakit?!" Nag-aalalang tanong ko sakaniya pero tumawa lamang siya ng mahina.
"I'm immune."
"Kwentuhan mo naman ako Gavin ng mga tungkol sayo---"
"Ayoko." Tinignan niya ako ng mariin. "Let's just play in the middle of November rain."
"Play? ano namang lalaruin natin? Paano kung madulas tayo dito?"
"Just shut up, now trust me." Ngumiti siya sa akin ng malapad at inabot ang isang tray ng itlog, mayroon din siyang hawak na isang tray.
"HALAAA! Isusumbong kita kay nanay kinukuha mo 'yong mga itlog!" Tumawa lamang siya sa sinabi ko. "Wait! Ano bang gagawin ko dito---"
"STAAART!" at binato niya ako ng itlog sa mukha, mariin akong napapikit at nalasahan ko 'yong itlog eww.
"Humanda ka sa akin Gaviiiiin!" Hinabol ko siya at binato ng itlog, tinamaan ko din siya sa mukha. Humaglpak ako sa tawa ng makita ko ang itsura niya.
Hinabol din ako ni Gavin at pinagbabato ng itlog. 'Yon lang ang ginawa namin sa gitna ng napakalakas na ulan na wala na yatang balak na tumila.
Hindi ko inaasahang magkakasundo kami ng prinsipeng demonyitong 'to. Parang kailan lang mortal enemy kami eh tapos ngayon magkaibigan na kami.
Sa gitna ng sobrang lakas na ulan hindi namin alintana ang lansa namin dahil sa itlog, hindi namin alintana ang lamig nh hangin na dumadapo sa aming mga balat, hindi namin alintana ang lakas ng ulan dahil ang alam lang namin ni Gavin ay binibigyan namin ng galak ang isa't isa.
Tumingala ako, mukhang wala ng balak tumila ang ulan gaya namin na walang balak sumilong.
Sa aming pagsasaya ni Gavin kasalo namin ang ulan at hangin, ang mga puno sa paligid, ang madilim na kalangitan.. sila ang saksi sa bawat ngiti at tawa ni Gavin.
Nasa kabilang dulo ng rooftop si Gavin at ako nandito rin sa kabila, kitang-kita ko mula dito ang saya sa mukha niya, tumatalon siya habang kumakaway sa akin na parang isang maliit na batang lalaki na first time makaligo sa ulan.
I smiled. "Sana hindi na 'to matapos." Bulong ko sa sarili ko saka kumaway sakaniya. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin at binasag niya ang itlog sa noo ko saka sinabuyan niya ako ng harina.
Inirapan ko siya. "Ang daya mo kahit kailan!"
Tumawa siya ng tumawa. "You're drooling! You look disgusting!" At kunwari nandidiri siya kaya ginaya ko siya tapos tumawa na naman siya. Pinakinggan ko ang tawa niya at pinakatitigan ko ang mukha niya habang tumatawa, wala sa oras na napa-ngiti ako.
Ngumisi siya sa akin. "Gusto mo na ako 'no?" At pinantay niya ang mukha niya sa akin. Matangkad kasi siya at hanggang balikat niya lang ako.
"Wala akong balak na magustuhan ka master! Na-amaze lang ako sa tawa mo, first time ko 'yon makita sa malapitan next time ulit ha?" Hirit ko sakaniya kaya tumawa na naman siya.
"Sus! kahit araw-araw pa para sayo honey girl." Ngumiti siya sa akin at pinisil ang ilong ko.
Unti-unti ng humuhupa ang ulan, kalmado na anh ihip ng hangin, tumingala ako. "Humuhupa na ang ulan Gavin."
"Oo nga eh." At tumingala rin siya. Kinuha ko ang natitirang itlog sa bulsa ko at binato ko ito sa mukha niya. "Akala mo ha!" Saka ako tumawa ng tumawa.
"Akala mo ikaw lang ha!" Binato niya rin ako ng itlog sa mukha. Sabay kaming tumawa ng tumawa.
We looked up. "Humuhupa na ang November rain mo Gavin."
He looked at me then smiled. "I enjoyed it Witch, thank you.."
At tuluyan ng humupa ang ulan, sumilay na sa madilim na kalangitan ang bagong pag-asa para sa mga taong minsan ng naiwan mag-isa kagaya ni Gavin.
---
Sunshine_Sassy
BINABASA MO ANG
Having You Beside Me (FT series #1)
Teen Fiction"Hindi dapat iikot ang kasiyahan mo sa iisang bagay, iisang dahilan, at iisang tao kasi lahat nagbabago, baka 'yong nagpapasaya sayo ngayon baka 'yon naman 'yong magpaiyak sayo, baka 'yon naman 'yong dudurog sayo." Naalala ko ang sinabi sa akin ni D...