Chapter 9

7 0 0
                                    

Zyria's

"Bessy! Nagseselos na ako ha! Wala ka ng time sa akin puro ka na lang Gavin." Nagtatampong litanya ni Keith sa akin habang hinahampas-hampas ako.

I patted his shoulder. "Ano ka ba? huwag kang magselos sa demonyitong 'yon mas mahal kita kaysa do'n, ikaw pa ba? 'di kita ipapatalo 'no."

Lumiwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Pinky promise?"

I smiled at him assuringly. "Pinky promise." Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng cafeteria. "Bili ka na ng pagkain natin Keith gutom na ako eh." Napapa-ngiwing sabi ko sakaniya.

Ginulo niya ang buhok ko. "Okay, basta dito ka lang ha? wait for me." Hindi niya na hinintay ang sagot ko, dumiretso na siya sa counter.

Inaaliw ko ang sarili ko sa pagbibilang ng mga estudyanteng pumapasok sa cafeteria ng may bumulong sa akin. "Stand up.. come with us." Bulong sa akin ni Safira, ng may diin.

Hila-hila ni Alejandria ang iilang hibla ng buhok ko. "Umakto ng tama nerdy ha? wag pa-notice."

Sapilitan akong itinayo ni Cilicia at Asia, nauna sa amin maglakad si Alejandria at Safira habang tulak-tulak ako nina Cilicia at Asia.

Sa kalagitnaan ng mahabang pasilyo kami tumigil. Marahas akong itinulak nina Cilicia at Asia kaya napasandal ako sa pader, napadaing ako sa sobrang lakas ng impact ng pagkakatulak sa akin.

*PAK!*

*PAK!*

Sinampal ni Safira ang magkabila kong pisngi at hinila niya ang buhok ko at pinagsasampal din ako nina Alejandria.

"Ano na naman bang g-ginawa ko?"

"Bakit kayo close ni Gavin?! Ginayuma mo siya 'no?! Umamin ka na Zyria! Huli ka na sa akto!"

"Oo nga, huli ka na sa akto." Gatong na naman ng kambal na sina Cilicia at Asia.

"Sa itsura mong 'yan? Imposibleng magustuhan ka ni Gavin! Safira is for Gavin and Gavin is for Safira!" Madiing saad naman ni Alejandria habang dinuduro-duro pa ako.

"Oo nga, sa itsura mong 'yan? imposibleng magustuhan ka ni Gavin!" Then Cilicia crossed her arms.

"Safira is for Gavin and Gavin is for Safira!" Dugtong naman ni Asia sa kambal niyang si Cilicia. Inulit lang naman nila 'yong sinabi ni Alejandria eh.

Hawak-hawak pa rin ni Safira ang buhok ko. "Una sa lahat, hindi ko ginayuma si Gavin. Pangalawa, alam kong pangit ako. Ikatlo, imposibleng magustuhan niya ako. At ika-apat, alam kong hindi kami para sa isa't isa kasi mayaman siya at mahirap ako, kasi master ko siya at servant niya ako, kasi langit siya at lupa ako."

Mas lalong hinigpitan ni Safira ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Pinagsasampal na naman ako ng tatlong kaibigan niya habang tawa siya ng tawa. Kinuha ng kambal na sina Cilicia at Asia ang mga inumin nila ang binuhos ito sa akin.

"Good, you should know where you stand.. bulok ka na para sa masustansyang prutas, know your place, bitch." Naka-ngising sabi ni Safira.

"Ikaw naman kasi Zyria, pinagsabihan ka na namin pero hindi ka talaga nadala sabagay ano namang aasahan namin sayo? mahirap ka lang at malamang sa malamang bulok din 'yang kukote mo gaya ng mga bulok na kinakain niyo." Nagtawanan silang apat dahil sa sinabi ni Alejandria.

Tinignan ko lang sila. Pagod na pagod na ako sa ganitong senaryo sa buhay ko, paulit-ulit na lang.. nakakasawa na.

Binitawan ni Safira ang buhok ko at tinulak nila ako kaya sumubsob ako sa sahig. Tumayo silang lahat sa harapan ko at akmang sisipain nila ako ng..

"Sige subukan niyo, kapag dumampi 'yang maduduming paa niyo at kamay sa balat ng babaeng 'yan ipapatikim ko sainyo ang lasa ng impyerno."

"G-Gavin.." Napa-singhap ako sa sinabi niya. Marami pala ang nakaplibot sa aming mga tao, at halos lahat sila nagsinghapan.

"Sino ang nagbigay sainyo ng permiso na saktan si Honey girl?! Tell me who?!" Galit na galit na tanong niya sa apat, hindi makakibo sina Safira at nakayuko lamang sila at hindi nag abalang sagutin si Gavin.

"Answer me! Ano?! hindi kayo sasagot?! mga duwag kayo!" Nilapitan ni Gavin si Safira at mahigpit nitong hinawakan ang buhok ni Safira.

"Dahil kilala naman ako sa eskwelahang ito bilang demonyo so papanindigan ko na lang, wala akong pake kung babae kayo.. sinaktan niyo ang Honey girl ko kaya deserve niyo 'to.." at sinampal ni Gavin si Safira.

Napasinghap lahat ng tao sa paligid ko gusto ko mang awatin sila pero pagod na pagod ang katawan ko.

"BOYS!" Tawag ni Gavin sa apat niya pang mga kaibigan at biglang sumulpot sina Andrew, Briden, Paul at Kevin. "DO.THE.JOB.NOW." Madiing utos ni Gavin sa apat na kaibigan, nag panic na sina Safira dahil alam nilang napakademonyo talaga ni Gavin at wala itong sinasanto, wala itong nirerespeto.

Binuhusan ng apat na lalaki ng isang timbang patis sina Safira, nakakabigla 'di ba? pero tama kayo.

"Fire 'em!" Utos muli ni Gavin habang naka-ngisi ng malademonyo.

Pinagbabato nila Kevin sina Safira ng itlog. Nang maubos ang tig-iisang tray nila, binuhusan nila ng harina sina Safira at pagkatapos n'on ang ibinuhos naman nila ay vanilla extract. Nako jusko, pati sila naimpluwensyahan na ni Gavin.

"Tama na Gavin! Maawa ka sa amin!" Pagmamakaawa ni Safira habang nakaluhod pa ito.

Nabura ang ngisi sa mukha ni Gavin at napalitan ito ng galit. "Ano kamo? Maawa? Gago ka ba o sadyang gago ka lang talaga? hindi ako marunong maawa sa mga taong walang awa!" Napapa-iling si Gavin at muli siyang ngumisi. "Dinemonyo niyo si Honey girl at gusto ko lang higitan 'yong kademonyohan niyo, ako lang ang mandedemonyo diyan kay Honey girl at wala ng iba."

"Ano ba ang meron siya Gavin?! Bakit palagi mo siyang tinutulungan? Hindi hamak na mas maganda ako sakaniya! Mas makinis ako sakaniya at mas mayaman ako kaysa sakaniya!" Umiiyak na sabi ni Safira habang niyuyugyog ang binti ni Gavin.

"Lumayo ka sa akin Safira dahil baka mag dilim ng tuluyan ang mga mata ko sayo at baka sipain kita diyan na parang aso." Nagbabantang sabi ni Gavin kay Safira.

Hinila palayo nina Alejandria si Safira palayo kay Gavin.

"Boys, dagdagan niyo 'yang punishments nila bukas hindi pa ako na-satisfy sa ginawa niyo I want more." Bumaling si Gavin sa maraming estudyante. "Kung sino man ang magtatangkang saktan si Zyria Montefalco well I will help you taste your own medicine, demonyo ako.. ako lang ang demonyito ni Zyria at papanindigan ko magiging demonyo talaga ako once na may manakit pa sakaniya AND I have my words huwag niyo akong susubukan dahil baka hindi niyo magustuhan."

Nagbulungan ang maraming estudyante kaya muling inagaw ni Gavin ang atensyon nila lahat. "Again, whoever hurt my Honey girl I will make you regret it at luluhod ka talaga sa harap ko para magmakaawa, kahit sino ka pa wala akong pake, kahit bata ka man o matanda." Lumapit sa akin si Gavin at hinapit ako sa bewang. "Hindi naaani ang respeto sa pamamagitan ng edad, kung gusto mong irespeto ka matuto kang rumespeto ng iba."

Sa mga oras na ito may naramdaman akong init sa dibdib ko at hindi ko alam kung ano 'yon.

Mas lalo akong humanga kay Gavin, kung dati humahanga ako sa itsura niya ngayon pati 'yong puso niya hinahangaan ko na.

Hindi siya mabait na tao, pero may mabuting kalooban si Gavin at alam ko 'yon.. nakikita ko 'yon.

"Gavin.." I called out his attention, he looked at me coldly. "Thank you." I told him pero hindi siya ngumiti bagay na ikinabahala ko.

"Mag-uusap pa tayo." Malamig niyang utas at hinila na ako palayo sa maraming tao.

---

Sunshine_Sassy

Having You Beside Me (FT series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon