Chapter 10

12 0 0
                                    

Zyria's

"Wow ha? ang gara mo kahapon, iniligtas ka ng knight in shining armour mo kahapon laban sa mga witches." Mataray na sabi sa akin ni Keith.

Parant sarkastiko ang tono ng pananalita niya pero hindi ko na 'yon pinansin pa.

Ngumuso ako. "Galit ka ba? type mo ba si Gavin? eh hindi ko naman gusto ang prinsipeng demonyitong 'yon! wala akong oras sa mga gan'yan."

Inirapan niya ako at pinagtaasan ng kilay. "I am not mad! diyan ka na nga!" Papaalis na sana siya ng yakapin ko ang braso niya.

"Sorry na sissy kung may nagawa man akong mali sayo! sorry! sorry! sorry! sorry!" Maagap ko sabi sakaniya, tipid lamang na ngiti ang tugon sa akin ni Keith at naagaw ng mga speakers ang atensyon namin ng may magsalita dito.

"Attention please! Students and teachers gather here in auditorium, we'll talk about important matters thanks." Saad ng isang malagom na boses.

"Tama na ang dramalalu!" Hinawi ni Keith ang invisible bangs niya. "Gorabels na tayo sa auditorium."

Nang marating namin ang auditorium nakasalubong ko ng tingin si Gavin binelatan ko siya at gan'on din ang ginawa niya, kinawayan naman ako nila Kevin, kumaway din ako pabalik sakanila.

Nang mapuno na ang auditorium nagsimula na ang dapat simulan. Nasa stage sina Gavin ang dreadful fifth, mayroong doon na malaki at doon pinalabas ang video galing sa isang estudyante. Ang video ay tungkol sa kung paano ako binully ng grupo nina Safira, simula sa umpisa hanggang sa pinaka dulo.

Nang matapos ang video, pumaibabaw ang bulungan. "SILENCE!" Sigaw ni Gavin sa mic. Isang salitang nagpatahimik sa lahat.

"Lahat kayo nandito para makinig sa akin, natapos na natin ang video alam kong kilala niyo ako bilang isang demonyo and I don't care!" Ngumisi siya ng malademonyo na nagpatayo sa mga balahibo ko. "Whoever hurt Zyria Montefalco you'll gonna meet my dreadful revenge don't ask me why I am doing this because I will voluntarily answer it I am doing this because she is not somebody for me because she is my special gem." Nakatutok lamang sa akin ang mga mata niya, mabilis ang kabog ng puso ko hindi ko alam kung bakit siguro kinakabahan lang ako.. tama! kinakabahan lang ako.

Inilibot niya ang paningin niya. "Inuulit ko kung sino man ang magtatangkang manakit kay Zyria Montefalco asahan niyong ako na ang makakalaban niyo at wala akong pinipili! wala akong pakialam kung uugod-ugod ka na basta nasa mali ka mananatiling mali ka! Wala akong pakialam kung tawagin niyo akong demonyo kasi 'yon lang naman ang alam niyo 'di ba? Hindi ako marunong rumespeto sa mga taong hindi marunong rumespeto." Nagbulungan na naman ang mga estudyante maging ang mga guro.

"Sundin niyo lang 'yong sinabi ko pero kung ayaw niyo then prepare yourself because you'll gonna meet the evil named Gavin Tuazon, I am the king of all evil." Ngumisi si Gavin matapos ng sinabi niya, pinaalis naman nila Kevin ang mga tao sa auditorium pinabalik na nila ito sa mga kaniya-kaniya nilang silid.

Pagtingin ko sa tabi ko wala na si Keith, nagkahiwalay kami sa sobrang dami ng tao.

Namalayan ko na lang wala ng tao sa auditorium kundi ako na lang kasama sila Gavin. Nasa kalagitnaan ako ng auditorium ng magsalita si Gavin sa mic. "Wag mo akong tignan ng ganyan, come here! tatayo ka lang ba diyan?"

Lumapit ako sakanila. "Hindi niyo naman kailangang gawin 'yon." Umiwas ng tingin ang apat na kaibigan ni Gavin. "Leave us alone here." Sabi ni Gavin sa apat niyang mga kaibigan.

"Uyy Zyria si Gavin may pakana nito---"

"Kevin hayaan mong ako na lang ang magpaliwanag, leave it to me okay? now, leave us alone." Tamad na sabi ni Gavin kay Kevin.

Biglang sumingit si Briden. "Uyy Gav? wala man lang bang thank you diyan?"

Gavin rolled his eyes. "Oh fine, thank you." He said sarcastically.

"Tss.. may dalaw yata masyado kang excited masolo si Zyria, tara na nga mga ungas!" Kunwari nagtatampong sabi ni Briden.

"Enjoy the moment! Byeeee!" Kinikilig na sigaw ng apat at kumaripas na sila ng takbo palayo.

Nang kami na lamang ang tao sa auditorium. Nakataas ang kilay ko at ipinagkrus ko ang mga braso ko. "Anong klaseng kadramahan 'yon?"

*Plak!*

"Stop talking just say thank you Gavin." Maarteng sabi ni Gavin sa akin.

Inirapan ko siya. "Ayaw mo akong bully-hin ng ibang tao kasi gusto mo ikaw lang? you're unreasonable!" Galit kong singhal sakaniya. Binato na naman kasi ako ng itlog demonyito talaga.

Pinunasan niya ang mukha ko. "Yup, gusto ko ako lang wala ng iba." at marahan niyang pinitik ang noo ko. Bumilis na naman ang kabog ng puso ko, the way he said to those words nakatingin lamang siya sa mga mata ko.

What does it mean? Gaaaah!

"Alam kong gwapo ako wag mo akong titigan ng ganiyan 'di mo kailangang mag laway." Saka pinunasan niya ang gilid ng labi ko na kunwari may laway.

Hinila niya ako pababa ng stage at naglakad na kami palabas ng auditorium. Hindi niya namamalayan na nauuna na siya sa aking maglakad.

"Wow hinintay ako ng bakulaw na 'yon." Sarkastikong bulong ko sa sarili ko.

Nasa kalagitnaan na siya ng auditorium ng lumingon siya sa akin, napa-face palm na lamang siya ng nakita niyang malayo na siya sa akin kaya bumalik siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Wag kang babagal-bagal! Dumikit ka lang kasi sa akin!" Sermon niya saka ako hinila palabas ng auditorium. Ang haba po ng mga legs niya jusko.

Patago akong napangiti ng.. "Kung kinikilig ka wag kang magpahalata." Pang-aasar niyang sabi sa akin.

Hinampas ko ang braso niya. "Hindi ako kinikilig 'no! ang feeling mo!" Kunwari naiinis kong sabi saka ko hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

Binawi niya ulit ang kamay ko, he intertwined his fingers with my fingers. "Hindi ka kinikilig? nilalaglag ka na ng namumula mong pisngi oh! your eyes says otherwise huli ka na sa akto wag ka ng mahiya ayos lang 'yan Witch." Mayabang niyang sabi habang natatawa pa siya.

Hinihila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero, "Ilayo mo lang ng ilayo, bawiin mo lang ng bawiin, aabutin at aabutin ko pa rin 'yan, huhulihin at huhulihin ko pa rin 'yan at hihigpitan ko lalo para mas lalong wala ka ng kawala." Tinitigan niya ako parang hinihigop ako ng mga mata niya.

May tinawagan siya sa cellphone niya saka may lalaking lumapit sa amin at inabot kay Gavin ang posas at pinosasan niya ang pulso naming dalawa.

Ang bilis na naman ng kabog ng puso ko siguro dapat kumunsulta na ako sa doctor nito?

Gavin is not a sweet guy, he's not an ideal type of guy but I love the way he is.

Paglabas namin sa auditorium nandoon si Keith nginitian ko siya at kinawayan gamit ang isang kamay ko, ngumiti siya pabalik pero malungkot ang mga mata niya. So tama ba ako? tama ba ang hinala ko? Gusto niya nga si Gavin.

"KEITH!" Tawag ko sakaniya pero naglakad na siya palayo.

Tama nga, gusto ni Keith ang lalaking nagpapa-abnormal sa puso ko.

---

Sunshine_Sassy

Having You Beside Me (FT series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon