Chapter 8

8 0 0
                                    

Zyria's

*PLANG!*

*PLANG!*

*PLANG!*

Nagising ako sa sobrang ingay ng takip ng kaldero. Bago ko pa man maimulat ang aking mga mata para malaman kung kanino galing ang ingay ay, "Wake up Wiiiiitch! It's already ten o' clock! You're laaaaate!" Yah, ginawa ni Gavin na cymbals 'yong mga takip ng kaldero.

I opened my eyes. "Pinuyat mo akong prinsipeng demonyito ka! Lumabas ka nga dito sa kwarto ko maglilinis muna ako ng mukha ko!" Naiinis pero natatawang sabi ko, sounds weird.

"Dapat lang! May mga marka ka pa ng laway mo! Nakikita ko na 'yong mapa ng buong Maynila sa pisngi mo!" Natatawang utas ni Gavin habang papalabas ng kwarto ko.

Awtomatikong namula ako sa hiya, napa-face palm ako at tinakbo ko cr sa kwarto ko at ang nakita ko sa salamin. "DEMONYONG GAVIIIIIN!" Lumabas ako ng kwarto ko at hinanap ko siya sa salas, at nand'on nga siya prenteng nakaupo habang naka de quatro.

"Ano na namang kababuyan ang ginawa mo sa mukha kooo?!" Asik ko sakaniya. Nagbabaga ako sa galit, ikaw ba naman pinaglaruan niya 'yong mukha ko! Gumuhit siya ng mga shapes sa mukha ko gamit 'yong mga tuldok nag connect-the-dots siya!

"You look so pretty Honey girl." Then he winked at me, biglang kumabog 'yong dibdib ko sa sinabi niya. Lumapit siya sa akin at...

*Plak!*

"GAVIIIIN TUAAAAZON! COME BACK HEREEE!" Sigaw ko na naman muli. Anong ginawa niya? Binasag niya 'yong itlog sa noo ko tapos may dinikit siyang note sa noo ko.

Hindi ko na nakita si Gavin kasi tumakbo na siya palayo habang halos mamatay na siya kakatawa. Naiiyak akong tinanggal 'yong note sa noo ko at binasa ito.

Dear Honey girl,

Sarap ng tulog mo Witch ah? by the way, salamat sa oras mo kagabi I really appreciate it BUT! don't expect na magbabago na ako I still have lot of tray of eggs, sacks of flour and they are in my secret room. Baboo! Have a good day! BWAHAHAHAHA!

                       -Handsome G.

"Kung papangitiin mo lang ako at pakikiligin ng ganito 'di fine! ayos lang na inisin mo'ko!" Mariin kong bulong sa aking sarili habang patagong kinikilig.

Umakyat ako sa kwarto ko ng malapad ang ngiti, dumiretso ako sa cr at doon ko na naman nakita ang kapangitan ko na dala ng kademonyohan ni Gavin. "GAVIIIIN TUAAAAZOOOON!"

***

"Hi Witch? Nagustuhan mo ba 'yong surprise ko?" Naka-ngising tanong niya sa akin habang nag ii-skating siya.

Nandito ako sa bakuran, nakaupo ako sa bench na nakatabi sa fountain. Tinignan ko si Gavin ng matalim at nginitian ko ng sarkastiko. "Sobraaa! Oh my gooood! Thank you Gavin ha? I really appreciate it!"

"Mabuti naman kung gan'on, marami pa 'yan asahan mo." Ganti niya sa akin pero inismiran ko lang siya at hindi na ako muling umimik.

Pinatong ni Gavin 'yong skateboard niya sa bench na inuupan ko at hinila ako patayo. "Oh? Ano na naman ba Gavin? Hayaan mo nga muna ako!"

He laughed heartily. "We'll play hide and seek, magaling ako maglaro n'on.. magaling ako magtago ng feelings." At makahulugan niya akong tinignan.

"Eh ikaw na lang kaya ang maglaro mag-isa! Bubulabugin mo pa akong demonyo ka ha!" Singhal ko sakaniya kaya ginulo niya ang buhok ko. Seriously! Wala ako sa mood ngayon.

"Ikaw ang taya ha! Gameee!" At tumakbo na palayo si Gavin para magtago.

I rolled my eyes. "What the heck Gavin," I crossed my arms. "Ano na naman bang pakulo niya 'to? Jusko.."

"Hanapin mo ako!" Sigaw ni Gavin sa kung saan, sinundan ko 'yong boses niya pero 'di ko talaga mahanap 'yong demonyong 'yon.

"Prinsipeng demonyito.. nandito na ako.."

*Plak!*

"Like what the fuck Gavin?!" Nakapikit kong sigaw habang pinapahid ang mukha kong may itlog. Kailan ba mauubos 'yang itlog na 'yan nakakagigil na ha!

Ilang minuto kong hinahanp ang kademonyohan ni Gavin pero wala talaga eh kaya naupo ako sa bench na nasa ilalim na puno ng akasya.

*PSSHHH*

"Gaviiiin!" Nanggagalaiti habang napapaiyak akong napatingala sa puno at don ko nakita ang demonyong hinahanap ko, may hawak si Gavin na maliit na timba. Ano na namang ginawa niya? binuhusan ako ng itlog!

May tree house siya doon sa puno ng akasya at nandoon siya.

"Putang ina mo Gavin! Demonyo ka talaga! Bumababa ka dito at babalatan kita ng buhay!" Galit na galit na sabi ko.

"Ayoko bumaba eh sorry ka!" At binato niya ang ulo ko ng itlog. Napapikit ako sa inis at galit dahil sa ginawa niya.

"Bumaba ka ditong demonyo ka! Kailan ba mauubos iyang mga itlog mo ha?!"

Humagalpak siya sa tawa at doon lang ako natauhan, namula ako sa hiya dahil nag sink in sa isip ko kung ano 'yong sinabi ko. "Hindi na mauubos 'tong mga itlog ko nakadikit na kasi sila!" At tumawa ulit siya ng tumawa.

"Ang bastos mo demonyo ka!"

"Kasalanan ko ba kung naging honest lang ako sayo ha? Ikaw kasi ang problema dito! Lumooot!" Muli kong narinig ang hagalpak na tawa ng demonyong si Gavin.

Bumaba na si Gavin sa tree house niya, muli na namang tumapak sa lupa ang kademonyohan ni Gavin.

Hinintay ko siyang makababa at pagkababa niya sa lupa ay..

*Plak!*

*Plak!*

"GAVIIIIIIIN!" Sigaw ko habang nakapikit. Ang baho ko na. Ang lansa ko na. Nakakainis na demonyo 'to.

"Habulin mo ako! Yuhooo~"

"Gusto mo pala ng laro ha? pwes pagbibigyan kitang demonyito ka." Bulong ko sa sarili ko.

Hinabol ko si Gavin pero sadyang malalaki ang bawat hakbang niya at habang hinahabol ko siya binabato niya ako.. ng ano? edi ano pa? edi itlog!

Tumigil ako sa paghabol sa kaniya. "Madaya naman eh! Wag na! ayoko na pala." Kunwari nagtatampong sabi ko sakaniya, ipinagkrus ko ang mga braso ko. "I quit."

Tumigil din siya sa pagtakbo. "Sige na nga dahil effective 'yang pagpapaawa mo sa akin papayagan na kitang gantihan ako."

Lumapit ako sakaniya at akmang susuntukin ko siya ng pigilan niya ako, pinipigilan niya ang noo ko kaya di ako makalapit sakaniya. Mahaba pa naman ang mga braso niya kaya hindi ko talaga siya maabot kahit na anong pilit ko.

"Hindi mo ako kaya Witch.. no one can ever shake me knee because of fear."

Hindi ko siya maabot dahil kinokontrol niya ako sinusubukan kong alisin ang kamay niya sa noo ko ngunit sadyang malakas talaga siya kaysa sa akin. "May kapangyarihan ka talaga ng demonyo! Bwisit kang halimaw ka humanda ka sa aking bakulaw ka!"

I wonder kung kailan siya mauubusan ng itlog. Kung kailan ba siya mauubusan ng mga pakulo. Akala ko magbabago na siya eh hindi pa pala, demonyo pa rin pala talaga siya. Ginawan mo na nga ng kabutihan, kasamaan pa ang ganti. Ang sarap niyang sapatusin eh.

---

Sunshine_Sassy

Having You Beside Me (FT series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon