Chapter 15

8 0 0
                                    

Zyria's

"Zyria hija sabayan mo kaming maghapunan." Pagyaya sa akin ni tito Gabbi. Lahat sila nasa hapag maging ang nanay ko.

Nagtatakha ang nanay ko ngumiti lamang ako ng tipid sakanila. "Gusto ko po sana eh kaso may gagawin po akong importante excuse me po." Nakayuko ako ng lisanin ko ang dining area na 'yon.

Pumunta ako sa bakuran, naupo ako sa isa sa mga bench na katabi ng fountain. Alas otso na ng gabi pero ayos lang safe naman dito eh. Nalaman ko rin kay nanay na wishing well pala 'tong fountain na 'to so gusto kong itry kung totoo ba.

Nilabas ko ang five peso coin ko, I closed my eyes and whispered my wish. "I just want to know the real score between Gavin and I, I am just so confuse." Ibinato ko na ang five peso coin sa wishing well at tipid akong napangiti. Napayakap ako sa sarili ko ng humampas ang malamig na hangin sa aking balat.

"Witch hanggang kailan ka ba iiwas ha? hanggang kailan ka ba iiwas at lalayo sa sitwasyong 'to? 'di ba sabi mo hindi mo'ko iiwan? you promised me! now? what's happening to you? 'di ba bestfriends tayo?" Naguguluhang pahayag ni Gavin. Halata sa mga mata niyang hirap na hirap siya sa sitwasyon naming dalawa.

Gusto kong tumawa alam mo kung bakit? kasi ilang segundo pa lang pero nasagot na 'yong tanong ko sa wishing well.

Tumawa ako ng pilit. "Sorry kung umiiwas ako ha? sorry kung nag-iinarte ako kahit wala naman akong dapat ipag inarte pero lumalayo lang ako kasi ayoko ng masaktan pa Gavin, ayoko na." Mapait kong litaniya. Can't he stop pretending like he know nothing? what the fuck?

"Parang may gusto kang sabihin sa akin? Go on, talk, I will listen to you." He smiled at me but I didn't smile back. Nabura ang matamis niyang ngiti at umiwas siya ng tingin.

"No Gavin hindi ako 'yong may dapat sabihin kasi ikaw 'yon! ikaw 'yong dapat may sabihin!"

He looked away. "You're being paranoid." Napapa-iling niyang agap.

Lumapit siya sa akin pero lumayo ako sakaniya. "Malayo ka na, hindi ka na kumportable sa presensiya ko."

"Oo hindi na ako at ease sa presensya mo Gavin," I paused for a while. "K-Kasi ito eh!" at tinuro ko kung nasaan ang puso ko, dumaloy ang mga sariwa kong luha nilamon ako ng lungkot at takot. "Iba na naman 'yong kabog niya Gavin eh! nalilito na ako sa sitwasyon natin hindi ko na alam kung anong dapat kung gawin dito sa puso ko kasi tuwing nandiyan ka nababaliw siya." Halos pabulong na lamang na sabi ko kasi parang tinakasan na ako ng lakas ko.

Marahan siyang ngumiti sa akin. "Wag kang matakot diyan Honey girl hindi ka naman niyan kakainin eh believe me." Then Gavin embraced me lovingly.

"P-Pero nasasaktan naman ako ng sobra." Sabi ko sakaniya sa pagitan ng mga hikbi ko.

Kumalas siya sa yakapan namin at pinahid niya ng sinsero ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko. "I hate seeing you cry because of me, I hate seeing you hurt because of me because I feel unworthy all the time." at hinagkan niya ang labi ko.

Naguguluhan akong napatingin sakaniya at lumayo ako sakaniya. "Bakit mo 'yon ginawa Gavin? hindi mo dapat ako hinahalikan kasi 'di ba ikaw na rin ang nagsabing magkaibigan tayo?" Inis kong sabi sakaniya.

"I-I'm sorry h-hindi ko sinasad---"

"Trip mo lang ako? option lang ganon? hindi mo kailangang halikan ako o yakapin tuwing malalaman mong nasasaktan ako dahil sayo kasi feeling ko nakokonsensya ka lang kaya dapat mo 'yon gawin! please stop acting like as if you care although the truth is you really don't." Matapos kong sabihin 'yon tumakbo ako palayo sakaniya. Dumiretso ako sa kwarto ko at ni-lock ko ito.

***

Ilang oras na ang dumaan pero hindi pa ako dinadalaw ng antok pero nakahiga lamang ako sa kama. Nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto hindi ko ito nilingon bagkus nagpanggap akong tulog na ako.

Naramdaman ko ang paglubog ng kama ko dahil sa pag-upo niya rito. Dahil sa liwanag ng lampshade na nakapatong sa bed-side table ko nakilala ko ang taong kasama ko sa kwarto ko, Gavin.

"I wanna be a psychology someday and I know the difference between how people who's still awake breathe and how people who's asleep breathe at alam kong gising ka pa." Pagbasag niya sa katahimikan.

Pero hindi ako natinag, hindi ko siya hinarap at nanatiling nakahiga patalikod sakaniya. I breathed deeply. "Ilang araw na lang sa US ka na titira, bagong buhay, bagong mundo para sayo.. matagal ko ng alam 'to Gavin pero nag baka sakali akong sasabihin mo 'to sa akin pero nagkamali ako." Nagtatampong sabi ko kasabay nito ang panunubig ng mga mata ko. 

Hindi siya umimik. "Nakakainis ka alam mo ba 'yon? nanggigigil ako sayo.." Saglit akong tumigil. "Nakakainis kang demonyo ka."

"I will miss it, you and I underneath the sun, beneath the moon and stars, I will always miss it." Sinsero niyang sabi pero may bahid ng lungkot.

"Nakakainis ka Gavin! abnormal na nga ang heartbeat ko dahil sayo tapos papaiyakin mo pa ako!" Inis kong sabi sakaniya at hinampas ko siya.

"Sorry sa paglilihim ko Honey girl, believe me gusto kong sabihin sayo but I just don't know how to say it.. hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ng hindi ka masasaktan."

"Ayos lang Gavin kasi kahit ano namang gawin nating pag iwas na masaktan tayo hindi pa rin naman tayo makakatakas, hahabulin lang tayo nito." Nginitian ko siya ng malungkot. "Nakakalungkot lang kasi may mga taong naging parte ng buhay mo na kailangan mo ng i-let go kahit hindi ka pa man handa."

"Alam mo Honey girl wala naman talagang nagtatagal sa mundong 'to because the only permanent thing in this world is change." Hinaplos niya ang buhok ko at sinuklay niya ito gamit ang mga daliri niya. "Maraming bagay tayong kailangang harapin ng magkalayo, kailangan nating i-pursue 'yong mga pangarap natin kaya lang kailangan nating magkahiwalay ng daan pero ito ang tatandaan mo darating 'yong araw na wala ng ikaw at ako, ang meron na lang ay tayo." Ngumiti siya ng malapad sa akin at lumitaw ang dimples niya sa baba niya kaya napangiti na din ako.

Hinayaan ko muna siyang magsalita. "Kahit iba ng mundo ang gagalawan ko sa US, alam ko na at tanggap ko ng once na umalis ako dito mag-iiba na rin ang ikot ng mundo mo, bihira na lang tayong makakapag-usap pero ang gusto kong gawin mo ay tignan mo lang 'yong asul na kaulapan o kaya 'yong buwan at mga bituin kasi 'yon din ang gagawin ko by that mananatiling connected ang mga puso natin sa isa't isa."

Kahit masakit makinig sakaniya kasi feeling ko handa na talaga siyang iwan ako nakinig pa rin ako. "I will do it, tatandaan ko lahat ng 'yan Gavin."

He embraced me. "Alam kong hindi lang isa, dalawa, o tatlong beses kitang napaiyak and I'm very sorry for that.. kahit napapaiyak kita mas kaya pa rin kitang ingatan." Yumakap din ako sakaniya.

"In my remaining days here I want you to always be with me in that short days, would you do that for me my Honey girl?" Kahit umiiyak na naman ako tumango ako sakaniya bilang tugon ko.

"Good girl, you know what Honey girl I know that I am not perfect but you'll never find someone who will love you as much as I do." He looked into my eyes. "You can't find someone who will love you the way I do."

I smiled at him. "I love you Honey girl." He told me.

"W--hat?" I asked him. I was shocked.

He stood up and turned his back on my direction. "I l-love you as a friend.. good night, sweet dreams Honey girl." Humarap siya sa akin at humalik sa noo ko, tumalikod siya at lumabas na sa kwarto ko. Sa pag sarado ng pinto ng kwarto ko doon na nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo.

May mga bagay talagang gusto mong alamin ang sagot pero takot ka, mga bagay na guguho ka kapag nalaman mo na, at masasabi mo sa sarili mong dapat pala 'di na ako umasa pa.

---

Sunshine_Sassy

Having You Beside Me (FT series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon