Chapter 17

9 0 0
                                    

Zyria's

Hinagkan niya rin ang noo ko. "This rings was my parent's wedding rings, binigay nila ito sa akin at gusto daw nilang ibibigay ko 'to sa babaeng spesyal sa akin, ito rin ang isa sa mga birthday gifts nila sa akin."

"So.. sa akin mo binigay? espesyal ako sayo?"

He nod his head. "You're my special gem." Niyakap niya ako mula sa likod ko at at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Maaga ka pa bukas 'di ba? siguro kailangan na nating matulog." Pag-iiba ko ng usapan at tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko.

Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan. "Wala 'yon.. let's spend this night together u der the moonlight."

"Pero Gavin maaga pa ang alis niyo bukas baka malate ka ng gising---"

"Sige na please pagbigyan mo na ako ngayon.. huling gabi na 'to eh." Malungkot niyang utas sa akin habang pinipisil pa ang kamay ko.

Wala akong nagawa kundi umupo muli sa tabi niya. "Oo nga huling gabi na 'to." Malungkot kong sabi.

"Yeah pero hindi dito magtatapos lahat ng bagay sa pagitan nating dalawa." Pinilit niyang humarap ako sakaniya upang matitigan ako ng mabuti. "Ito pa lang ang simula Honey girl and I swear walang katapusan 'to."

Nanubig na naman ang mga mata ko. "Kaya lang ang hirap naman ng sitwasyon natin Gavin," I sob, "Mahirap kapitan 'yong mga bagay lalo na kung alam mong wala kang pinanghahawakan sa buhay niya at lalong-lalo na kapag wala kang mahahawakan para kapitan."

Magaan niyang pinitik ang noo ko. "May mahahawakan ka.. 'yong dalawang kamay ko.. 'yong puso ko."

Tumawa ako ng pilit. "Alam mo 'yong feeling na parang tayo pero hindi? 'yong feeling na parang couple tayo pero parang walang label?" Dahil sa frustration ko hinampas ko ang dibdib ko. "Sabihin mo nga sa'kin.. ano ba ako sayo? ano ba tayo?"

Imbes sagutin ang tanong ko tinitigan niya lang ako. "Hindi naman lahat ng tanong ay dapat sagutin minsan alam mo na 'yong sagot pero mas pinipili mong maging bulag."

Napailing na lang ako at inabot ko sakaniya ang isang papel kung saan nakasulat ang tulang ginawa ko.

"Our seasons?"

"Yah iyan ang title."

"I love your set of eyes
Even if it's cold as ice
I love it when you smile
It's like the sparkle of a stars

Everytime I close my eyes
All I can see is you and I
Reminiscing our precious memory
Hoping that next day you're still with me

I love you like how I love the winter season
I know it's cold but I'm willing to hug you
I miss you like how I love the summer season
I know it's warm but I'm willing to love you

You're the reason why I love rainy season
Every drop of my tears you are the reason
But I hope we're not like the spring season
That we'll be together only to fall apart at the end." Basa niya sa ginawang tula ko. Alam kong pangit lalo na't wala pang rhyme.

Pero sana kahit man lamang sa tulang 'yan ay maiparating ko sakaniya ang isinisigaw ng puso ko.

Kahit man lamang sa tulang 'yan masabi ko sakaniya ang mga bagay na 'di masabi ng bibig ko. Now I know.. mahal ko na nga ang demonyitong prinsipe na si Gavin Tuazon.

***

Nagpapaalamanan na sila nanay, tita Ginna, at tito Melvin. Hindi ko mahagilap ang demonyitong 'yon kaya napagpasiyahan kong umakyat na lang at mag kulong sa kwarto ko.

Pag pasok ko sa kwarto ko. "Ay itlog ka!" Gulat kong bulalas.

Sinarado ko ang pinto ng kwarto ko at pinameywangan si Gavin. "Hoy ikaw! lumayas ka nga dito sa kwarto ko! umalis ka na malilate na kayo oh! hinahanap ka na sa baba!" Kunwari galit at inis kong sabi sakaniya.

Nilapitan niya ako at yumakap siya mula sa aking likuran. "Wag ka ng umiyak Honey girl.." Malambing na sabi sa akin ni Gavin.

Siniko ko siya kaya agad siyang humiwalay sa akin at kunwari ay namimilipit siya sa sakit. "For your information hindi ako umiiyak 'no!---"

"Sus ko eh basa na nga 'yang pisngi mo eh idedeny mo pa?"

Agad kong pinunasan ang pisngi ko. "That's why I hate you! pa-fall kang demonyo ka talaga!" Tinulak-tulak ko si Gavin palabas ng kwarto ko. "Umalis ka ng demonyo ka para maayos na ang buhay ko! para mapayapa na at tahimik! para hindi na ako iiyak palagi mo na lang ako pinapaiyak eh! labas na!" Pero imbes na lumabas siya niyakap niya ako ng mahigpit.

"Itulak mo ako ng itulak, paalisin mo lang ng alisin, babalik at babalik pa rin ako sayo at sa bawat pagbalik ko sayo masasabi ko na nakakonekta talaga ang puso ko sayo." Bulong niya sa akin habang hinahaplos niya ang buhok ko.

Hinarap ko siya at muling tinulak palayo sa akin. "Nakakainis ka! pag dating ko dito sa bahay na 'to hindi naman ako iyakin eh! pero dahil sayo naging iyakin ako!"

Muling yumakap siya sa akin ng mahigpit. "Sshhh... hintayin mo ako okay? babalik ako.. babalikan kita.."

"K-Kung ganon hihintayin kita.. hihintayin kitang demonyo ka."

Kumalas na siya sa pagkakayakap niya sa akin at sinapo niya ang mukha ko. "Pangako babalik ako." at kasunod ng pangako niya ang matamis na halik sa labi, "Mahal kita.. mahal na mahal na mahal kita." at hinalikan niya ang ilong ko.

Tumalbog ang puso ko sa saya. 'Yon ang mga salitang hinihintay ko.

Nginitian ko siya. "Mahal din kita, sige na malilate na kayo." Bago niya lisanin ang aking kwarto niyakap niya muli ako ng mahigpit na mahigpit.

Nang kumalas siya siniil niya ng halik ang labi ko. "Babalik ako.. babalikan kita.." at hinagkan niya ang noo ko, ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.

Naglakad na siya palabas sa pintuan ng kwarto ko nang lumingon siya sa akin. "Babalikan kita Honey girl."

Akala ko aalis na siya pero naglakad siya pabalik sa akin at hinalikan niya ulit ako na malugod ko namang sinuklian ng mas matamis na halik. "Pag talikod ko sayo hindi na ako lilingon ulit kasi baka bumalik lang ako at hindi na ako makaalis pa." Ipinagdikit niya ang mga noo namin.

"Tatalikod na ako Honey girl at hindi na ako lilingon ha? promise me na magiging matatag at malakas ka, mangako kang magiging maayos ka." Madiin ang mga tingin niya sa akin habang magkadikit pa rin ang aming mga noo.

"Magiging maayos ako para sayo, gusto kong tuparin mo ang mga pangarap mo at ayokong hindi ka tumuloy doon dahil lamang sa akin."

"That's my girl."He smiled at me then again he kissed my lips.

Ilang segundo ang itinagal ng halik na iyon at natapos sa mahigpit na yakap hanggang sa tumalikod na sa akin si Gavin at hindi na nga ito lumingon pa at ang narinig ko na lang ay ang pag sarado ng pintuan at ang mga yabag ng paa niya palayo sa akin.

Walang kasiguraduhan kung anong araw, anong buwan, anong oras, at kung anong taon siya babalik pero ang panghahawakan ko lang ay ang mga pangako niyang binitawan bago siya lumisan kahit na walang kasiguraduhan.

Kung ano man ang natutunan ko kay Gavin 'yon 'yong hindi dapat iikot sa isang tao o isang bagay ang kasiyahan mo dahil walang permanente sa mundo at kapag lumisan 'yong bagay o tao mahihirapan tayong ibalik 'yong dating tayo.. dating tayo kung saan wala pa sila at tayo pa lang mag-isa.

Mahirap man tanggapin pero kailangan. Mahirap man tanggapin pero nararapat.

Truth is never easy, it is not black and white and in reality we were never truly ready to accept it.

Mahirap gumising sa bawat araw na wala ng mang-aasar, wala ng magpapaiyak, wala ng magpapasaya sa akin.

Siya 'yong saya at mundo ko at mali pala 'yon kasi hindi na ako makabalik sa dating ako kung saan wala pa siya at hindi ko pa siya kilala.

---

Sunshine_Sassy

Having You Beside Me (FT series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon