Zyria's
November 14 na pala ngayon akalain mo 'yon? Magtatagal pala ako ng ilang buwan dito sa pamamahay ni Gavin! Bilib na'ko sayo Zyria!
After ng sinaryo sa bakuran bumalik sa dati si Gavin, bumalik siya sa pagkademonyo niya. Mas malala pa ang mga parusa niya sa akin.
Kinulong niya ako sa cr na walang ilaw, kinulong niya ako sa cabinet, binato ng cake sa mukha, lagi naman akong binabato ni Gavin ng itlog eh, itali sa malaking kahoy sa bakuran, ipahiya sa maraming tao, painumin ng suka o kaya toyo o 'di kaya ay patis, pintahan ang mukha ko kasi love niya daw 'yong arts, at maraming iba pa.
Natatawa na lang ako kasi minsan 'yong mga ginagawa niya sa akin parang naglalaro lang kami tapos nauuwi 'yong asaran namin sa kulitan, parang bata lang kaming dalawa.
Ala-una y media na ng umaga pero nandito ako sa hagdan paakyat sa rooftop, wala lang 'di kasi ako makatulog magpapaantok muna ako. Pagkarating ko sa rooftop walang bituin, walang sinag ng buwan, malungkot ang kalangitan at tama nga ang hinala kong uulan. Bumagsak ang makapal na ulan.
Aalis na sana ako ng makita ko ang presensya ni Gavin, hindi siya natitinag sa lakas at lamig ng ulan. "GAVIIIN! ANO BANG GINAGAWA MO D'YAN?! BALAK MO BANG GUMAWA NG MUSIC VIDEO SA GITNA NG ULAN?! 'WAG NGAYON!" Sigaw ko kasi baka hindi niya ako marinig kasi sobrang lakas ng ulan.
"Iwan mo na ako! Hindi kita kailangan! Gusto kong mapag-isa!" Galit na galit niyang sigaw sa akin. Hinubad ko ang makapal kong jacket at ipinatong ko ito sa ulo niya tumingkayad pa ako para maabot siya.
Tinulak niya ako pero hindi ako natinag, mariin kong tinitigan ang mga misteryosong mata niya. "Umiiyak ka ba?" Tanong ko, nag-aalala.
Inabot niya sa akin ang maliit niyang kutsilyo. "Kill me now, gantihan mo ako ngayon! Ito na 'yong oras para gantihan mo ako! Take my own life! Kill me now Zyria!" Kinuha ko ang kutsilyo sa kamay niya at ibinato ko ito sa malayo.
I held his hand. "Calm down Gavin." I sighed. "And I will take you in my arms and hold you right where you belong till the day my life is through this I promise you.." Kinantahan ko siya.
Pinunasan ko ang pisngi niya. He's in a midst of a lot emotions, pain, fear, hatred, sadness, and loneliness. "Bakit ka ba umiiyak ha?" I asked him.
He hugged me and answered me. "I-I'm in a t-total chaos." I asked him why then he told me that, "Today is my little sister's death anniversary and it's also her eleventh birthday, she died because of me."
So that is the reason why he acts like that?
"Namatay si Gabriella dahil nabunggo siya ng isang sasakyan. I can still remember everything like as if it just happened yesterday, it was her seventh birthday we went to a park to have some fun saktong may biking area pala doon so Gabby and I tried it." He smiled sadly then he continued. "I didn't notice na nakalabas na pala si Gabby sa biking place imbes na tulungan kami tuloy-tuloy lang ang kotse at hindi man lamang ito tumigil."
I caressed his back it's my own way of telling him that I am here for him. "I will listen."
"My parents blamed me for what had happened to my sister then they decided to left me here.. alone." He smiled bitterly. "Pinaramdam niyo sa akin kung gaano kasarap kapag may pamilya ka." I smiled at him.
"You know what lagi ko 'tong ginagawa sa sarili ko every birthday at death anniversary ni Gabby ganito ang ginagawa ko madalas kasi kapag November 14 maulan pero kapag hindi umuulan binababad ko ang sarili ko sa shower---"
I cutted him off. "Stop blaming yourself! Hindi mo 'yon ginusto, walang may gusto n'on Gavin! Stop thinking that it was your fault, stop blaming yourself it will only drag you down but instead lift yourself up!"
"Kaya ikaw.. kayo.. kung iiwan niyo lang din naman ako, huwag niyo ng patagalin kasi sawa na ako." Sumabay ang patak ng luha niya sa patak ng ulan. "I hate crying it makes me look like gay." Naiinis niyang sabi habang pinapahid ang mga luha niyang rumaragasa sa pisngi niya.
"Crying is not weakness it's a sign that you've been strong for a long time and you need some break." I told him. I gave him my assuring smile. I held his hand. "Sasamahan kita Gavin, hindi ka na mag-iisa, sabay tayong iiyak, sabay tayong malulungkot, sabay tayong tatawa, sabay tayong matatakot."
He smiled at me. "I have money and everything but there's only two things that I don't have.."
"Ano naman 'yon?"
"I don't have family and happiness, money can't buy it."
"You have me and my mom, you're not alone anymore."
"Sometimes I wonder, bakit pa kayo nananatili sa akin kahit ang sama ko sainyo lalo na sayo."
Tumawa ako para gumaam 'yong mood ng paligid namin. "Kasi mawawalan kami ng trabaho, kasi gusto kitang damayan at samahan, dahil--"
"Dahil ano? Dahil may utang na loob ka sa mga magulang ko?"
"Kasama 'yon!"
"Dahil naaawa ka sa akin?"
"Hindi 'no! assuming ka!" I lied.
"Bakit nga?!"
"Dahil gusto ko lang! I told you there's something in you that pulls me closer, something that making me stay with you despite of what you have done to me."
"Crush mo'ko 'no? yuuuuck!" Kunwari nandidiring sabi niya akin.
"Ikaw? Crush ko? Yuuuck! kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!"
"Kilabutan ka sa mukha mo!" Biro niya pabalik saka pinitik ang noo ko.
"Prinsipeng demonyito ka talaga!" Naiinis kong sigaw.
"Princess witch!" Tawag niya din sa akin. Imbes mainis natuwa ako, does it mean na friends na kami?
"So magkaibigan na ba tayo?" Naka-ngiting tanong ko sakaniya.
"Hindi pwede! Masama ang ugali ko! Hindi mo deserve ng isang kaibigan na may masamang ugali! Pagkatapos ng mga ginawa ko sayo kakaibigan mo ako? Nahihibang ka na ba? o baka naman binabalak mong gantihan ako 'no?!"
Binelatan ko siya at sinimangutan. "Wala naman akong balak at hindi naman ako gan'ong tao!"
"Huwag ka ring assuming! Simula't sapul pa lang alam ko ng masama ang ugali mo pero sorry alam kong fonts o filter mo lang 'yong gan'ong ugali pero ang totoo mabuti kang tao kasi nakikita ko 'yon sa mga mata mo!"
"Oo na! friends na tayo! Kung hindi ka lang anak ni tita Ria 'di talaga ako papayag eh!" Naiinis niyang sambit.
"So now, you have my words." I told him. "I will hold your hand at your every rough and tough times, you'll never be alone and I promise I will complete you, I will do everything just to fill the void in your heart."
---
Sweetest_Sassy
BINABASA MO ANG
Having You Beside Me (FT series #1)
Teen Fiction"Hindi dapat iikot ang kasiyahan mo sa iisang bagay, iisang dahilan, at iisang tao kasi lahat nagbabago, baka 'yong nagpapasaya sayo ngayon baka 'yon naman 'yong magpaiyak sayo, baka 'yon naman 'yong dudurog sayo." Naalala ko ang sinabi sa akin ni D...