Chapter 19

7 0 0
                                    

Zyria's

Lumipas ang isang linggo.

"Late ka na naman miss Montefalco?!" Umalingawngaw ang sigaw ng propesor ko sa apat na sulok ng aming silid aralan.

Sa sobrang kaba ko hindi ako makangiti o makapagsalita man lang.

"Huling beses na 'tong mahuhuli ka sa klase ko! dahil kayong dalawa lang naman ni mister Garcia ang huli sa klase kayo na ang partner! make sure na maganda ang iuulat niyong dalawa dahil kung hindi.. ibabagsak ko kayong dalawa!"

Garcia? sino 'yon?

"Hoy walking pimples! ako 'yon!" Sigaw ni...

teka? siya 'yong nakaaway ko sa hallway ah, tandang tanda ko pa ang kaangasan ng mukha ng sira ulong 'to!

Awtomatikong kumunot ang noo ko. "Ikaw?!"

Umirap siya sa inis. "Drake Garcia, and you are?"

"Zy--"

"Okay nice to meet you walking pimple." and he smiled sarcastically.

"Letse ka talagang lalaki ka! dahil sayo nasisira ang araw ko!---"

"Miss Montefalco ano na namang ingay iyan?! nawala lang ako ng ilang segundo sumisigaw ka na naman?!"

Lahat yata ng dugo ko sa katawan ko ay umakyat sa pisngi at mukha ko. Ilang beses na akong napapahiya, nakakahiya na.

"Iiwan ko kayo dito dahil may urgent meeting kami, siguraduhin niyong lahat na maayos ang ipepresent niyo bukas lalo na 'yong dalawa diyan na hindi palaging LATE." She said while emphasizing the word late, she's referring to me and to this jerk named Drake.

Nang makaalis na si ma'am binalingan ko si Drake, tatawa tawa pa siyang ugok siya.. sakalin ko siya diyan eh.

"Anong ginagawa mo dito? at bakit ka nandito ha?" Inis kong tanong sakaniya.

"Malamang mag-aaral ako! gamitin mo nga 'yang coconut shell mo!" Biglang sumeryoso ang mukha niya, "Tulungan mo ako sa paghahanap ng topic para bukas ha?"

"Oo, tungkol saan ba 'yan?"

Naningkit ang mga mata niya. "About culinary arts!" Sarkastiko niyang tugon sa tanong ko, "Bopols! malamang about sa creative writing! ang hina mo talagang walking pimple ka!"

Ewan ko pero imbes mainis ako sakaniya natawa na lamang ako.. natatawa ako sa itsura niya, namumula siya kapag naiinis siya.

"Ano na namang tinatawa-tawa mo diyan? alam kong cute at gwapo ako!"

Kunwari nabilaukan ako dahil sa sinabi niya. "Jusko! dapat North Pole ang pangalan mo! tinalo mo pa 'yong lamig doon ha? ang hangin pre, ang presko mong ugok ka."

"Alam mong tigyawat ka? imbes magdaldal ka diyan mabuti pa't tulungan mo na lang ako dito!" Naiinis na sabi niya habang nagbubuklat ng sobrang kapal na libro.

Napapailing akong tumabi sakaniya. "Ano bang maitutulong ko sayo?"

"Siguro crush mo ako 'no? didikit-dikit ka sa akin ha! akala mo hindi ko nahahalata? kapag tinitingnan mo ako pumupuso puso 'yang mata mo!"

Nakahablot ako ng isang libro at hinambalos ko 'yon sakaniya. "Walang tatalo sa kapal ng mukha mo 'no?"

"Wala talagang tatalo sa alaska."

Dahil sa sinabi niya nagtawanan pati 'yong ibang kaklase namin.

"Isa pa at ibabato na kita sa Antartic Ocean ha." Pagbabanta ko sakaniya.

Hindi na siya umimik pa at tumawa na lamang siya.

***

Nandito ako sa bakuran, nakaupo ako sa damuhan at nakasandal sa bench.

Ang ganda ng gabi, umaga na doon kina Gavin panigurado.

"Gavin...umuwi ka na." Bulong ko sa kawalan habang nakatingin ako sa mga bituin sa kalangitan.

"Zyria! pumasok ka na dito! gabi na! baka malate ka na naman niyan bukas!" Sigaw na naman ni nanay.

"Opo! papasok na po ako!"

Hindi ko na narinig na nagsalita pa si nanay, pinagpag ko ang pajamas ko at naglakad na papasok sa bahay.

"I'm not psychic actually I can only read people but not their minds, I can only their expressions and sometimes their behaviors." Drake explained to me.

Naalala ko na naman 'yong sinabi sa akin ni Drake.

We're not friends.. I dunno, but he's nice, puno siya ng sense of humor, siya nga ang class clown namin eh.

Magaling din magbigay ng payo si Drake, naikwento ko kasi sakaniya 'yong tungkol sa sitwasyon namin ni Gavin.

"Kung mahal ka talaga ng Gavin na 'yon, hindi ka niya iiwan.. pero kung talagang mahal na mahal ka niya, babalik siya." Drake told me.

"Babalik siya.. alam ko." I reasoned out.

He grinned annoyingly. "It's been three years.. almost four years, hintayin mo siya but if I were you hindi ko hahayaang umikot ang mundo ko sakaniya, bakit? hindi naman dapat ginagawang mundo ang isang tao lang saka hindi dapat tao ang maging kasiyahan mo," he stared at me seriously, "dapat ang kasiyahan natin ay kasing lawak ng kalawakan para kapag nawala 'yong isang tao o bagay na nagpapasaya sa atin hindi gaanong masakit."

"Tama ka naman pero malaki ang tiwala ko kay Gavin, kilala ko siya.. may isang salita siya at may paninindigan."

"Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal 'no? nagagawa pang umasa ng mga tao kahit alam naman talaga nila sa sarili na wala na." Napapailing sa saad niya sa akin.

Umikot ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "How you even been in love? naramdaman mo na ba kung paano pahalagahan at kung paano magmahal? siguro hindi pa 'no--"

"Yes, nagmahal na ako," Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi niya, "nagmahal ako sa maling tao, sa maling oras, sa maling panahon, at sa maling pagkakataon."

"Pero bakit ka naman ganiyan?---"

"Nagmahal ako at hindi iyon nasuklian, how ironic."

Magsasalit pa sana ako ng ilipat niya na 'yong topic namin.

Dahil sa napag-usapan namin ni Drake ang pag-mamahal, nagkaroon kami ng ideya para sa irereport namin kinabukasan.

Umikot ang topic namin sa tanong na "Why do you write and why do you love it?"

Halos lahat sa klase nakicooperate at ang nakakatuwa pa kasi kami ni Drake 'yong may pinakamataas na score!

Mabait naman pala 'yong baliw na Garci na 'yon, sadyang makulit lang talaga siya.

Napapangiti ako habang naaalala ko 'yong maikling oras na kasama ko si Drake. Nakakatuwa siyang kasama pero mas masarap kasama si Gavin.

Kahit ilang segundo, minuto o oras pa ang tumagal.. maghihintay ako kahit wala ng kasiguraduhan.

***

"Class dismiss." Anunsyo ng propesor namin.

Nagsitayuan na kami at nag ayos na ng mga sarili namin para sa susunod na klase. One last subject at makakauwi na ako! yes!

Nagvibrate ang cellphone kong nasa bulsa ng pencil skirt ko. I fished it out.

Kumalabog ang puso ko dahil sa saya, tuwa at kaba ng makita ko sa screen ng telepono ko ang isang mensahe na galing sa taong matagal ko ng hinihintay.. sa taong mahal ko at sobrang mahal ko.

Nanginginig 'yong kamay ko at hindi ako mapakali habang pinipindot ko ang mensahe na galing kay Gavin.

Fr: Gavin

I miss you, see u soon.

---

Sunshine_Sassy

Having You Beside Me (FT series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon