Zyria's
"Dumiretso ka sa Yellow Town Village, Locsin Street #014 'yan ang adress ng bago nating titir'han, nauna na ako sumunod ka na lang dala ko na lahat ng gamit natin -Nanay"
Matapos kong basahin ang note na nakadikit sa lumang ref dito sa bahay napabuntong-hininga ako as in malalim na hininga.
Bago ako umalis nag emote muna ako, nilibot ko ang buong bahay at ng matapos kong libutin ito naupo ako sa salas at inalala ko ang malulungkot at masasayang alaala ko sa bahay na ito lalo nang mga panahong kami ay buo pa.
"Years from now akin ka na Patpot," I sighed heavily. "Babalikan kita, hintayin mo'ko ha?" Sabi ko at saka tumayo na ako at dumiretso na sa pinto para isarado na ito, para isarado na ang kabanatang iyon ng buhay ko.
Ni-lock ko na rin ang gate, mula sa labas tiningnan ko muli ang bahay na bumuo sa pagkatao ko, tinitigan ko ito na para bang minememorya ko ang bawat sulok nito.
Mabigat ang loob ko ng tumalikod ako rito. Naging mabigat ang bawat hakbang ko palayo sa bahay na 'yon, palayo sa bahay na humubog sa akin.
May bumubulong sa akin na balikan ang bahay pero mas pinili kong maglakad lang ng diretso kaya lang 'di ko napigilan kaya't muli akong lumingon at tuluyan na akong umiyak.
***
Nag doorbell ako sa bagong bahay na titirahan namin, malaki.. sobrang laki.
Bumukas ang kulay asul na gate at sinalubong ako ni nanay ng kurot. "Bakit ka ginabi ha? alas otso na ng gabi Zyria Montefalco!" Asik sa akin ni nanay pero alam kong nag-alala lamang siya.
Mapait akong napangiti sa kaniya. "Sorry 'nay, nag emote mun---"
Peep! Peep! Peep!
Agad akong hinila ni nanay para tumabi dahil sa busina ng itim at magarang kotse, dumiretso ito sa garerahan at lumabas dito ang isang demonyo.
"G-Gavin?" Singhap ko ng makita ko ang demonyitong prinsipe.
"Oh? bakit? kilala mo na pala siya anak!" Natutuwang sabi sa akin ni nanay at hinahampas pa ang braso ko.
Dire-diretso siya ng lakad papasok sa mansion niya. Grabe! ang ganda ng bahay niya, sobrang gara as in.
"Wow 'nay? dito tayo titira?" Mangha kong tanong sa inay ko.
Tumango siya sa akin bilang sagot. "Oo 'nak, sa Tuazons tayo magsisilbi, ikaw ang magiging spy ni Gavin at dapat tulungan mo siya sa mga requirements niya okay? kababata ko rin nga pala ang mga magulang ni Gavin." at sinarado niya ang gate.
Nagulat na lang ako sa sinabi ni nanay, hindi pa man ako nakaka-recover hinila niya na ako papasok sa mansion. "Tara na sa loob at madilim na dito sa labas, kumain ka na rin."
Pagpasok ko I noticed something.
"Ang lungkot naman dito, ang laki ng mansion nila pero siya lang mag isa dito ang nakatira." Bulong ko sa sarili ko.
"Huwag kang maingay 'nak baka marinig ka ni Gavin." Bulong sa akin ni nanay kaya agad kong tinakpan ang bibig ko.
Ipinaghanda ako ni nanay ng pagkain at nagsimula na akong kumain.
Hindi man lang muling bumaba si Gavin, nand'on lang siya sa kwarto niya.
"Nay? si Gavin po ba hindi pa kakain?" Tanong ko sa nanay kong umiinom ng mainit na kape.
Umiling siya. "Tapos na 'yon kumain kanina pang alas-syete." Tugon ni nanay sa tanong ko, napatango na lamang ako sa sagot niya.
Matapos kong kumain dumiretso ako sa kwarto ko, sinarado ko ang pinto at nagmuni-muni.
Wow! may study table pa ha! ang bongga 'day ha! Ready na talaga yung kwarto ko, ang ganda naman. Salamat sa parents ni Gavin.
Nagbasa ako ng mga libro na nandoon sa study table ko, nag advance reading na din ako sa mga lessons namin sa science at mathematics.
Nang maboring ako napagpasiyahan kong lumabas ng kwarto ko at magtungo sa terrace. Hindi ko inalintana kahit ala-una y media na ng umaga, hindi pa rin kasi talaga ako makatulog ayos lang naman kasi walang pasok bukas.
Nang marating ko ang terrace namangha ako sa ganda ng tanawin na nakikita ko mula sa kinatatayuan ko. "W-Wow! ang ganda naman dito!" Napapatiling saad ko.
Kaya lang natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Gavin, "Silly.."
Tinignan ko siya at nginitian ng peke, kailangan ko siyang pakisamahan ng maayos kahit na inaway ko siya nung isang araw.
"What are you doing here? Can't sleep?" Usisa niya habang malayo ang tanaw ng kaniyang mga mata.
Ibinalik ko ang tingin ko sa nagtataasang gusali na may magagandang ilaw. "Parang gan'on na nga." Kasunod nito ang nakaka-awkward na katahimikan.
"I'm sorry from now on expect nothing from me, I won't talk to you anymore, I don't know you and you don't know me." Biglang pahayag niya at umalis na sa terrace.
Sinundan ko lang siya ng tingin. "Woah? nag sorry siya, but what does he mean by that?" Bulong ko sa sarili ko.
Inaliw ko ang sarili ko sa nag gagandahang gusali at sa mga ilaw nila. I love city night lights.
Ihinilig ko ang ulo ko sa center table na nandito sa terrace. Ipinikit ko ang mga mata ko habang pinapakiramdaman ang paligid at habang ninanamnam ko ang simoy ng hangin.
***
Nagising ako dahil sa liwanang ng araw na tumatama sa aking mukha. Kinapa ko ang mata ko at nagtanggal ng muta. "Hala! nakatulog pala ako dito." Nag-inat ako at muling humikab.
Tumayo na ako at aalis na sana ako ng terrace ng dumating dito si Gavin. "G-Good morning Gavin!" Gulat kong bati sakaniya.
Dinaanan niya lang ako na parang hangin, why expect such simple greetings from him?
I shrugged then left. Ayokong masira ang araw ko ng dahil lang sakaniya. He's not worth it after all. Bumaba na ako sa salas at dumiretso sa kitchen.
"Good morning 'naaaaay!" Bati ko sakaniya ng naka-ngiti.
Tinignan niya ako at ngumiti siya. "Mukhang masaya ka 'nak ha?"
"Oo naman 'nay! dapat happy lang lagi!" Saka tumawa akong pagak.
"'Yan tama 'yan anak, ihatid mo muna 'tong pagkain ni Gavin sa terrace pagkatapos bumalik ka dito at kumain ka na din." Tumango ako at kinuha na ang tray na may pagkain ni Gavin.
Nang marating ko na ang terrace. "Gavin, ito na pala yung pagkain mo." Binalingan niya lang ako at muli niyang ibinalik ang tingin niya sa kawalan.
"Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka pa ha? enjoy eating." At tumalikod na ako para umalis.
Bumalik ako sa kusina para kumain din ng almusal. Tinanghali na pala ako ng gising alas-nueve na kasi.
Pagkatapos kong kumain, nag pasiya na akong maligo. Kaya lang minamalas yata ako eh, sa kalagitnaan ng pag ligo ko namatay yung shower.
Sinuot ko ang bathrobe na nandito sa cr at dali-dali akong lumipat sa katapat kong kwarto.
Dali-dali akong nagbanlaw at pagkatapos ko nagulat ako sa nakita ko...
---
Sunshine_Sassy
BINABASA MO ANG
Having You Beside Me (FT series #1)
Teen Fiction"Hindi dapat iikot ang kasiyahan mo sa iisang bagay, iisang dahilan, at iisang tao kasi lahat nagbabago, baka 'yong nagpapasaya sayo ngayon baka 'yon naman 'yong magpaiyak sayo, baka 'yon naman 'yong dudurog sayo." Naalala ko ang sinabi sa akin ni D...