Chapter 5

8 0 0
                                    

Zyria's

Hindi pa ako nagtatagal dito sa mansion ni Gavin pero grabe na 'yong padusa niya.

"Ano pong utos niyo?" Walang buhay kong tanong sakaniya. Pinatawag niya kasi ako dito sa bedroom niya.

"Help me to sleep." Sabi niya habang hindi maka-tingin sa akin.

Help me to sleep. Help me to sleep. What does he mean by that? Uh oh, not me Gavin! not me!

"G-Gavin, m-may pangarap p-pa ako! a-ayoko--"

"Anong bang iniisip mo?!" Asik na naman niya sa akin. Magkasalubong na ang makakapal niyang kilay.

"H-Ha? D-Diba s-sabi mo--"

"I-I cant s-sleep! That's why I am asking for your help! Besides your my maid here and I am your master, you should sing for me so that I can sleep!"

"Nahihiya ka ba Gavin?" Tanong ko sakaniya kasi hindi na siya makatingin sa akin, gusto ko ng humagalpak sa tawa.

"Tatawagin ko si nanay sasabihan ko siyang siya na lang magpatulog sayo." Natatawang sabi ko sakaniya tumalikod na ako para lumabas ng kwarto niya ng kabigin niya ang kamay ko.

"That's my order! Take it or take it?!" At marahas niya akong isinandal sa pintuan ng kwarto niya.

"T-Take it." Takot kong sagot ko sakaniya.

Ilang segundo pa kami sa gan'ong posisyon, mariin siyang nakatitig sa aking mga mata hanggang sa bitawan niya ang braso ko at humiga na siya sa kama niya. "P-Please help me sleep, I am h-having a hard time lately when it comes to like this.. I-I can't sleep." Masuyo niyang pakiusap.

"Alam mong demonyo ka, nadadaan ako sa pakiusap!" Asik ko sakaniya, pinameywangan ko siya at pinagtaasan ng kilay, tinignan niya ako habang magkasalubong na naman ang makakapal niyang kilay.

"Oh ano? lalaban ka? sige ka di kita papatulugin!" Hamon ko sakaniya kaya biglang umamo ang mukha niya. Para siyang leon na biglang umamo.

Naupo ako sa tabi niya at hinaplos-haplos ko ang red-orange niyang buhok, sinabayan ko na rin ng lullaby. Lumipas ang mga segundo't minuto mukhang nakatulog na nga siya, malaya kong pinaglakbay ang aking mga mata sa mukha niya.

Takte! ang gwapo pala ng demonyong 'to? heart-shaped 'yong labi niya na namumula-mula pa, makakapal ang kilay niya na maganda ang kurba, matangos na ilong, mahahaba at makakapal na pakurbang pilikmata. "Gwapo ka palang demonyo ka?"

"Sinong demonyo?" Nagulat ako ng sumagot siya tapos nakamulat ang isa niyang mata. Umayos ako ng upo kasi na-realize ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin. Zyria! mag hunos-dili ka!

Nakakahiya ka Zyria! Nakakainis 'tong bibig ko! Iniisip ko lang naman 'yon tapos bigla kong nasabi! Waaaaah!

"A-Ano nakakatulog ka na ba?"Iniba ko ang topic. Nakakahiya ako oh my g!

"A little, please help me to sleep.. I can't sleep lately b-because November is now fast approaching so p-please.." Mahina niyang pahayag. Anong meron sa November? Araw ng mga patay?

I'm still curious but I gently caressed his hair softly while singing lullaby. Who are you Gavin Tuazon?

I don't know you but I think you need some help.

***

Nakatulog ako sa kwarto ni Gavin kagabi kaya pagkagising ko dumiretso ako sa cr ng kwarto ko.

Napa-face palm ako ng makita ko ang mga tuldok ng marker na kagagawan ni Gavin Tuazon."GAAAAVIIIIIN!!! DEMONYO KA TALAGAAAA!"

Nanggagalaiti ako habang naglilinis ng mukha ko. Nang matapos na ako nagpasiya na akong bumaba sa salas at magtungo sa kusina upang mag almusal.

"Ipagtimpla mo ako ng kape." Salubong niya sa akin habang nagbabasa ng libro, nakapatong pa sa dining table 'yong paa niya! just wow Gavin.

Napairap ako sa kawalan. Kalma Zyria! Kalma! Nang matapos akong magtimpla ng kape inilapag ko ito sa tapat niya. "Nasaan si 'nay?"

Sinulyapan niya ako at muli niyang ibinalik ang mga tingin niya sa librong binabasa niya. "Itanong mo sa unggoy." Simpleng sagot niya.

"Kaya nga nagtatanong ako sayo eh.." Mahinang bulong ko pero narinig niya pala.

"WHAT?!" Asik niya saka humigop ng kape, nagulat ako ng bigla niya itong naibuga at namumula ang mukha niya.

"BAKIT ANG ALAT NG KAPE?! GINAGANTIHAN MO BA AKO?!" Galit na galit na galit na sigaw

"H-Ha? H-Hindi ko sinasadya!" Natatarantang agap ko. Lutang lang talaga ako, hindi ko nga alam na asin pala 'yon! Magkatabi kasi 'yong asin at white sugar! malay ko ba!

"Pagbabayaran mo 'tong bruha ka! Witch!" At dinuro niya pa ako, pinanlisikan niya ako ng mga mata niya at umalis na sa kusina.

"Demonyito ka nga eh." Natatawang sabi ko. Wtf! nakakatawa 'yong itusra niya! Have you seen it guys? grabeeee! HAHAHAHAHA

***

Tanghali na pero wala pa rin si nanay kaya nagpasiya akong maglakad-lakad dito sa bakuran.

Iniisip ko 'yong itsura ni Gavin kanina eh, natatawa ako para akong timang na tumatawa ng mag-isa ng biglang umikot ang mga mata ko ng marealize kong...

"KYAAAAAAH!!!" Tili ko dahil nakabitin ako patiwarik, nakapalda ako pero may short ako 'no!

Inikutan ako ni Gavin at pinagmamasdan ang suot kong short. "Princesses fan ka pala? sorry to tell you pero 'di 'yan bagay sayo! you look like witch."

Disney princesses kasi ang designs ng shorts ko. "Witch ako?! mandiri ka sa mukha mo! aroganteng demonyo ka! prinsipeng demonyito ka!"

"Aba ha? tumatapang ka yata lately?" Maangas niyang tanong sa akin.

Napa-ngisi ako. "Alangan naman magpatalo ako sayo? Kung demonyo ka mas may idedemonyo ako sayo! Saka ikaw 'tong nang-uutos at ako ang inuutusan mo! it means dapat di ako matakot sayo kasi ikaw ang nagdedemand!"

"Blah! Blah! Whatever you say! 'Wag kang titingin sa salamin ha? baka matakot ka!" Ganti niyang asar sa akin.

"Bakla ka kasi! Bakla!" Ganti ko ulit. Aba ako yata si Zyria Montefalco 'di ko ipapatalo ang lahi ni tatay sa isang demonyitong 'to.

"Sige lang gan'yan ka lang Zyria at hindi kita ibaba---"

"Sige na! Kahit ano gagawin ko basta ibaba mo ako dito!" Galit kong utas habang tinuturo-turo ko pa siya.

"Say please.." Pang-aasar pa ni Gavin na may kasamang beautiful eyes.

"P-Please..." Wala sa sariling sabi ko.

He crossed his arms. "Sabi mo kahit ano gagawin mo 'di ba? so sing for me." Hamon niya sa akin.

I cleared my throat. "I will sing This I Promise You."

I closed my eyes. "When the visions around you bring tears to your eyes and all that surround you are secrets and lies" This song is my favorite song it's as if Lord God is singing for me. "I'll be your strength, I'll give you hope keeping your faith when it's gone the onr you should call was standing here all along."

Ipagpapatuloy ko pa sana ang pagkanta ko ng bigla niya akong pinatigil at maingat niya akong ibinaba sa lupa. I saw a glint of pain in his eyes.

"I can be your friend, you can count and lean on me." Sabi ko sakaniya pero mapait siyang ngumiti. Oh God! Ayos lang kung laging galit ang itsura ni Gavin ayoko lang makitang malungkot siya!

"I have no plan of building friendship with you, besides you don't belong to me." Malamig niyang saad. Puno ang mata niya ng takot at lungkot. Who are you Gavin? Mas gusto kong makita 'yong maangas na Gavin kaysa sa malungkot na Gavin.

"I don't belong with you because you're rich and I'm not?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Pati ba naman siya? Halos lahat ng schoolmates ko gan'yan eh! pati ba naman ikaw Gavin?

"Makikipagkaibigan ka kasi naaawa ka sa akin?" Pagak siyang napatawa habang napapa'iling.

"No. I wanna be friends with you because there's something in you that pulls me closer, trust me I will make you happy." I told him but he left me.

---

Sunshine_Sassy

Having You Beside Me (FT series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon